Font Size
Ruth 1:1-3
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Ruth 1:1-3
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Ang Pakikiramay ni Ruth kay Naomi
1 1-2 Noong panahon na hindi pa mga hari ang namumuno[a] sa Israel, nagkaroon ng taggutom sa lupaing ito. Kaya si Elimelec na taga-Betlehem na sakop ng Juda ay pumunta sa Moab kasama ang asawa at dalawang anak niyang lalaki, para roon muna manirahan. Ang pangalan ng asawa niya ay Naomi at ang dalawang anak nila ay sina Mahlon at Kilion. Mga angkan sila ni Efrata na taga-Betlehem.
Habang naroon sila sa Moab, 3 namatay si Elimelec, kaya si Naomi at ang dalawa niyang anak na lalaki ang naiwan.
Read full chapterFootnotes
- 1:1-2 Noong panahon … namumuno: sa literal, Noong panahon na ang mga “shoftim” (mga pinuno/hukom) ang siyang namumuno.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®