Add parallel Print Page Options

11 Sapagka't ang Dios (A)ay hindi nagtatangi ng mga tao.

12 Sapagka't ang (B)lahat ng nangagkasala ng walang kautusan ay mangapapahamak din naman ng walang kautusan: at ang lahat na nangagkasala sa ilalim ng kautusan ay sa kautusan din sila hahatulan;

13 Sapagka't hindi (C)ang mga tagapakinig ng kautusan ang siyang mga ganap sa harapan ng Dios, kundi ang nangagsisitalima sa kautusan (D)ay aariing mga ganap;

Read full chapter