Add parallel Print Page Options

10 Mga kapatid, ang mabuting kaluguran ng aking puso at dalangin sa Diyos para sa Israel ay maligtas sila. Pinatotohanan ko na sila ay may kasigasigan sa Diyos ngunit ang kasigasigan nila ay hindi ayon sa lubos na kaalaman. Hindi nila alam ang katuwiran ng Diyos. At sapagkat sinisikap nilang maitatag ang kanilang katuwiran, hindi sila nagpapasakop sa katuwiran ng Diyos. Ito ay sapagkat si Cristo ang hangganan ng kautusan patungo sa katuwiran ng lahat ng sumasampalataya.

Ito ay sapagkat sumulat si Moises patungkol sa katuwiran sa pamamagitan ng kautusan. Sinulat niya:

Ang taong gumaganap ng mga bagay na ito ay mabubuhay sa pamamagitan niyon.

Gayunman, ang katuwirang mula sa pananampalataya ay nagsasabi: Huwag mong sabihin sa iyong puso ang ganito: Sino ang papaitaas sa langit? Iyon ay upang ibaba si Cristo. Huwag ding sabihin: Sino ang bababa sa walang hanggang kalaliman? Iyon ay upang ibalik si Cristo mula sa mga patay. Ano ang sinasabi ng kasulatan?

Ang salita ay malapit saiyo, ito ay nasa iyong bibig at sa iyong puso.

Ang salitang ito ay ang salita ng pananampalataya na ipinahahayag namin.

Ipahayag mong si Jesus ay Panginoon at sampalatayanan mo sa iyong puso na binuhay siyang mag-uli ng Diyos. Kapag ginawa mo ito, ikaw ay maliligtas. 10 Ito ay sapagkat sa pamamagitan ng puso ikaw ay sumasampalataya patungo sa pagiging-matuwid. Sa pamamagitan ng bibig ikaw ay nagpapahayag patungo sa kaligtasan. 11 Ito ay sapagkat sinasabi ng kasulatan:

Ang bawat isang sumasampalataya sa kaniya ay hindi mapapahiya.

12 Ito ay sapagkat walang pagkakaiba sa mga Judio at mga Gentil sapagkat iisa ang Panginoon na nagpapala ng masagana sa lahat ng tumatawag sa kaniya. 13 Ito ay sapagkat:

Ang bawat isang tatawag sa pangalan ng Panginoon ay maliligtas.

14 Papaano nga sila tatawag sa kaniya kung hindi sila sumasampalataya sa kaniya? Papaano sila sasampalataya sa kaniya kung hindi sila nakakapakinig patungkol sa kaniya? Papaano sila makakapakinig kung walang mangangaral? 15 Papaano sila makakapangaral malibang sila ay isugo? Ayon sa nasusulat:

Kayganda ng mga paa nila na nagpapahayag ng ebanghelyo ng kapayapaan at ang mga paa ng mga nagdadala ng ebanghelyo ng mabubuting bagay.

16 Subalit hindi lahat ay sumunod sa ebanghelyo sapagkat si Isaias ang nagsabi:

Panginoon, sino ang sumampalataya sa aming ulat?

17 Kaya nga, ang pananampalataya ay mula sa pakikinig at ang pakikinig ay mula sa salita ng Diyos. 18 Ngunit sinasabi ko: Hindi ba nakapakinig silang lahat? Totoong nakapakinig silang lahat:

Ang kanilang tinig ay kumalat sa buong lupa. Ang kanilang salita ay kumalat sa lahat ng sulok ng sanlibutan.

19 Ngunit sinasabi ko: Hindi ba nalalaman ng Israel? Una, sinabi ni Moises:

Paiinggitin ko kayo sa pamamagitan nila na hindi isang bansa. Pagagalitin ko kayo sa pamama­­gitan ng bansang walang pang-unawa.

20 May katapangang sinabi ni Isaias:

Nasumpungan ako ng mga hindi naghahanap sa akin. Inihayag ko ang aking sarili sa kanila na hindi nagtanong patungkol sa akin.

21 Ngunit patungkol sa mga tao ng Israel ay sinabi niya:

Buong araw kong iniaalok ang aking kamay sa mga taong masuwayin at mga taong suma­salungat.

Ang mga Nalabing Maliliit na Pangkat ng Israel

11 Kaya nga, sinasabi ko: Tinanggihan ba ng Diyos ang kaniyang mga tao? Huwag nawang mangyari. Ito ay sapagkat ako rin ay isang taga-Israel, mula sa lahi ni Abraham, mula sa angkan ni Benjamin.

