Add parallel Print Page Options

Nagtanong si Boaz, “Sino ka?” Sumagot siya, “Ako po si Ruth. Isa po ako sa malapit nʼyong kamag-anak na dapat nʼyong pangalagaan. Takpan nʼyo po ako ng damit ninyo para ipakita na pakakasalan at pangangalagaan nʼyo ako.” 10 Sinabi ni Boaz, “Anak, pagpalain ka nawa ng Panginoon. Ang katapatan na ipinakita mo ngayon sa pamilya mo ay mas higit pa sa ipinakita mo noon.[a] Sapagkat hindi ka humabol sa mga binata, mayaman man o mahirap. 11 Kaya huwag kang mag-alala, anak. Gagawin ko ang lahat ng hinihiling mo, dahil alam ng lahat ng kababayan ko na mabuti kang babae.

Read full chapter

Footnotes

  1. 3:10 Ang katapatan na ipinakita niya noon sa pamilya niya ay ang pagsama niya sa kanyang biyenan pabalik sa Juda. At ang katapatan na ipinakita niya ngayon ay ang pagpapahalaga niya na makapag-asawa ng kamag-anak ng yumao niyang asawa.