Add parallel Print Page Options

Babala Laban sa Pagtatangi

Mga kapatid ko, huwag kayong magkaroon ng pagtatangi habang tinataglay ninyo ang pananampalataya sa[a] ating Panginoong Jesu-Cristo, ang Panginoon ng kaluwalhatian.

Sapagkat kung pumasok sa inyong pagtitipon ang isang taong may mga gintong singsing sa mga daliri at may magandang kasuotan, at may pumasok ding isang dukha na may hamak na damit,

at inyong pinansin ang may suot ng damit na maganda, at sinabi, “Maupo ka rito,” at sa dukha ay inyong sinabi, “Tumayo ka riyan,” o “Maupo ka sa ibaba ng tuntungan ng aking mga paa,”

hindi ba kayo'y gumagawa ng mga pagtatangi sa inyong mga sarili, at nagiging mga hukom na may masasamang pag-iisip?

Makinig kayo, minamahal kong mga kapatid. Hindi ba pinili ng Diyos ang mga dukha sa sanlibutang ito upang maging mayayaman sa pananampalataya at mga tagapagmana ng kaharian na kanyang ipinangako sa mga nagmamahal sa kanya?

Ngunit inyong hinamak ang dukha. Hindi ba ang mayayaman ang umaapi sa inyo at kumakaladkad sa inyo sa mga hukuman?

Hindi ba sila ang lumalapastangan sa mabuting pangalan na itinawag sa inyo?

Mabuti(A) ang inyong ginagawa kung tunay na inyong ginaganap ang kautusang maka-hari, ayon sa kasulatan, “Ibigin mo ang iyong kapwa na gaya ng iyong sarili.”

Subalit kung kayo'y nagpapakita ng pagtatangi, kayo ay nagkakasala at kayo'y inilalantad ng kautusan bilang mga lumalabag.

10 Sapagkat sinumang tumutupad ng buong kautusan, subalit lumalabag sa isa, ay nagkakasala sa lahat.

11 Sapagkat(B) siya na nagsabi, “Huwag kang mangalunya,” ay nagsabi rin, “Huwag kang papatay.” Ngayon, kung ikaw ay hindi nangangalunya, ngunit pumapatay ka, ikaw ay lumalabag sa kautusan.

12 Kaya't magsalita kayo at kumilos na gaya ng mga taong hahatulan sa pamamagitan ng kautusan ng kalayaan.

13 Sapagkat ang paghuhukom ay walang awa sa mga hindi nagpakita ng awa; ang awa ay nagtatagumpay laban sa paghuhukom.

Pananampalataya at Gawa

14 Ano ang pakinabang mga kapatid ko, kung sinasabi ng sinuman na siya'y may pananampalataya, ngunit walang mga gawa? Maililigtas ba siya ng kanyang pananampalataya?

15 Kung ang isang kapatid na lalaki o babae ay namumuhay nang hubad at kinukulang sa pagkain sa araw-araw,

16 at ang isa sa inyo ay magsabi sa kanila, “Humayo kayong payapa, magpainit kayo at magpakabusog,” subalit hindi ninyo sila binibigyan ng mga bagay na kailangan ng katawan; anong pakinabang niyon?

17 Kaya't ang pananampalataya na nag-iisa, kung ito ay walang mga gawa ay patay.

18 Subalit may magsasabi, “Ikaw ay mayroong pananampalataya, at ako'y mayroong mga gawa.” Ipakita mo sa akin ang iyong pananampalatayang walang mga gawa, at ipapakita ko sa pamamagitan ng aking mga gawa ang aking pananampalataya.

19 Sumasampalataya ka na ang Diyos ay iisa; mabuti ang iyong ginagawa. Ang mga demonyo man ay sumasampalataya at nanginginig pa.

20 Subalit nais mo bang malaman, O taong hangal, na ang pananampalataya na walang mga gawa ay baog?

21 Hindi(C) ba ang ating amang si Abraham ay inaring-ganap sa pamamagitan ng mga gawa, nang kanyang inihandog si Isaac na kanyang anak sa ibabaw ng dambana?

22 Nakikita mo na ang pananampalataya ay gumagawang kalakip ng kanyang mga gawa, at ang pananampalataya ay naging ganap sa pamamagitan ng mga gawa.

23 Kaya't(D) natupad ang kasulatan na nagsasabi, “Si Abraham ay sumampalataya sa Diyos, at iyo'y ibinilang sa kanya na katuwiran,” at siya'y tinawag na kaibigan ng Diyos.

24 Nakikita ninyo na ang tao'y inaaring-ganap sa pamamagitan ng mga gawa at hindi sa pamamagitan ng pananampalataya lamang.

