Font Size
Ruth 1:6-8
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ruth 1:6-8
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Bumalik sa Bethlehem si Naomi Kasama si Ruth
6 Nabalitaan ni Naomi na ang kanyang bayan ay pinagkalooban ng Diyos ng masaganang ani kaya't humanda sila ng kanyang mga manugang na umalis sa Moab. 7 Naglakbay nga silang pabalik sa Juda. 8 Ngunit sa daa'y sinabi ni Naomi sa kanyang dalawang manugang, “Umuwi na kayo sa dati ninyong tahanan, at manirahan sa inyong mga nanay. Kung paanong naging mabuti kayo sa mga yumao at sa akin, nawa'y maging mabuti rin sa inyo si Yahweh.
Read full chapter