Add parallel Print Page Options

Pumipili ang Diyos Ayon sa Kaniyang Kaluguran

Sinasabi ko ang katotohanan na kay Cristo. Hindi ako nagsisinungaling. Kasama kong nagpapatotoo ang aking budhi na nasa Banal na Espiritu.

Ito ang nagpapatotoo naako ay may malaking kalungkutan at walang tigil na pagdadalamhati sa aking puso. Ito ay sapagkat hinangad ko pa na ako ay sumpain at ihiwalay mula kay Cristo alang-alang sa aking mga kapatid, sa aking mga kamag-anak ayon sa laman. Sila ay ang mga taga-Israel. Sa kanila ang pag-ampon, ang kaluwalhatian at mga tipan, at ang pagbibigay ng kautusan. Sa kanila rin ang paglilingkod at mga pangako. Sa kanila nagmula ang mga ninuno at si Cristo, sa pamamagitan ng laman, ay nagmula sa kanila. Siya ang pinakadakila sa lahat, ang Diyos na pinupuri magpakailanman. Siya nawa.

Ito ay sapagkat hindi ang salita ng Diyos ay waring nagkulang sapagkat hindi lahat ng nagmula sa Israel ay tunay na mga taga-Israel. Gayundin naman ang mga nanggaling sa lahi ni Abraham ay hindi lahat tunay na mga anak ni Abraham. Subalit sinasabi: Kay Isaac tatawagin ang iyong binhi. Ito ay hindi ang mga anak na ayon sa laman ang siyang mga anak ng Diyos. Ngunit ang mga anak ng pangako ang ibinilang na binhi. Ito ay sapagkat ganito ang sinasabi ng pangako:

Sa takdang panahon ako ay darating at si Sara ay magkakaanak ng isang lalaki.

10 Hindi lang iyan, kundi si Rebecca ay naglihi sa pamamagitan ng isang lalaki. Siya ay ang ating ninunong si Isaac. 11 Ito ay sapagkat bago pa ipinanganak ang mga bata, bago pa sila nakagawa ng mabuti o ng masama, nangusap na ang Diyos kay Rebecca upang ang layunin ng Diyos na kaniyang pinili ay manatili. Ito ay hindi mula sa gawa kundi mula sa kaniya na tumatawag. 12 Sinabi ng Diyos kay Rebecca: Ang matandang kapatid ay maglilingkod sa batang kapatid. 13 Ayon sa nasusulat:

Inibig ko si Jacob, kinapootan ko si Esau.

14 Ano ang sasabihin natin? May kalikuan ba sa Diyos? Huwag nawang mangyari. 15 Sinabi ng Diyos kay Moises:

Mahahabag ako sa sinumang kahahabagan ko. Maaawa ako sa sinumang kaaawaan ko.

16 Kaya nga, ito ay hindi sa kaniya na nagnanais o sa kaniya na tumatakbo. Subalit ito ay sa Diyos na siyang may kahabagan. 17 Ito ay sapagkat sinabi ng kasulatan kay Faraon:

Upang maipakita ko sa pamamagitan mo ang aking kapangyarihan, inilagay kita sa kina­lalagyan mo ngayon. Ginawa ko ito upang maihayag ang aking pangalan sa buong lupa.

18 Kaya nga, mahahabag ang Diyos sa sinumang ibig niyang kahabagan. Patitigasin niya ang puso ng sinumang ibig niyang patigasin ang puso.

19 Kaya nga, sinasabi: Bakit pa niya tayo pinagbibin­tangan? Sino ang tumanggi sa kaniyang kalooban? 20 Oo, at higit pa dito, tao, sino ka upang makipagtalo laban sa Diyos? Sasabihin ba ng hinubog sa humubog sa kaniya: Bakit mo ako ginawang ganito? 21 Hindi ba ang magpapalayok ang may kapamahalaan sa putik? Mula sa putik ding iyon siya ay maaaring gumawa rin ng sisidlang pangmarangal ang gamit at ang ibang sisidlang hindi pangmarangal ang gamit.

22 Yamang ibig ng Diyos na ipahayag ang kaniyang galit, at upang maipaalam niya sa kaniyang mga tao ang kaniyang kapangyarihan, nagtitiis siyang may pagtitiyaga sa mga sisidlang tatanggap ng galit. Inihanda na niya sila sa kapahamakan. 23 Ginawa niya ito upang ipaalam niya ang kayamanan ng kaniyang kaluwalhatian sa mga sisidlang kaniyang kinahabagan. Sila ay inihanda niya sa nakaraang kaluwalhatian. 24 Iyan nga tayo, na kaniyang tinatawag, hindi lamang mula sa mga Judio kundi mula sa mga Gentil din naman. 25 Sa aklat ni Hosea ay sinabi rin niya:

Tatawagin kong mga tao ko sila na hindi ko mga tao. Tatawagin ko na aking iniibig ang mga hindi ko iniibig.

26 At mangyayari, na sa dako na kung saan ay sinabi sa kanila: Hindi ko kayo mga tao. Sa dako ring iyon ay tatawagin ko sila: Kayo ay mga anak ng buhay na Diyos.

27 Ngunit sumigaw si Isaias patungkol sa Israel:

Ang bilang ng mga anak ni Israel ay tulad sa bilang ng buhangin sa dagat. Kahit ganito ang bilang nila, maliit na pangkat lamang ang maliligtas.

