Font Size
Roma 6:4-6
Ang Biblia (1978)
Roma 6:4-6
Ang Biblia (1978)
4 Tayo nga'y (A)nangalibing na kalakip niya sa pamamagitan ng bautismo sa kamatayan: na kung paanong si (B)Cristo ay nabuhay na maguli sa mga patay sa pamamagitan (C)ng kaluwalhatian ng Ama, ay (D)gayon din naman tayo'y makalalakad sa panibagong buhay.
5 Sapagka't (E)kung tayo nga ay naging kalakip niya dahil sa kawangisan ng kaniyang kamatayan, ay magkakagayon din naman tayo dahil sa kawangisan ng kaniyang pagkabuhay na maguli;
6 Na nalalaman natin, na ang (F)ating datihang pagkatao ay kalakip niyang napako sa krus, upang (G)ang katawang salarin ay magiba, at nang sa gayo'y huwag na tayong maalipin pa ng kasalanan;
Read full chapter
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978