Add parallel Print Page Options

Wala nang palatandaan na kasama namin kayo.
    Wala nang propetang naiwan at walang nakakaalam kung hanggang kailan matatapos ang mga nangyayaring ito sa amin.
10 O Dios, hanggang kailan kayo kukutyain ng aming mga kaaway?
    Papayagan nʼyo ba silang lapastanganin ang inyong pangalan habang buhay?
11 Bakit wala kayong ginagawa?
    Kumilos na kayo![a]
    Puksain nʼyo na sila!

Read full chapter

Footnotes

  1. 74:11 Bakit … kayo: sa literal, Bakit nʼyo itinatago ang inyong kanang kamay? Ipakita nʼyo ito!