Add parallel Print Page Options

Ano ngayon? Hindi nakamtan ng bansang Israel ang kanyang minimithi. Ang mga hinirang lamang ang nagkamit nito ngunit matigas ang ulo ng iba. Tulad(A) ng nasusulat:

“Binigyan sila ng Diyos ng mapurol na diwa,
    mga matang hindi makakita
    at mga taingang hindi makarinig,
hanggang sa panahong ito.”

At(B) sinabi rin ni David,

“Maging bitag at patibong nawa ang kanilang pagpipista,
    isang katitisuran at parusa sa kanila.

Read full chapter