Add parallel Print Page Options

23 Binabati kayo ni (A)Gayo na pinanunuluyanan ko, at ng buong iglesia. Binabati kayo ni (B)Erasto na ingat-yaman ng bayan, at ng kapatid na si Cuarto.

24 Ang biyaya ng ating Panginoong Jesucristo ay sumainyong lahat. Siya nawa.

25 At ngayon sa kaniya na (C)makapangyarihan na sa inyo'y makapagpapatibay (D)ayon sa aking evangelio at sa pangangaral ni Jesucristo, (E)ayon sa pahayag ng hiwaga na (F)natago sa katahimikan nang panahong walang hanggan.

Read full chapter