Add parallel Print Page Options

Pero sinabi ni Boaz, “Sa araw na tubusin mo ang lupa kay Naomi, kailangang pakasalan mo si Ruth, ang Moabitang biyuda,[a] para kapag nagkaanak kayo, mananatili ang lupa sa pamilya ng kamag-anak nating namatay.”[b]

Nang marinig ito ng lalaki, sinabi niya, “Kung ganoon, hindi ko na tutubusin ang lupa dahil baka magkaproblema pa ako sa sarili kong lupa dahil pati ang magiging anak namin ni Ruth ay may bahagi na sa lupa ko. Ikaw na lang ang tumubos, hindi ko kasi magagawa iyan.”

Nang panahong iyon sa Israel, para matiyak ang pagtubos ng lupa o ang paglilipat ng karapatan sa pagtubos ng lupa, hinuhubad ng isa ang sandalyas niya at ibinibigay sa isa. Ganito ang ginagawa noon sa Israel bilang katibayan ng kanilang transaksyon.

Read full chapter

Footnotes

  1. 4:5 Sa araw … biyuda: Ganito ito sa ibang teksto, pero sa Hebreo, Sa araw na bibilhin mo ang lupa kay Naomi at kay Ruth na Moabita, kinakailangang kunin (sa literal, bilhin) mo bilang asawa ang biyuda.
  2. 4:5 Kapag nagkaanak ang lalaki kay Ruth, ang anak niya ay ituturing na anak ni Mahlon, ang unang asawa ni Ruth na namatay. Si Ruth at ang anak niya ang magmamay-ari ng lupa at hindi ang taong nagpakasal sa kanya. Sa ganitong paraan mananatili ang lupa sa pamilya ni Mahlon.