Roma 13
Magandang Balita Biblia
Paggalang sa Pamahalaan
13 Ang(A) bawat tao'y dapat pasakop sa mga pinuno ng pamahalaan, sapagkat walang pamahalaang hindi mula sa Diyos, at ang Diyos ang nagtatag ng mga pamahalaang umiiral. 2 Kaya nga, ang lumalaban sa pamahalaan ay lumalaban sa itinalaga ng Diyos; at sila'y nararapat sa parusa. 3 Ang mga pinuno ay hindi dapat katakutan ng taong gumagawa ng mabuti. Ang mga gumagawa lamang ng masama ang dapat matakot. Kung ayaw mong matakot sa mga namumuno, gumawa ka ng mabuti, at pararangalan ka nila. 4 Sila'y mga lingkod ng Diyos para sa ikabubuti mo. Ngunit kung gumagawa ka ng masama, dapat kang matakot dahil sila'y may kapangyarihang magparusa.[a] Sila'y mga lingkod ng Diyos, na nagpaparusa sa mga gumagawa ng masama. 5 Kaya nga, dapat kayong pasakop sa kanila, hindi lamang upang hindi kayo maparusahan, kundi alang-alang na rin sa inyong budhi.
6 Iyan(B) din ang dahilan kung bakit kayo nagbabayad ng buwis. Ang mga pinuno ng pamahalaan ay mga lingkod ng Diyos at ito ang kanilang tungkulin. 7 Ibigay ninyo sa bawat isa ang nararapat sa kanya. Magbayad kayo sa mga dapat bayaran at magbigay kayo ng buwis sa dapat buwisan; igalang ninyo ang dapat igalang at parangalan ninyo ang dapat parangalan.
Mga Tungkulin sa Kapwa
8 Huwag kayong magkaroon ng sagutin kaninuman, maliban na kayo'y magmahalan sa isa't isa, sapagkat ang nagmamahal sa kapwa ay nakatupad na sa Kautusan. 9 Ang(C) mga utos gaya ng, “Huwag kang mangangalunya; huwag kang papatay; huwag kang magnanakaw; huwag mong pagnanasaang maangkin ang pag-aari ng iba;” at alinmang utos na tulad ng mga ito ay nauuwing lahat sa iisang utos, “Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili.” 10 Ang umiibig ay hindi gumagawa ng masama kaninuman, kaya't ang pag-ibig ang katuparan ng Kautusan.
11 Gawin ninyo ito, dahil alam ninyong panahon na upang gumising kayo. Ang pagliligtas sa atin ay higit nang malapit ngayon kaysa noong tayo'y unang sumampalataya sa Panginoon. 12 Namamaalam na ang gabi at malapit nang lumiwanag. Layuan na natin ang lahat ng masasamang gawain at italaga natin ang sarili sa paggawa ng mabuti.[b] 13 Mamuhay tayo sa liwanag at huwag gugulin ang panahon sa magulong pagsasaya at paglalasing, kahalayan at kalaswaan, sa alitan at inggitan. 14 Gawin ninyo ang Panginoong Jesu-Cristo bilang sandata at huwag ninyong pagbigyan ang laman upang masunod ang mga hilig nito.
Footnotes
- Roma 13:4 dahil sila’y...magparusa: Sa Griego ay sapagkat hindi sila nagdadala ng tabak nang walang kabuluhan .
- Roma 13:12 Layuan na natin...ng mabuti: Sa Griego ay Iwaksi natin ang mga gawa ng kadiliman at isuot ang baluti ng kaliwanagan .
Romans 13
New King James Version
Submit to Government
13 Let every soul be (A)subject to the governing authorities. For there is no authority except from God, and the authorities that exist are appointed by God. 2 Therefore whoever resists (B)the authority resists the ordinance of God, and those who resist will [a]bring judgment on themselves. 3 For rulers are not a terror to good works, but to evil. Do you want to be unafraid of the authority? (C)Do what is good, and you will have praise from the same. 4 For he is God’s minister to you for good. But if you do evil, be afraid; for he does not bear the sword in vain; for he is God’s minister, an avenger to execute wrath on him who practices evil. 5 Therefore (D)you must be subject, not only because of wrath (E)but also for conscience’ sake. 6 For because of this you also pay taxes, for they are God’s ministers attending continually to this very thing. 7 (F)Render therefore to all their due: taxes to whom taxes are due, customs to whom customs, fear to whom fear, honor to whom honor.
Love Your Neighbor(G)
8 Owe no one anything except to love one another, for (H)he who loves another has fulfilled the law. 9 For the commandments, (I)“You shall not commit adultery,” “You shall not murder,” “You shall not steal,” [b]“You shall not bear false witness,” “You shall not covet,” and if there is any other commandment, are all summed up in this saying, namely, (J)“You shall love your neighbor as yourself.” 10 Love does no harm to a neighbor; therefore (K)love is the fulfillment of the law.
Put on Christ
11 And do this, knowing the time, that now it is high time (L)to awake out of sleep; for now our salvation is nearer than when we first believed. 12 The night is far spent, the day is at hand. (M)Therefore let us cast off the works of darkness, and (N)let us put on the armor of light. 13 (O)Let us walk [c]properly, as in the day, (P)not in revelry and drunkenness, (Q)not in lewdness and lust, (R)not in strife and envy. 14 But (S)put on the Lord Jesus Christ, and (T)make no provision for the flesh, to fulfill its lusts.
Footnotes
- Romans 13:2 Lit. receive
- Romans 13:9 NU omits “You shall not bear false witness,”
- Romans 13:13 decently
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
Scripture taken from the New King James Version®. Copyright © 1982 by Thomas Nelson. Used by permission. All rights reserved.