Add parallel Print Page Options

28 O Dios, ipakita nʼyo ang inyong kapangyarihan,[a]
    katulad ng ginawa nʼyo sa amin noon.
29 Dahil sa inyong templo sa Jerusalem magkakaloob ng mga regalo ang mga hari para sa inyo.
30 Sawayin nʼyo ang bansang kaaway na parang mabagsik na hayop sa talahiban.
    Pati na rin ang mga taong tila mga torong kasama ng mga guya
    hanggang sa silaʼy sumuko at maghandog ng kanilang mga pilak sa inyo.
    Ikalat nʼyo ang mga taong natutuwa kapag may digmaan.

Read full chapter

Footnotes

  1. 68:28 O Dios … kapangyarihan: Ito ang nasa tekstong Septuagint, Syriac at sa ibang tekstong Hebreo. Pero sa tekstong Masoretic, Binigyan kayo ng kapangyarihan ng inyong Dios.