25 Gayundin,(E) hindi ba't si Rahab na masamang babae[b] ay inaring-ganap sa pamamagitan ng mga gawa, nang tanggapin niya ang mga sugo at pinalabas sila sa ibang daan?

26 Sapagkat kung paanong ang katawan na walang espiritu ay patay, gayundin naman ang pananampalataya na walang mga gawa ay patay.

Footnotes

  1. Santiago 2:1 o ng .
  2. Santiago 2:25 o babaing nagbibili ng panandaliang aliw .

Babala Laban sa mga May Pinapaboran

Mga kapatid, bilang mga mananampalataya ng dakila nating Panginoong Jesu-Cristo, dapat wala kayong pinapaboran. Halimbawa, dumating sa inyong pagtitipon ang isang mayaman na may gintong singsing at nakasuot ng mamahaling damit, at dumating din ang isang mahirap na punit-punit naman ang damit. Kung aasikasuhin nʼyo nang mabuti ang nakasuot ng mamahaling damit at bibigyan ng upuan, samantalang ang mahirap ay patatayuin na lang ninyo o pauupuin sa sahig, hindi baʼt may pinapaboran kayo ayon sa masama ninyong pag-iisip?[a]

Makinig kayo, mga minamahal kong kapatid: Hindi baʼt pinili ng Dios ang mga mahihirap sa mundong ito upang maging mayaman sa pananampalataya, at maging tagapagmana ng kahariang ipinangako niya sa mga nagmamahal sa kanya? Ngunit minamaliit nʼyo naman ang mga mahihirap. Hindi baʼt ang mga mayayaman ang nagpapahirap at nagpaparatang sa inyo? Hindi baʼt sila ang nanlalait sa marangal na pangalan ni Jesu-Cristo, at sa pangalang ito kayo nakilala?

Pero kung sinusunod nʼyo ang utos ng Hari sa Kasulatan, na nagsasabi, “Mahalin mo ang iyong kapwa, gaya ng pagmamahal mo sa iyong sarili,”[b] mabuti ang ginagawa ninyo. Ngunit kung may pinapaboran kayo, nagkakasala kayo at ayon sa Kautusan dapat kayong parusahan, dahil nilabag nʼyo ang utos na ito. 10 Ang tumutupad sa buong Kautusan pero lumabag sa isa sa mga ito ay lumabag na rin sa buong Kautusan. 11 Sapagkat ang Dios na nag-utos, “Huwag kang mangangalunya,” ay nagsabi ring, “Huwag kang papatay.”[c] Hindi ka nga nangangalunya, pero pumapatay ka naman, nilalabag mo pa rin ang Kautusan. 12 Kaya mag-ingat kayo sa pananalita at gawa nʼyo, dahil ang Kautusan na nagpalaya sa inyo ang siya ring hahatol sa inyo. 13 Walang awang hahatulan ng Dios ang hindi marunong maawa; pero ang maawain sa kapwa ay hindi kailangang matakot sa oras ng paghatol.

Ang Pananampalataya at Mabuting Gawa

14 Mga kapatid, ano bang mapapala ng isang tao kung sabihin niyang mayroon siyang pananampalataya, pero wala naman siyang mabuting gawa? Maliligtas ba siya ng ganyang pananampalataya? 15 Halimbawa, walang maisuot at walang makain ang isang kapatid, 16 at sasabihan mo, “Pagpalain ka ng Dios at hindi ka sana ginawin at magutom,” pero hindi mo naman siya binigyan ng kailangan niya, may nagawa ba itong mabuti? 17 Ganito rin naman ang pananampalataya; kung hindi ito kinakikitaan ng mabuting gawa, wala itong kabuluhan.[d]

18 Kung talagang may magsasabi, “May pananampalataya ako, at ikaw naman ay may mabuting gawa.” Ito naman ang isasagot ko, paano ko makikita ang pananampalataya mo kung wala ka namang mabuting gawa? Ipapakita ko sa iyo na may pananampalataya ako sa pamamagitan ng mabuti kong gawa. 19 Naniniwala ka na may iisang Dios? Mabuti iyan! Pero kahit ang masasamang espiritu man ay naniniwala rin, at nanginginig pa nga sa takot. 20 Ikaw na walang pang-unawa, gusto mo bang patunayan ko na walang kabuluhan ang pananampalataya kung walang mabuting gawa? 21 Hindi baʼt itinuring na matuwid ng Dios ang ninuno nating si Abraham dahil sa mabuti niyang gawa nang ihandog niya sa altar ang anak niyang si Isaac? 22 Makikita mo na ang pananampalataya niyaʼy may kasamang mabuting gawa. Naipakita na tunay[e] ang pananampalataya niya sa pamamagitan ng mabuting gawa. 23 Natupad ang sinasabi ng Kasulatan, “Sumampalataya si Abraham sa Dios, at dahil dito, itinuring siyang matuwid. Tinawag pa nga siyang kaibigan ng Dios.”[f] 24 Dito nʼyo makikita na itinuturing na matuwid ng Dios ang tao dahil sa mabuti nitong gawa at hindi dahil sa pananampalataya lamang.

