Add parallel Print Page Options

11 At ito, yamang nakikilala ang panahon, na ngayo'y kapanahunan nang (A)magsigising kayo sa pagkakatulog: sapagka't ngayon ay lalong malapit na sa atin ang kaligtasan kay sa nang tayo'y magsisampalataya nang una.

12 (B)Ang gabi ay totoong malalim, at ang araw ay malapit na: (C)iwaksi nga natin ang mga gawa ng kadiliman, at (D)ating isakbat ang mga sandata ng kaliwanagan.

13 Magsilakad tayong mahinhin, gaya ng sa araw; huwag sa katakawan at paglalasing, huwag sa (E)kalibugan at sa kahalayan, huwag sa mga pagkakaalit at pagkakainggitan.

Read full chapter