Hindi tinanggihan ng Diyos ang mga taong kilala na niya nang una pa. Hindi ba ninyo alam ang sinasabi ng kasulatan, sa salaysay patungkol kay Elias, kung papaanong siya ay namagitan sa Diyos laban sa mga taga-Israel? Sinabi niya:

Panginoon, pinatay nila ang mga propeta mo. Winasak nila ang mga dambana mo. Ako ay naiwanang mag-isa at pinagbabantaan nila ang buhay ko.

Ano ang sagot ng Diyos sa kaniya? Sinabi ng Diyos:

Nagbukod ako ng pitong libong tao na hindi lumuhod kay Baal.

Gayon pa rin ito sa kasalukuyang panahon. Mayroon pa ring natitirang maliit na pangkat na pinili ayon sa biyaya. Yamang sila ay pinili ayon sa biyaya, ito ay hindi na sa pamamagitan ng mga gawa. Kung hindi gayon, ang biyaya ay hindi na magiging biyaya. Kung ito ay sa gawa, ito ay hindi na biyaya, kung hindi gayon, ang gawa ay hindi na gawa.

Ano ngayon? Ang hinahangad ng mga taga-Israel ay hindi nila natamo. Ang nagtamo nito ay ang mga pinili. Pinatigas ng Diyos ang mga puso ng iba pang natitira. Ayon sa nasusulat:

Binigyan sila ng Diyos ng espiritu ng pagkalito. Binigyan niya sila ng mga matang hindi nakakakita. Binigyan niya sila ng mga taingang hindi nakakarinig. Ito ay hanggang sa ngayon.

Sinabi ni David:

Ang kanilang mga hapag ay maging isangbitag at isang patibong. Ito ay maging isang katitisuran at maging kagantihan sa kanila.

10 Padidilimin ng Diyos ang kanilang mga mata upang hindi sila makakita. Patuloy na magiging baluktot ang kanilang mga likod.

Mga Sangang Inihugpong ng Diyos

11 Sinasabi kong muli: Natisod ba sila upang bumagsak nang lubusan? Huwag nawang mangyari. Sa halip nang sila ay sumalansang, ang kaligtasan ay dumating sa mga Gentil upang inggitin ang mga Judio.

12 Kung ang pagsalansang ng mga Judio ay nagdala ng kayamanan sa sanlibutan, at ang kanilang pagkatalo ay nagdala ng kayamanan sa mga Gentil, gaano pa kaya kung sila ay lubos nang makapanumbalik.

13 Nagsasalita ako sa inyo mga Gentil. Yamang ako ay apostol sa mga Gentil, niluluwalhati ko ang aking paglilingkod. 14 Ito ay upang kahit na sa papaanong paraan ay aking mainggit ang mga kamag-anak ko sa laman. Sagayon, mailigtas ko ang ilan man lamang sa kanila. 15 Ito ay sapagkat nang itinakwil sila ng Diyos, ang sanlibutan ay ipina­kipagkasundo. Kapag tanggapin niya silang muli, ano ang mangyayari? Hindi ba ito ay buhay mula sa patay? 16 Kung ang unang bunga ay banal gayundin ang buong masa. At kung ang ugat ay banal, ang mga sanga ay banal din.

17 Ngunit kung ang ilang mga sanga ay pinutol, ikaw na isang puno ng Olibong ligaw ay inihugpong sa kanila. Ikaw ay naging kabahagi ng ugat at ng katas ng punong Olibo. 18 Huwag kang magmalaki sa mga sanga. Kung magmamalaki ka sa kanila, tandaan mo ito: Hindi ikaw ang nagpupuno sa pangangailangan ng ugat. Ang ugat ang siyang nagpupuno sa pangangailangan mo. 19 Sasabihin mo: Ang mga sanga ay pinutol upang ako ay maihugpong. 20 Gayon nga iyon. Dahil hindi sila sumampalataya, inihiwalay sila ng Diyos ngunit ikaw ay nakatayo sa pamamagitan ng pananampalataya. Huwag kang magmataas, sa halip ay matakot ka. 21 Ito ay sapagkat maging ang mga likas na sanga ay hindi pinaligtas ng Diyos, maaaring hindi ka niya paliligtasin.