25 Ganoon din si Rahab, ang babaeng bayaran. Itinuring siyang matuwid dahil itinago niya ang mga espiya ng mga Israelita at itinuro ang ibang daan para makatakas sila.

26 Kung paanong patay ang katawang walang espiritu, patay din ang pananampalataya kung walang mabuting gawa.

Footnotes

  1. 2:4 masama ninyong pag-iisip: o, masamang hangarin.
  2. 2:8 Lev. 19:18.
  3. 2:11 Exo. 20:13-14; Deu. 5:17-18.
  4. 2:17 wala itong kabuluhan: sa literal, patay.
  5. 2:22 tunay: o, ganap.
  6. 2:23 Gen. 15:6.

My Achim b’Moshiach, you do not with your acts of maso panim (favoritism) hold to the [orthodox Jewish] emunah of the glorious Adoneinu Rebbe, Melech HaMoshiach Yehoshua. [DEVARIM 1:17; VAYIKRA 19:15; MISHLE 24:23]

For if there enter into your Beit HaKnesset (House of Assembly, shul, synagogue, shtibel) a man with gold rings on his fingers in expensive bekeshe (kaftan) and shtreimel, and there enters also an underpriviledged nebach, a kabtzen (poor person) in shmattes (rags),

and you pay special attention to the takif [influential man] wearing the bekeshe and shtreimel and say, "You sit here in the seat of kibbud (respect, honor), and to the kabtzen (pauper) you say, "You stand there." Or "You sit at my feet,"

did you not among yourselves differentiate with prejudice and became shofetim (judges) with machshavot re’sha (evil thoughts)?

Hinei! My beloved Achim b’Moshiach, did not Der Oybershter make the Aniyim of the Olam Hazeh in fact Bechirim of Hashem to be rich in emunah and also yoreshim of the Malchut Hashem, which Adoshem gave as a havtachah (promise) to those with Ahavas Hashem? [IYOV 34:19]

But you dishonored the ish evyon (poor man, pauper). Do not the oishirim (rich ones) oppress you and they drag you into the Batei Din (Bet Din courts)?

Do they not commit Chillul Hashem gidduf (blasphemy) against the Rebbe, Melech HaMoshiach’s Shem Tov that has been named upon you?

If indeed you are shomer regarding the Dat HaMalkhut (Royal Decree), as it is written in the Kitvei Hakodesh, "V’AHAVTAH L’REI’ACHA KAMOCHA" ("And thou shalt love thy neighbor as thyself." [VAYIKRA 19:18]) you do well.

But if you show maso panim (favoritism), you are chote’im (sinners) committing averos (transgressions) against the Torah. [DEVARIM 1:17]

10 For whoever is shomer over kol haTorah but stumbles in one mitzvah, such is condemned as ashem (guilty) of averoh (transgression) of kol mitzvot.

11 For the One having said, LO TINAF ("You shall not commit adultery") said also LO TIRTZACH ("You shall not murder"). Now if you do not commit adultery but you do murder, you have become a Poshei’a al mitzvot HaTorah (Transgressor of the Torah). [SHEMOT 20:13,14; DEVARIM 5:17,18]

12 So let your dvarim (words) be and so let your ma’asim (deeds) be as those who are about to come under the judgment of the Torah HaCherut [1:25].

13 For the Din (Judgment) will be without rachamim (mercy) to the one not having shown rachamim. Rachamim wins the nitzachon (victory) over HaDin.

14 What is the revach (gain, profit), my Achim b’Moshiach, if anyone claims to have emunah but does not have ma’asim (deeds)? Surely not such "emunah" is able to bring him to Yeshu’at Eloheinu?

15 If an Ach b’Moshiach or an Achot b’Moshiach is dressed in shmattes (tatters) and lacking "lechem chukeinu" ("our daily bread," Mt.6:11)

16 and anyone of you says to them, "Go in shalom! Be warmed and fed!" but you do not give to them the physical necessities, what is the revach (profit)?

17 So also Emunah, if alongside it there is not in its company Ma’asim, is by itself niftar (deceased, dead).

18 But someone will say, "You have emunah and I have ma’asim." You make known to me the Hisgalus haSod (the revelation of the mystery) of your emunah without your ma’asim, and I’ll show you, Chaver, from my ma’asim, the Emunah.