28 Ito ay sapagkat tatapusin niya ang bagay na iyon. Kaniyang iiklian iyon ayon sa katuwiran sapagkat pinaiklian ng Panginoon ang kaniyang gawain sa ibabaw ng lupa.

29 Ayon din sa sinabi ni Isaias noong una:

Kung hindi nagtira ng binhi sa atin ang Pangi­noon ng mga hukbo, magiging tulad tayo ng mga tao ng Sodoma at tulad ng mga tao ng Gomora.

Hindi Sumampalataya ang mga Taga-Israel

30 Ano nga ang sasabihin natin? Sasabihin ba natin: Ang mga Gentil na hindi nagsikap sumunod sa katuwiran ay tumanggap ng katuwiran. Ang katuwirang ito ay sa pamama­gitan ng pananampalataya.

31 Ang Israel ay nagsikap sumunod sa kautusan ng katuwiran ngunit hindi sila nakaabot sa katuwiran ng kautusan. 32 Bakit? Ito ay sapagkat hindi sila nagsikap sa pamamgitan ng pananampalataya kundi sa pamamagitan ng mga gawa ng kautusan. Sila ay natisod sa batong katitisuran. 33 Ayon sa nasusulat:

Narito, naglagay ako sa Zion ng batong katiti­suran at batong ikabubuwal nila. At ang bawat isang sumasampalataya sa kaniya ay hindi mapapahiya.

God's Sovereign Choice

(A)I am speaking the truth in Christ—I am not lying; my conscience bears me witness in the Holy Spirit— that I have great sorrow and unceasing anguish in my heart. For (B)I could wish that I myself were (C)accursed and cut off from Christ for the sake of my brothers,[a] my kinsmen (D)according to the flesh. They are (E)Israelites, and to them belong (F)the adoption, (G)the glory, (H)the covenants, (I)the giving of the law, (J)the worship, and (K)the promises. To them belong (L)the patriarchs, and from their race, according to the flesh, is the Christ, (M)who is God over all, (N)blessed forever. Amen.

But it is not as though the word of God has failed. For not all who are descended from Israel belong to Israel, and not all are children of Abraham (O)because they are his offspring, but (P)“Through Isaac shall your offspring be named.” This means that it is not the children of the flesh who are the children of God, but (Q)the children of the promise are counted as offspring. For this is what the promise said: (R)“About this time next year I will return, and Sarah shall have a son.” 10 And not only so, but (S)also when Rebekah had conceived children by one man, our forefather Isaac, 11 though they were not yet born and had done nothing either good or bad—in order that God's purpose of election might continue, not because of works but because of (T)him who calls— 12 she was told, (U)“The older will serve the younger.” 13 As it is written, (V)“Jacob I loved, but Esau I hated.”

14 What shall we say then? (W)Is there injustice on God's part? By no means! 15 For he says to Moses, (X)“I will have mercy on whom I have mercy, and I will have compassion on whom I have compassion.” 16 So then it depends not on human will or exertion,[b] but on God, who has mercy. 17 For the Scripture says to Pharaoh, (Y)“For this very purpose I have raised you up, that I might show my power in you, and that my name might be proclaimed in all the earth.” 18 So then he has mercy on whomever he wills, and he hardens whomever he wills.

19 You will say to me then, “Why does he still find fault? For (Z)who can resist his will?” 20 But who are you, O man, (AA)to answer back to God? (AB)Will what is molded say to its molder, “Why have you made me like this?” 21 (AC)Has the potter no right over the clay, to make out of the same lump (AD)one vessel for honorable use and another for dishonorable use? 22 What if God, desiring to show his wrath and to make known his power, has endured with much patience (AE)vessels of wrath (AF)prepared for destruction, 23 in order to make known (AG)the riches of his glory for vessels of mercy, which he (AH)has prepared beforehand for glory— 24 even us whom he (AI)has called, (AJ)not from the Jews only but also from the Gentiles? 25 As indeed he says in Hosea,

(AK)“Those who were not my people I will call ‘my people,’
    and her who was not beloved I will call ‘beloved.’”
26 (AL)“And in the very place where it was said to them, ‘You are not my people,’
    there they will be called (AM)‘sons of the living God.’”

27 And Isaiah cries out concerning Israel: (AN)“Though the number of the sons of Israel[c] be as the sand of the sea, (AO)only a remnant of them will be saved, 28 for the Lord will carry out his sentence upon the earth fully and without delay.” 29 And as Isaiah predicted,

(AP)(AQ)“If the Lord of hosts had not left us offspring,
    (AR)we would have been like Sodom
    and become like Gomorrah.”

Israel's Unbelief

30 What shall we say, then? (AS)That Gentiles who did not pursue righteousness have attained it, that is, (AT)a righteousness that is by faith; 31 but that Israel (AU)who pursued a law that would lead to righteousness[d] (AV)did not succeed in reaching that law. 32 Why? Because they did not pursue it by faith, but as if it were based on works. They have stumbled over the (AW)stumbling stone, 33 as it is written,

(AX)“Behold, I am laying in Zion (AY)a stone of stumbling, and a rock of offense;
    (AZ)and whoever believes in him will not be (BA)put to shame.”

Footnotes

  1. Romans 9:3 Or brothers and sisters
  2. Romans 9:16 Greek not of him who wills or runs
  3. Romans 9:27 Or children of Israel
  4. Romans 9:31 Greek a law of righteousness