22 Kaya nga, narito, ang kabutihan at kahigpitan ng Diyos. Ang kahigpitan niya ay sa kanila na nahulog. Kung ikaw ay magpapatuloy sa kaniyang kabutihan, ang kabutihan niya ay mapapasaiyo. Kung hindi, ikaw din ay puputulin. 23 Gayundin sila, kung hindi sila magpapatuloy sa hindi pagsampalataya, ihuhugpong sila ng Diyos sapagkat magagawa ng Diyos na sila ay ihugpong muli. 24 Ito ay sapagkat pinutol ka ng Diyos mula sa olibong ligaw, at laban sa kalikasan, ay ihinugpong sa mabuting puno ng Olibo. Gaano pa kaya sa tunay na mga sanga na maihugpong sa kanilang sariling punong Olibo.

Ililigtas ng Diyos ang Buong Israel

25 Mga kapatid, ito ay sapagkat hindi ko nais na kayo ay maging walang kaalaman patungkol sa hiwagang ito. Sa kabilang dako, baka isipin ninyong kayo ay matatalino. Ang hiwaga ay: Hanggang sa maabot ang kabuuang bilang ng mga Gentil, bahagyang pinatigas ng Diyos ang puso ng mga taga-Israel.

26 Kaya nga, ililigtas ng Diyos ang buong Israel ayon sa nasusulat:

Ang tagapagligtas ay magmumula sa Zion. Ibabaling niyang palayo kay Jacob ang hindi pagkilala sa Diyos.

27 Kapag inalis ko ang kanilang mga kasalanan, ito ang aking pakiki­pagtipan sa kanila.

28 Patungkol sa ebanghelyo, dahil sa inyo, sila ay mga kaaway. Ngunit patungkol sa katotohanang pinili sila ng Diyos nang una pa, dahil sa mga ninuno, mahal sila ng Diyos. 29 Ito ay sapagkat ang mga kaloob at pagtawag ng Diyos ay hindi nagbabago. 30 Sinuway ninyo ang Diyos noong nakaraang panahon. Sa ngayon ang Diyos ay nagpakita ng habag sa inyo sa pamamagitanng kanilang pagsuway. 31 Sa gayunding paraan, sila ngayon ay naging masuwayin upang kayo ay kahabagan. Ito ay upang magpapakita rin siya ng habag sa kanila sa pamamagitan ninyo. 32 Upang maipakita ng Diyos ang kaniyang habag sa lahat, ibinilanggo niya sila dahil sa pagsuway.

Pagpupuri

33 Kay lalim ng kayamanan ng katalinuhan at karu­nungan ng Diyos. Walang makakasaliksik ng kaniyang mga kahatulan. Walang makakasunod sa kaniyang landas.

34 Ito ay sapagkat sino ang nakakaalam ng isipan ng Panginoon? Sino ang nagbigay sa kaniya ng payo? 35 Sino ang nagbigay sa kaniya at iyon ay pababayaran sa kaniya? 36 Ito ay sapagkat ang lahat ng mga bagay ay mula sa kaniya. Ang mga bagay ay sa pamamagitan niya at para sa kaniya. Sumakaniya nawa ang kaluwalhatian magpakailanman. Siya nawa.

Mga Haing Buhay

12 Kaya nga, mga kapatid, sa pamamagitan ng mga kaawaan ng Diyos, ako ay namamanhik sa inyo. Iharap ninyo ang inyong mga katawan sa Diyos bilang isang haing buhay, banal at kalugud-lugod sa Diyos. Ito ang inyong katampatang paglilingkod.

Huwag ninyong iayon ang inyong mga sarili sa kapanahunang ito. Sa halip ay mabago kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong isipan. Ito ay upang masuri ninyo kung ano ang mabuti, kalugud-lugod at ganap na kalooban ng Diyos.

Ito ay sapagkat sa pamamagitan ng biyaya na ibinigay sa akin, sinasabi ko sa inyong lahat: Huwag kayong mag-isip ng higit pa sa dapat ninyong isipin patungkol sa inyong sarili. Subalit mag-isip kayo sa wastong pag-iisip ayon sa sukat ng pananampalataya na ibinahagi ng Diyos sa bawat isa. Ito ay sapagkat sa isang katawan ay mayroon tayong maraming bahagi. Ngunit ang mga bahaging ito ay may iba’t ibang gamit. Gayundin tayo, na bagamat marami, ay iisang katawan kay Cristo. Ang bawat isa ay bahagi ng ibang bahagi. Ngunit mayroon tayong iba’t ibang kaloob ayon sa biyaya na ibinigay ng Diyos sa atin. Kung ito man ay paghahayag ng salita ng Diyos, siya ay maghayag ayon sa sukat ng bahagi ng pananampalataya. Kung ang kaloob ay paglilingkod, paglingkurin siya. Kung ito ay sa pagtuturo, pagturuin siya. Kung ito ay sa pagpapayo, pagpayuhin siya. Kung ito ay sa pagbibigay, magbigay siya ng may katapatan. Kung ito ay sapangunguna, papangunahin siyang may kasigasigan. Kung ito ay pagkamahabagin, mahabag siyang may kasiyahan.

