Add parallel Print Page Options

Ang Pagkapili ng Diyos sa Israel

Sa ngalan ni Cristo, ako'y nagsasabi ng totoo. Hindi ako nagsisinungaling. Ang aking budhi ay nagpapatunay na totoo ang sinasabi ko at saksi ko ang Espiritu Santo. Matindi ang aking kalungkutan at di mapawi ang pagdaramdam ng aking puso, dahil sa mga kalahi kong Judio. Mas mamatamisin ko pang ako'y sumpain at mapahiwalay kay Cristo, kung ito'y sa ikabubuti nila. Sila'y(A) mga Israelita na binigyan ng Diyos ng karapatang maging mga anak niya. Ipinakita rin niya sa kanila ang kanyang kaluwalhatian. Sa kanila nakipagtipan ang Diyos. Sa kanila rin ibinigay ang Kautusan, ang panuntunan sa pagsamba, at ang kanyang mga pangako. Sa kanila rin nagmula ang mga patriyarka, at tungkol sa kanyang pagiging tao, si Cristo ay nagmula sa kanilang lahi. Ang Kataas-taasang Diyos ay purihin magpakailanman![a] Amen.

Hindi ito nangangahulugang nawalan na ng kabuluhan ang salita ng Diyos, sapagkat hindi lahat ng mga Israelita ay kabilang sa bayang pinili niya. At(B) hindi rin naman ibinibilang na anak ni Abraham ang lahat ng nagmula sa kanya. Ganito ang sinabi ng Diyos, “Magmumula kay Isaac ang ibibilang na lahi mo.” Kaya nga, hindi lahat ng anak ni Abraham ay ibinibilang na anak ng Diyos, kundi iyon lamang mga ayon sa pangako ng Diyos. Sapagkat(C) ganito ang pangako, “Babalik ako sa isang taon, sa ganito ring panahon, at magkakaanak ng isang lalaki si Sara.”

10 At hindi lamang iyon. Kahit na iisa lamang ang ama ng dalawang anak ni Rebecca, na walang iba kundi ang ating ninunong si Isaac, 11-12 ipinakilala(D) ng Diyos na ang kanyang pagpili ay ayon sa sarili niyang layunin at hindi batay sa gawa ng tao. Kaya't bago pa ipanganak ang mga bata, at bago pa sila makagawa ng anumang mabuti o masama, sinabi na ng Diyos kay Rebecca, “Maglilingkod ang mas matanda sa nakababata.” 13 Ayon(E) sa nasusulat, “Minahal ko si Jacob, at kinapootan ko si Esau.”

14 Masasabi ba nating hindi makatarungan ang Diyos dahil dito? Hinding-hindi! 15 Sapagkat(F) ganito ang sabi niya kay Moises, “Mahahabag ako sa nais kong kahabagan at maaawa ako sa nais kong kaawaan.” 16 Maliwanag kung gayon, na ang pasya ng Diyos ay nababatay sa kanyang habag, at hindi sa kagustuhan o pagsisikap ng tao. 17 Sapagkat(G) ayon sa kasulatan ay sinabi niya sa hari ng Egipto, “Ginawa kitang hari upang sa pamamagitan mo'y maipakita ko ang aking kapangyarihan, at maipahayag ang aking pangalan sa buong daigdig.” 18 Kaya nga't kinahahabagan ng Diyos ang sinumang nais niyang kahabagan, at pinagmamatigas ang nais niyang maging matigas ang ulo.

Ang Poot at Habag ng Diyos

19 Sasabihin mo naman sa akin, “Kung gayon, bakit pa sinisisi ng Diyos ang tao? Sino ba ang makakasalungat sa kanyang kalooban?” 20 Tao(H) ka lamang, sino kang mangangahas na sumagot nang ganoon sa Diyos? Masasabi kaya ng isang hinuhubog sa kanyang manghuhubog, “Bakit ninyo ako ginawang ganito?” 21 Wala(I) bang karapatan ang gumagawa ng palayok na bumuo ng mamahalin o mumurahing sisidlan mula sa iisang tumpok ng putik?

22 Kaya,(J) kahit nais nang ipakita noon ng Diyos ang kanyang poot at ipakilala ang kanyang kapangyarihan, buong tiyaga pa rin niyang pinagtiisan ang mga taong dapat sana'y parusahan at lipulin. 23 Ginawa niya iyon upang ipakilala ang kanyang walang kapantay na kadakilaan sa mga taong kanyang kinahabagan, na noong una pa'y inihanda na niya para sa kaluwalhatian. 24 Tayo ang mga taong iyon na tinawag niya hindi lamang mula sa mga Judio subalit mula rin sa mga Hentil. 25 Ganito(K) ang sinasabi niya sa aklat ni Oseas,

“Ang dating hindi ko bayan
    ay tatawaging ‘Bayan ko,’
at ang dating hindi ko mahal
    ay tatawaging ‘Mahal ko.’
26 At(L) sa lugar kung saan sinabing ‘Kayo'y hindi ko bayan,’
    sila'y tatawaging mga anak ng Diyos na buháy.”

27 Ito(M) naman ang ipinahayag ni Isaias tungkol sa Israel, “Kahit na maging kasindami ng buhangin sa dagat ang bilang ng mga anak ni Israel, kaunti lamang ang matitira sa kanila na maliligtas. 28 Sapagkat mahigpit at mabilis na hahatulan ng Panginoon ang daigdig.” 29 Si(N) Isaias din ang nagsabi, “Kung ang Makapangyarihang Panginoon ay hindi nagtira ng ilan sa ating lahi, tayo sana'y naging katulad ng Sodoma at Gomorra.”

