Roma 5:10
Ang Biblia (1978)
10 Sapagka't (A)kung, noong tayo'y mga kaaway (B)ay pinakipagkasundo tayo sa Dios sa pamamagitan ng kamatayan ng kaniyang Anak, lubha pa, ngayong nangagkakasundo na, ay mangaliligtas tayo (C)sa kaniyang buhay;
Read full chapter
2 Corinto 5:18-20
Ang Biblia (1978)
18 Datapuwa't ang lahat ng mga bagay ay pawang sa Dios, (A)na pinakipagkasundo tayo sa kaniya rin sa pamamagitan ni Cristo, at ibinigay sa amin ang ministerio sa (B)pagkakasundo;
19 Sa makatuwid baga'y, na ang (C)Dios kay Cristo ay pinakipagkasundo ang sanglibutan sa kaniya rin, na hindi ibinibilang sa kanila ang kanilang mga kasalanan, at ipinagkatiwala sa amin ang salita ng pagkakasundo.
20 (D)Kami nga'y mga sugo sa pangalan ni Cristo, (E)na waring namamanhik ang Dios sa pamamagitan namin: kayo'y pinamamanhikan namin sa pangalan ni Cristo, na kayo'y makipagkasundo sa Dios.
Read full chapter
Efeso 2:13-16
Ang Biblia (1978)
13 Datapuwa't ngayon kay Cristo Jesus kayo na noong panahon ay nalalayo (A)ay inilapit sa dugo ni Cristo.
14 Sapagka't siya ang ating kapayapaan, (B)na kaniyang pinagisa ang dalawa, at iginiba ang pader na nasa gitna na nagpapahiwalay,
15 Na inalis (C)ang pagkakaalit (D)sa pamamagitan ng kaniyang laman, kahit kautusan na may mga batas at ang palatuntunan; upang sa dalawa ay lalangin sa kaniyang sarili ang isang (E)taong bago, sa ganito'y ginagawa ang kapayapaan;
16 At (F)upang papagkasunduin silang dalawa sa (G)isang katawan sa Dios sa pamamagitan ng krus, (H)na sa kaniya'y pinatay ang pagkakaalit.
Read full chapter
Colosas 1:20-22
Ang Biblia (1978)
20 At sa pamamagitan niya ay pakipagkasunduin sa kaniya ang lahat ng mga bagay, na pinapayapa niya sa pamamagitan ng dugo ng kaniyang krus; sa pamamagitan niya, sinasabi ko, (A)maging mga bagay sa kalupaan, o mga bagay sa sangkalangitan.
21 At kayo, nang nakaraang panahon ay nangahihiwalay at mga kaaway sa inyong pagiisip sa inyong mga gawang masasama.
22 Gayon ma'y pinakipagkasundo niya ngayon (B)sa katawan ng kaniyang laman, sa pamamagitan ng kamatayan, upang kayo'y iharap na mga banal at walang dungis at walang kapintasan sa harapan niya:

Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978