Ruth 4
Ang Biblia, 2001
Tinubos ni Boaz ang Mana ni Elimelec
4 Si Boaz ay nagtungo sa pintuang-bayan at naupo roon. Hindi nagtagal, ang malapit na kamag-anak na sinabi ni Boaz ay dumaan. Sinabi niya sa lalaking iyon “Halika, kaibigan. Maupo ka rito.” Siya'y lumapit at naupo.
2 Siya'y kumuha ng sampung lalaki sa matatanda ng bayan, at sinabi, “Maupo kayo rito.” Kaya't sila'y naupo.
3 Pagkatapos ay sinabi niya sa malapit na kamag-anak, “Si Naomi na bumalik na galing sa lupain ng Moab ay ipinagbibili ang bahagi ng lupa, na pag-aari ng ating kamag-anak na si Elimelec.
4 Kaya't aking inisip na sabihin sa iyo na, “Bilhin mo sa harap ng mga nakaupo rito, at sa harap ng matatanda ng aking bayan. Kung iyong tutubusin ay tubusin mo; ngunit kung hindi mo tutubusin ay sabihin mo, upang malaman ko. Sapagkat wala ng iba pang tutubos liban sa iyo, at ako ang sumusunod sa iyo.” At sinabi niya, “Aking tutubusin.”
5 Nang magkagayo'y sinabi ni Boaz, “Sa araw na iyong bilhin ang bukid sa kamay ni Naomi, iyo ring binibili si Ruth na Moabita, na asawa ng namatay, upang ibangon ang pangalan ng namatay sa kanyang mana.”
6 At sinabi ng malapit na kamag-anak, “Hindi ko ito matutubos para sa aking sarili, baka masira ang aking sariling mana. Iyo na ang aking karapatan ng pagtubos, sapagkat hindi ko ito matutubos.”
7 Ito(A) ang kaugalian nang unang panahon sa Israel tungkol sa pagtubos at tungkol sa pagpapalitan upang pagtibayin ang lahat ng mga bagay. Hinuhubad ng isa ang kanyang panyapak at ibinibigay sa kanyang kapwa; at ito ang paraan ng pagpapatotoo sa Israel.
8 Kaya't nang sabihin ng malapit na kamag-anak kay Boaz, “Bilhin mo para sa iyo,” ay hinubad niya ang kanyang panyapak.
9 Sinabi ni Boaz sa matatanda at sa buong bayan, “Kayo'y mga saksi sa araw na ito, na aking binili ang lahat ng kay Elimelec, lahat ng kay Chilion at kay Malon, mula sa kamay ni Naomi.
10 Bukod(B) dito'y si Ruth na Moabita na asawa ni Malon, ay aking binili upang aking maging asawa, upang ibangon ang pangalan ng namatay sa kanyang mana, upang ang pangalan ng namatay ay huwag matanggal sa gitna ng kanyang mga kapatid, at sa pintuang-bayan ng kanyang sinilangan. Kayo'y mga saksi sa araw na ito.”
11 Pagkatapos,(C) ang buong bayan na nasa pintuang-bayan at ang matatanda ay nagsabi, “Kami ay mga saksi. Gawin nawa ng Panginoon na ang babaing papasok sa iyong bahay na maging gaya nina Raquel at Lea na sila ang nagtatag ng sambahayan ni Israel. Maging makapangyarihan ka nawa sa Efrata at maging bantog sa Bethlehem.
12 Ang(D) iyong sambahayan ay maging gaya ng sambahayan ni Perez na ipinanganak ni Tamar kay Juda, dahil sa mga anak na ibibigay ng Panginoon sa iyo sa pamamagitan ng kabataang babaing ito.”
Si Ruth ay Naging Asawa ni Boaz
13 Kaya't kinuha ni Boaz si Ruth. Siya'y naging kanyang asawa; at siya'y sumiping sa kanya, pinagdalang-tao siya ng Panginoon, at siya'y nanganak ng isang lalaki.
14 Sinabi ng mga babae kay Naomi, “Purihin ang Panginoon na hindi ka pinabayaan sa araw na ito na mawalan ng isang malapit na kamag-anak. Maging bantog nawa ang kanyang pangalan sa Israel.
15 Siya sa iyo'y magiging tagapagpanumbalik ng buhay, at tagapag-alaga sa iyong katandaan; sapagkat ang iyong manugang na babae na nagmamahal sa iyo, na para sa iyo ay higit pa kaysa pitong anak na lalaki, ay nagsilang sa kanya.”
