Add parallel Print Page Options

Sapagkat maging si Cristo ay hindi nagbigay-lugod sa kani­yang sarili. Subalit ayon sa nasusulat:

Ang pag-aalipusta nila na umaalipusta sa iyo ay napunta sa akin.

Ito ay sapagkat ang anumang bagay na isinulat noong una pa ay isinulat para sa ikatututo natin upang magkaroon tayo ng pag-asa sa pamamagitan ng pagtitiis at pagpapalakas-loob na mula sa kasulatan.

Ang Diyos ang nagbigay sa inyo ng pagtitiis at pagpapalakas-loob upang magkaroon kayo ng iisang kaisipan sa isa’t isa ayon kay Cristo Jesus.

Read full chapter