Pag-ibig

Ang pag-ibig ay dapat walang pakunwari. Kapootan ninyo ang masama. Manangan kayo sa mabuti.

10 Maging magiliwin kayo sa isa’t isa tulad ng pag-ibig ninyo sa magkakapatid. Igalang ninyo ang isa’t isa nang higit pa inyong sarili. 11 Huwag maging tamad sa halip ay maging masigasig. Maging maningas kayo sa Espiritu, na naglilingkod sa Panginoon. 12 Magalak sa pag-asa. Sa inyong paghihirap, maging matiisin. Sa inyong pananalangin, magpatuloy kayong matatag. 13 Magbigay sa panganga­ilangan ng mga banal. Ipagpatuloy ang pagtanggap sa mga bisita.

14 Pagpalain ninyo sila na umuusig sa inyo. Pagpalain ninyo sila at huwag silang sumpain. 15 Makigalak kayo sa kanila na nagagalak at makiiyak sa kanila na umiiyak. 16 Magkaroon kayo ng iisang kaisipan. Huwag kayong mag-isip nang may kapalaluan sa inyong mga sarili. Sa halip, makisalamuha kayo sa mga taong mapagpakumbaba. Huwag ninyong ipalagay ang inyong mga sarili na matatalino.

17 Huwag kayong gumanti ng masama sa masama sa sinuman. Magkaloob nga kayo ng mga mabubuting mga bagay sa harap ng mga tao. 18 Kung maaari, yamang ito ay nasasa­inyo, mamuhay kayong may kapayapaan sa lahat ng tao. 19 Mga minamahal, huwag kayong maghiganti, sa halip, bigyan ninyo ng puwang ang galit ng Diyos sapagkat nasusulat:

Ang paghihiganti ay sa akin, pagbabayarin ko sila sa kanilang ginawa.

Ito ang sinabi ng Panginoon.

20 Kaya nga:

Kapag nagutom ang inyong kaaway, pakainin mo siya. Kapag nauhaw siya, painumin mo siya sapagkat kapag ginawa mo ito, bubuntunan mo ng nagbabagang uling ang kaniyang ulo.

21 Huwag magpatalo sa masama, sa halip, talunin mo ng mabuti ang masama.

Pagpapasakop sa mga Namamahala

13 Ang bawat isa ay dapat magpasakop sa nakakataas na kapamahalaan sapagkat walang kapamahalaan maliban doon sa nagmula ng Diyos. Ang mga kapamahalaang iyon ay itinakda ng Diyos.

Kaya nga, ang sinumang sumasalungat sa kapamahalaan ay tumatanggi sa batas na mula sa Diyos. Angmga tumatanggi ay makakatanggap ng kahatulan sa kanilang sarili. Ito ay sapagkat ang mga namumuno ay hindi nagbibigay takot sa mga gumagawa ng mabuti kundi sa mga gumagawa ng masama. Hindi mo ba ninanais na matakot sa pamahalaan? Gumawa ka ng mabuti at ang kapamahalaan ang pupuri sa iyo. Ito ay sapagkat siya ang tagapaglingkod ng Diyos para sa iyong kabutihan. Ngunit kung ang ginagawa mo ay masama, matakot ka dahil hindi siya nagdadala ng tabak ng walang kahihinatnan sapagkat siya ang tagapaglingkod ng Diyos, na isang tagapaghiganti upang magdala ng poot sa gumagawa ng masasama. Kaya nga, magpasakop ka hindi lang dahil sa galit kundi dahil sa budhi.

Ito ang dahilan kung bakit kayo nagbabayad ng buwis sapagkat ang mga kapamahalaan ay mga natatanging tagapag­lingkod ng Diyos na nakatalaga sa gawaing ito. Ibigay sa bawat isa ang anumang dapat niyang tanggapin. Kung ang dapat ibigay ay buwis para sa nakakasakop, magbigay ng buwis na iyon. Kung buwis sa sarilingpamahalaan, ibigay ang buwis na ito. Kung ang dapat mong ibigay ay takot, dapat kang magdalang takot. Kung ito ay karangalan, magbigay ka ng karangalan.