16 Kinuha ni Naomi ang bata, inihilig sa kanyang kandungan, at siya'y naging tagapag-alaga nito.
17 Binigyan ng pangalan ang bata ng mga babaing kanyang kapitbahay, na sinasabi, “May isang lalaki na ipinanganak kay Naomi.” At tinawag nila ang pangalan niya na Obed. Siya ang ama ni Jesse na ama ni David.”
18 Ito ang mga salinlahi ni Perez: naging anak ni Perez si Hesron;
19 naging anak ni Hesron si Ram, naging anak ni Ram si Aminadab;
20 naging anak ni Aminadab si Naashon, naging anak ni Naashon si Salmon:
21 naging anak ni Salmon si Boaz, naging anak ni Boaz si Obed;
22 naging anak ni Obed si Jesse, at naging anak ni Jesse si David.
Ruth 4
New King James Version
Boaz Redeems Ruth
4 Now Boaz went up to the gate and sat down there; and behold, (A)the close relative of whom Boaz had spoken came by. So Boaz said, “Come aside, [a]friend, sit down here.” So he came aside and sat down. 2 And he took ten men of (B)the elders of the city, and said, “Sit down here.” So they sat down. 3 Then he said to the close relative, “Naomi, who has come back from the country of Moab, sold the piece of land (C)which belonged to our brother Elimelech. 4 And I thought to [b]inform you, saying, (D)‘Buy it back (E)in the presence of the inhabitants and the elders of my people. If you will redeem it, redeem it; but if [c]you will not redeem it, then tell me, that I may know; (F)for there is no one but you to redeem it, and I am next after you.’ ”
And he said, “I will redeem it.”
5 Then Boaz said, “On the day you buy the field from the hand of Naomi, you must also buy it from Ruth the Moabitess, the wife of the dead, (G)to [d]perpetuate the name of the dead through his inheritance.”
6 (H)And the close relative said, “I cannot redeem it for myself, lest I ruin my own inheritance. You redeem my right of redemption for yourself, for I cannot redeem it.”
7 (I)Now this was the custom in former times in Israel concerning redeeming and exchanging, to confirm anything: one man took off his sandal and gave it to the other, and this was a confirmation in Israel.
8 Therefore the close relative said to Boaz, “Buy it for yourself.” So he took off his sandal. 9 And Boaz said to the elders and all the people, “You are witnesses this day that I have bought all that was Elimelech’s, and all that was Chilion’s and Mahlon’s, from the hand of Naomi. 10 Moreover, Ruth the Moabitess, the widow of Mahlon, I have acquired as my wife, to perpetuate the name of the dead through his inheritance, (J)that the name of the dead may not be cut off from among his brethren and from [e]his position at the gate. You are witnesses this day.”
11 And all the people who were at the gate, and the elders, said, “We are witnesses. (K)The Lord make the woman who is coming to your house like Rachel and Leah, the two who (L)built the house of Israel; and may you prosper in (M)Ephrathah and be famous in (N)Bethlehem. 12 May your house be like the house of (O)Perez, (P)whom Tamar bore to Judah, because of (Q)the offspring which the Lord will give you from this young woman.”
Descendants of Boaz and Ruth(R)
13 So Boaz (S)took Ruth and she became his wife; and when he went in to her, (T)the Lord gave her conception, and she bore a son. 14 Then (U)the women said to Naomi, “Blessed be the Lord, who has not left you this day without a [f]close relative; and may his name be famous in Israel! 15 And may he be to you a restorer of life and a [g]nourisher of your old age; for your daughter-in-law, who loves you, who is (V)better to you than seven sons, has borne him.” 16 Then Naomi took the child and laid him on her bosom, and became a nurse to him. 17 (W)Also the neighbor women gave him a name, saying, “There is a son born to Naomi.” And they called his name Obed. He is the father of Jesse, the father of David.
18 (X)Now this is the genealogy of Perez: (Y)Perez begot Hezron; 19 Hezron begot Ram, and Ram begot Amminadab; 20 Amminadab begot (Z)Nahshon, and Nahshon begot (AA)Salmon;[h] 21 Salmon begot Boaz, and Boaz begot Obed; 22 Obed begot Jesse, and Jesse begot (AB)David.
Scripture taken from the New King James Version®. Copyright © 1982 by Thomas Nelson. Used by permission. All rights reserved.