19 So you’re impressed with yourselves that with your emunah you can recite the kri’at Shema, nu? O you do so well...why, even the shedim have your da’as and emunah! But they shudder! [DEVARIM 6:4]

20 Are you willing to have da’as, O hollow man, that Emunah unharnessed to Ma’asim, stands idle?

21 Avraham Avinu, was he not YITZDAK IM HASHEM (justified with G-d) by his ma’asim when he performed the akedah (binding) and offered up Yitzchak Bno (Isaac his son) upon the mizbe’ach? [BERESHIS 22:9,12]

22 Hinei! While Avraham Avinu’s Emunah was working, working right alongside was Avraham Avinu’s Ma’asim, and by Ma’asim the emunah was made shleimah!

23 And the Kitvei Hakodesh was fulfilled, Avraham Avinu V’HE’EMIN BA’HASHEM VAYACHSHEVE’HA LO TZEDAKAH ("believed Hashem and it was accounted to him for righteousness," BERESHIS 15:6). He was even called "Ohev Hashem" ("Friend of G-d"). [BERESHIS 15:6; YESHAYAH 41:8; DIVREY HAYOMIM BAIS 20:7]

24 You see that from Ma’asim [of Emunah] a man is YITZDAK IM HASHEM and not from [sterilely unpartnered] “Emunah” alone. [i.e., mere intellectual assent]

25 And likewise also Rachav the Zonah—was she not made YITZDAK IM HASHEM from Ma’asim, having received the messengers and having sent them out a different way?

26 For just as the guf (body) without the neshamah is niftar (deceased, dead), so also is Emunah without Ma’asim.

Favoritism Forbidden

My brothers and sisters, believers in our glorious(A) Lord Jesus Christ must not show favoritism.(B) Suppose a man comes into your meeting wearing a gold ring and fine clothes, and a poor man in filthy old clothes also comes in. If you show special attention to the man wearing fine clothes and say, “Here’s a good seat for you,” but say to the poor man, “You stand there” or “Sit on the floor by my feet,” have you not discriminated among yourselves and become judges(C) with evil thoughts?

Listen, my dear brothers and sisters:(D) Has not God chosen those who are poor in the eyes of the world(E) to be rich in faith(F) and to inherit the kingdom(G) he promised those who love him?(H) But you have dishonored the poor.(I) Is it not the rich who are exploiting you? Are they not the ones who are dragging you into court?(J) Are they not the ones who are blaspheming the noble name of him to whom you belong?

If you really keep the royal law found in Scripture, “Love your neighbor as yourself,”[a](K) you are doing right. But if you show favoritism,(L) you sin and are convicted by the law as lawbreakers.(M) 10 For whoever keeps the whole law and yet stumbles(N) at just one point is guilty of breaking all of it.(O) 11 For he who said, “You shall not commit adultery,”[b](P) also said, “You shall not murder.”[c](Q) If you do not commit adultery but do commit murder, you have become a lawbreaker.

12 Speak and act as those who are going to be judged(R) by the law that gives freedom,(S) 13 because judgment without mercy will be shown to anyone who has not been merciful.(T) Mercy triumphs over judgment.

Faith and Deeds

14 What good is it, my brothers and sisters, if someone claims to have faith but has no deeds?(U) Can such faith save them? 15 Suppose a brother or a sister is without clothes and daily food.(V) 16 If one of you says to them, “Go in peace; keep warm and well fed,” but does nothing about their physical needs, what good is it?(W) 17 In the same way, faith by itself, if it is not accompanied by action, is dead.(X)

18 But someone will say, “You have faith; I have deeds.”

Show me your faith without deeds,(Y) and I will show you my faith(Z) by my deeds.(AA) 19 You believe that there is one God.(AB) Good! Even the demons believe that(AC)—and shudder.

20 You foolish person, do you want evidence that faith without deeds is useless[d]?(AD) 21 Was not our father Abraham considered righteous for what he did when he offered his son Isaac on the altar?(AE) 22 You see that his faith and his actions were working together,(AF) and his faith was made complete by what he did.(AG) 23 And the scripture was fulfilled that says, “Abraham believed God, and it was credited to him as righteousness,”[e](AH) and he was called God’s friend.(AI) 24 You see that a person is considered righteous by what they do and not by faith alone.

25 In the same way, was not even Rahab the prostitute considered righteous for what she did when she gave lodging to the spies and sent them off in a different direction?(AJ) 26 As the body without the spirit is dead, so faith without deeds is dead.(AK)

Footnotes

  1. James 2:8 Lev. 19:18
  2. James 2:11 Exodus 20:14; Deut. 5:18
  3. James 2:11 Exodus 20:13; Deut. 5:17
  4. James 2:20 Some early manuscripts dead
  5. James 2:23 Gen. 15:6