Salmo 79
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Panalangin para sa Kalayaan ng Bansa
79 O Dios, sinalakay ng mga dayuhan ang lupaing pag-aari ninyo.
    Nilapastangan nila ang inyong banal na templo at winasak ang Jerusalem.
2 Ipinakain nila sa mababangis na ibon at hayop ang bangkay ng inyong tapat na mga lingkod.
3 Ibinuhos nila ang dugo ng inyong mga mamamayan na parang tubig sa buong Jerusalem,
    at wala ni isa mang natira sa kanila upang ilibing ang mga namatay.
4 Kinukutya kami at inilalagay sa kahihiyan ng mga bansang nasa palibot namin.
5 Panginoon, hanggang kailan kayo magagalit sa amin?
    Wala na ba itong katapusan?
    Hanggang kailan mag-aapoy ang inyong panibugho?
6 Doon nʼyo ibuhos ang inyong galit,
    sa mga bansa at kaharian na ayaw kumilala at sumamba sa inyo.
7 Dahil pinatay nila ang mga mamamayan[a] nʼyo at winasak ang kanilang mga lupain.
8 Huwag nʼyo kaming parusahan dahil sa kasalanan ng aming mga ninuno.
    Sa halip ay iparating nʼyo agad ang inyong habag sa amin dahil kami ay lugmok na.
9 O Dios na aming Tagapagligtas, tulungan nʼyo kami,
    para sa kapurihan ng inyong pangalan.
    Iligtas nʼyo kami at patawarin sa aming mga kasalanan,
    alang-alang sa inyong pangalan.
10 Huwag nʼyo pong hayaan na sabihin sa amin ng ibang mga bansa,
    “Nasaan na ang inyong Dios?”
    Habang kami ay nakatingin, ipaunawa nʼyo sa mga bansang ito na maghihiganti kayo sa kanila dahil sa pagpatay nila sa inyong mga lingkod.
11 Pakinggan nʼyo ang hinaing ng mga mamamayan nʼyo na binihag nila.
    Nakatakda silang patayin kaya palayain nʼyo sila sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan.
12 O Panginoon, gantihan nʼyo ng pitong ulit ang mga kalapit naming bansa dahil sa ginawa nilang pangungutya sa inyo.
13 At kaming mga mamamayan, na inyong inaalagaan na gaya ng mga tupa sa inyong pastulan ay magpapasalamat sa inyo magpakailanman.
Purihin kayo ng walang hanggan.
Footnotes
- 79:7 ang mga mamamayan: sa literal, si Jacob.
Psaumes 79
La Bible du Semeur
Jérusalem est en ruine
79 Psaume d’Asaph[a].
O Dieu ! Des peuples étrangers ╵ont pénétré dans ton domaine,
ils ont rendu impur ton temple saint,
ils ont fait de Jérusalem ╵un tas de ruines[b].
2 Ils ont livré
les corps de tes serviteurs aux rapaces,
la chair de ceux qui te sont attachés
aux animaux sauvages.
3 Ils ont versé des flots de sang
tout autour de Jérusalem
sans qu’il y ait personne ╵pour enterrer les morts.
4 Nos voisins nous insultent,
et ceux qui nous entourent ╵se moquent de nous et nous raillent.
5 Jusques à quand, ô Eternel, ╵seras-tu sans cesse irrité ?
Et ton ardente indignation ╵brûlera-t-elle comme un feu ?
6 Déverse ta fureur ╵sur les peuples païens,
ceux qui ne te connaissent pas,
sur les royaumes
qui ne t’invoquent pas,
7 car ils ont dévoré Jacob[c],
et ils ont ravagé ╵le lieu de sa demeure[d].
8 Ne tiens plus compte de nos fautes du passé !
Que tes compassions ╵sans tarder nous assistent,
car nous sommes tombés bien bas.
9 Accorde-nous ton aide, ╵ô Dieu, notre Sauveur,
pour l’honneur de ton nom !
Délivre-nous, pardonne nos péchés
à cause de ce que tu es !
10 Pourquoi les autres peuples diraient-ils :
« Où est leur Dieu[e] ? »
Montre-leur sous nos yeux,
que tu demandes compte ╵du meurtre de tes serviteurs !
11 Que les plaintes des prisonniers ╵parviennent jusqu’à toi !
Et que les condamnés à mort
soient sauvés par ton bras puissant !
12 Rends en plein cœur à nos voisins, ╵et au septuple[f],
l’insulte qu’ils t’ont infligée, ╵ô Eternel !
13 Et nous, ton peuple, le troupeau ╵dont tu es le berger,
nous te célébrerons toujours,
et nous publierons tes louanges ╵au cours de tous les âges.
Footnotes
- 79.1 Voir note 50.1.
- 79.1 Voir 2 R 25.8-10 ; 2 Ch 36.17-19 ; Jr 52.12-14.
- 79.7 Jacob est mis ici pour le peuple d’Israël (Gn 32.28).
- 79.7 Voir Jr 10.25.
- 79.10 Voir 42.4, 11 ; Jr 2.17 ; Mi 7.10 ; Ml 2.17.
- 79.12 Sept est le nombre exprimant la plénitude, donc ici la rétribution complète (Gn 4.15 ; Pr 6.31).
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
La Bible Du Semeur (The Bible of the Sower) Copyright © 1992, 1999 by Biblica, Inc.®
 
      Used by permission. All rights reserved worldwide.