Add parallel Print Page Options

Ito ay sapagkat ganito ang sinasabi ng pangako:

Sa takdang panahon ako ay darating at si Sara ay magkakaanak ng isang lalaki.

10 Hindi lang iyan, kundi si Rebecca ay naglihi sa pamamagitan ng isang lalaki. Siya ay ang ating ninunong si Isaac. 11 Ito ay sapagkat bago pa ipinanganak ang mga bata, bago pa sila nakagawa ng mabuti o ng masama, nangusap na ang Diyos kay Rebecca upang ang layunin ng Diyos na kaniyang pinili ay manatili. Ito ay hindi mula sa gawa kundi mula sa kaniya na tumatawag.

Read full chapter