Add parallel Print Page Options

Pinakasalan ni Boaz si Ruth

Nagtungo si Boaz sa may pintuan ng lunsod at naupo roon. Di nagtagal, dumaan ang tinutukoy niyang pinakamalapit na kamag-anak ni Elimelec. “Pinsan, sandali lang. Maupo ka rito at may sasabihin ako sa iyo,” sabi niya. Lumapit naman ang tinawag at naupo sa tabi ni Boaz. Tumawag si Boaz ng sampung pinuno ng bayan at inanyayahan ding maupo roon.

Read full chapter