Add parallel Print Page Options

Nang matapos kumain at uminom si Boaz, gumanda ang pakiramdam niya. Nahiga siya sa tabi ng bunton ng sebada para matulog. Dahan-dahang lumapit si Ruth at iniangat ang kumot sa paanan niya at nahiga roon. At nang maghahatinggabi na ay nagising si Boaz, at nang nag-inat[a] siya, nagulat siya na may babaeng nakahiga sa paanan niya. Nagtanong si Boaz, “Sino ka?” Sumagot siya, “Ako po si Ruth. Isa po ako sa malapit nʼyong kamag-anak na dapat nʼyong pangalagaan. Takpan nʼyo po ako ng damit ninyo para ipakita na pakakasalan at pangangalagaan nʼyo ako.”

Read full chapter

Footnotes

  1. 3:8 nag-inat: o, bumaling.