Add parallel Print Page Options

Awitan ninyo ang Dios,
    awitan ninyo siya ng mga papuri.
    Purihin nʼyo siya,[a] na siyang may hawak sa mga ulap.[b]
    Ang kanyang pangalan ay Panginoon.
    Magalak kayo sa kanyang harapan!
Ang Dios na tumatahan sa kanyang banal na templo ang nangangalaga[c] sa mga ulila at tagapagtanggol ng mga biyuda.
Ibinibigay niya sa isang pamilya ang sinumang nag-iisa sa buhay.
    Pinalalaya rin niya ang mga binihag nang walang kasalanan
    at binibigyan sila ng masaganang buhay.
    Ngunit ang mga suwail, sa mainit at tigang na lupa maninirahan.

Read full chapter

Footnotes

  1. 68:4 Purihin nʼyo siya: o, Ihanda ninyo ang kanyang dadaanan.
  2. 68:4 na siyang may hawak sa mga ulap: sa literal, na siyang nakasakay sa mga ulap.
  3. 68:5 nangangalaga: sa literal, ama.