Add parallel Print Page Options

Ang Panginoon at ang Kanyang Hinirang na Hari

110 Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon,[a]
    “Maupo ka sa kanan ko hanggang mapasuko ko sa iyo ang mga kaaway mo.”

Palalawakin ng Panginoon ang iyong kaharian mula sa Zion,
    at paghaharian mo ang iyong mga kaaway.
Sa panahon ng iyong pakikidigma sa mga kaaway, kusang-loob na tutulong sa iyo ang iyong mga tao.
    Ang mga kabataang iyong nasasakupan ay pupunta sa iyo doon sa banal na burol katulad ng hamog tuwing umaga.

Read full chapter

Footnotes

  1. 110:1 Panginoon … Panginoon: Sa Hebreo, Yahweh … adonai. Ang ibig sabihin ng adonai ay Panginoon o amo.