Add parallel Print Page Options

10 Magpakumbaba kayo sa harapan ng Panginoon, at itataas niya kayo.

Paalala sa Paghuhusga sa Kapwa

11 Mga kapatid, huwag ninyong siraan ang isaʼt isa. Ang naninira o humahatol sa kapatid niya ay nagsasalita laban sa Kautusan at humahatol sa Kautusan. At kung ikaw ang humahatol sa Kautusan, hindi ka na tagatupad nito kundi isa nang hukom. 12 Ngunit ang Dios lang ang nagbigay ng Kautusan at siya lamang ang hukom. Tanging siya ang may kakayahang magligtas at magparusa.[a] Kaya sino ka para husgahan ang kapwa mo?

Read full chapter

Footnotes

  1. 4:12 magparusa: sa literal, mamuksa.