Add parallel Print Page Options

10 Yamang si Cristo nga ay nasa inyo, tunay ngang ang katawan ay patay dahil sa kasalanan. Ngunit dahil sa katuwiran, ang Espiritu ay buhay. 11 Ngunit kung ang Espiritu na nagbangon kay Jesus mula sa mga patay ay nananahan sa inyo, siya na nagbangon kay Cristo mula sa mga patay ay magbibigay din ng buhay sa inyong mga katawang may kamatayan. Gagawin niya ito sa pamamagitan ng kaniyang Espiritu na nananahan sa inyo.

12 Kaya nga, mga kapatid, tayo ay may pagkakautang hindi sa makalamang kalikasan upang tayo ay mamuhay ayon sa makalamang kalikasan.

Read full chapter