Ang Israel at ang Magandang Balita

30 Ano ngayon ang masasabi natin? Ang mga Hentil na hindi nagsikap na maging matuwid sa harapan ng Diyos ay itinuring na matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya. 31 Ngunit ang Israel naman, na nagsikap na maging matuwid sa harapan ng Diyos sa pamamagitan ng Kautusan, ay nabigo. 32 Bakit? Dahil sinikap nilang kalugdan sila ng Diyos sa pamamagitan ng mga gawa, at hindi sa pamamagitan ng pananampalataya. Natisod sila sa batong katitisuran, 33 tulad(O) ng nasusulat,

“Tingnan ninyo, naglalagay ako sa Zion ng batong katitisuran,
    isang malaking bato na sa kanila'y magpapabuwal.
Ngunit ang sumasampalataya sa batong ito ay hindi mapapahiya.”

Footnotes

  1. Roma 9:5 si Cristo…magpakailanman!: o kaya'y ang Cristo, ang Kataas-taasang Diyos na pinapupurihan magpakailanman .

Israel’s Rejection of Christ

I (A)tell the truth in Christ, I am not lying, my conscience also bearing me witness in the Holy Spirit, (B)that I have great sorrow and continual grief in my heart. For (C)I could wish that I myself were accursed from Christ for my brethren, my [a]countrymen according to the flesh, who are Israelites, (D)to whom pertain the adoption, (E)the glory, (F)the covenants, (G)the giving of the law, (H)the service of God, and (I)the promises; (J)of whom are the fathers and from (K)whom, according to the flesh, Christ came, (L)who is over all, the eternally blessed God. Amen.

Israel’s Rejection and God’s Purpose(M)

(N)But it is not that the word of God has taken no effect. For (O)they are not all Israel who are of Israel, (P)nor are they all children because they are the seed of Abraham; but, (Q)“In Isaac your seed shall be called.” That is, those who are the children of the flesh, these are not the children of God; but (R)the children of the promise are counted as the seed. For this is the word of promise: (S)“At this time I will come and Sarah shall have a son.”

10 And not only this, but when (T)Rebecca also had conceived by one man, even by our father Isaac 11 (for the children not yet being born, nor having done any good or evil, that the purpose of God according to election might stand, not of works but of (U)Him who calls), 12 it was said to her, (V)“The older shall serve the younger.” 13 As it is written, (W)“Jacob I have loved, but Esau I have hated.”

Israel’s Rejection and God’s Justice

14 What shall we say then? (X)Is there unrighteousness with God? Certainly not! 15 For He says to Moses, (Y)“I will have mercy on whomever I will have mercy, and I will have compassion on whomever I will have compassion.” 16 So then it is not of him who wills, nor of him who runs, but of God who shows mercy. 17 For (Z)the Scripture says to the Pharaoh, (AA)“For this very purpose I have raised you up, that I may show My power in you, and that My name may be declared in all the earth.” 18 Therefore He has mercy on whom He wills, and whom He wills He (AB)hardens.

19 You will say to me then, “Why does He still find fault? For (AC)who has resisted His will?” 20 But indeed, O man, who are you to reply against God? (AD)Will the thing formed say to him who formed it, “Why have you made me like this?” 21 Does not the (AE)potter have power over the clay, from the same lump to make (AF)one vessel for honor and another for dishonor?

22 What if God, wanting to show His wrath and to make His power known, endured with much longsuffering (AG)the vessels of wrath (AH)prepared for destruction, 23 and that He might make known (AI)the riches of His glory on the vessels of mercy, which He had (AJ)prepared beforehand for glory, 24 even us whom He (AK)called, (AL)not of the Jews only, but also of the Gentiles?

25 As He says also in Hosea:

(AM)“I will call them My people, who were not My people,
And her beloved, who was not beloved.”
26 “And(AN) it shall come to pass in the place where it was said to them,
‘You are not My people,’
There they shall be called sons of the living God.”

27 Isaiah also cries out concerning Israel:

(AO)“Though the number of the children of Israel be as the sand of the sea,
(AP)The remnant will be saved.
28 For [b]He will finish the work and cut it short in righteousness,
(AQ)Because the Lord will make a short work upon the earth.”

29 And as Isaiah said before:

(AR)“Unless the Lord of [c]Sabaoth had left us a seed,
(AS)We would have become like Sodom,
And we would have been made like Gomorrah.”

Present Condition of Israel

30 What shall we say then? (AT)That Gentiles, who did not pursue righteousness, have attained to righteousness, (AU)even the righteousness of faith; 31 but Israel, (AV)pursuing the law of righteousness, (AW)has not attained to the law [d]of righteousness. 32 Why? Because they did not seek it by faith, but as it were, [e]by the works of the law. For (AX)they stumbled at that stumbling stone. 33 As it is written:

(AY)“Behold, I lay in Zion a stumbling stone and rock of offense,
And (AZ)whoever believes on Him will not be put to shame.”

Footnotes

  1. Romans 9:3 Or relatives
  2. Romans 9:28 NU the Lord will finish the work and cut it short upon the earth
  3. Romans 9:29 Lit., in Heb., Hosts
  4. Romans 9:31 NU omits of righteousness
  5. Romans 9:32 NU by works, omitting of the law