Add parallel Print Page Options

Sa pamamagitan ni Jesus at dahil sa ating pananampalataya, tinatamasa natin ngayon ang biyaya ng Dios at nagagalak tayo dahil sa ating pag-asa na makakabahagi tayo sa kadakilaan ng Dios. At nagagalak din tayo kahit na dumaranas tayo ng mga paghihirap, dahil natututo tayong magtiis. Alam natin na ang pagtitiis ay nagpapabuti sa ating pagkatao.[a] At kung mabuti ang ating pagkatao,[b] may pag-asa tayo na makakabahagi tayo sa kadakilaan ng Dios.

Read full chapter

Footnotes

  1. 5:4 nagpapabuti sa ating pagkatao: o, nagbibigay-lugod sa Dios.
  2. 5:4 kung mabuti ang ating pagkatao: o, kung nalulugod ang Dios sa atin.

Sa pamamagitan niya'y nakalapit tayo[a] sa biyayang ito na ating pinaninindigan, at nagagalak tayo sa pag-asa ng kaluwalhatian ng Diyos.

At hindi lamang gayon, kundi nagagalak rin tayo sa ating mga kapighatian sa pagkaalam na ang kapighatian ay nagbubunga ng pagtitiis,

at ang pagtitiis ng pagpapatibay; at ang pagpapatibay ng pag-asa.

Read full chapter

Footnotes

  1. Roma 5:2 Sa ibang mga kasulatan ay may dagdag na sa pamamagitan ng pananampalataya .