Ibigin Mo ang Iyong Kapwa Sapagkat ang Panahon ay Malapit na

Huwag kayong magkautang ng anuman sa kanino man, sa halip ay mag-ibigan sa isa’t isa sapagkat siya na umiibig sa iba ay nakaganap ng kautusan.

Ito ang mga utos: Huwag kang mangangalunya, huwag kang papatay, huwag kang magnana­kaw, huwag kang mag-bigay ng maling patotoo, huwag kang mag-iimbot. At kung may iba pang utos, ito ay nakapaloob sa salitang ito:

Ibigin mo ang iyong kapwa tulad ng pag-ibig mo sa iyong sarili.

10 Ang pag-ibig sa kapwa ay hindi gumagawa ng masama sa kapwa, kaya nga, ang pag-ibig ay katuparan ng kautusan.

11 Yamang alam natin ang panahon, ngayon na ang takdang oras na dapat na tayong gumising mula sa pagkakatulog sapagkat ang ating kaligtasan ay higit nang malapit kaysa noong tayo ay sumampalataya. 12 Papalipas na ang gabi at ang bukang-liwayway ay malapit na. Kaya nga, hubarin na natin ang mga gawa ng kadiliman at isuot na natin ang baluti ng liwanag. 13 Mamuhay tayong marangal tulad ng pamumuhay ng tao kapag araw. Hindi tayo dapat mamuhay sa magulong pagtitipon at paglalasing, hindi sa kalaswaan at sa kahalayan, hindi sa paglalaban-laban at sa inggitan. 14 Sa halip, isuot natin ang Panginoong Jesucristo at huwag magbigay ng pagkaka­taong gawin ang pagnanasa ng laman.

Ang Mahina at ang Malakas

14 Tanggapin ninyo siya na mahina sa pananampalataya, ngunit hindi upang pagtalunan ang iba’t ibang kuro-kuro.

Ang isang tao ay naniniwalang maaari niyang kainin ang lahat ng bagay. Ang isa na mahina ay kumakain lamang ng gulay. Siya na kumakain ay huwag maliitin ang isang hindi kumakain. Siya na hindi kumakain ay huwag humatol sa kaniya na kumakain sapagkat ang Diyos angtumanggap sa kaniya. Sino ka upang hatulan mo ang katulong ng iba? Ang katulong na iyon ay tatayo o babagsak na subok sa harapan ng kaniyang sariling panginoon sapagkat magagawa ng Diyos na siya ay patayuin at siya ay makakatayo.

Isang tao ang kumikilalang ang isang araw ay higit na mahalaga kaysa sa ibang araw. Ang ibang tao naman ay kumikilalang ang bawat araw ay magkakatulad. Ang bawat isa ay magkaroon ng tiyak na kaisipan sa kaniyang sarili patungkol sa bagay na ito. Ang taong nagpapahalaga sa isang araw ay nagpapahalaga noon sa Panginoon. Ang hindi nagpapahalaga sa isang araw ay hindi nagpapahalaga noon sa Panginoon. Siya na kumakain ay kumakain para sa Panginoon sapagkat nagpapasalamat siya sa Diyos. Siya na hindi kumakain ay hindi kumakain para sa Panginoon at nagpapasalamat siya sa Diyos. Ito ay sapagkat walang sinuman sa atin ang nabubuhay para sa kaniyang sarili lamang at walang sinumang tao na namamatay para sa kaniyang sarili lamang. Ito ay sapagkat kung tayo ay nabubuhay, nabubuhay tayo sa Panginoon. Kung tayo ay mamamatay, mamamatay tayo sa Panginoon. Kaya nga, kung tayo ay nabubuhay o kung tayo ay mamamatay, tayo ay sa Panginoon.

Sa dahilang ito si Cristo ay namatay at bumangon at nabuhay muli upang siya ay maghari kapwa sa mga patay at sa mga buhay. 10 Ngunit bakit mo nga hinahatulan ang iyong kapatid? Bakit mo minamaliit ang iyong kapatid? Ito ay sapagkat tayong lahat ay tatayo sa harapan ng upuan ng paghatol ni Cristo. 11 Ito ay sapagkat nasusulat:

Sinasabi ng Panginoon: Kung papaanong ako ay nabubuhay, ang bawat tuhod ay luluhod sa harap ko, ang bawat dila ay maghahayag sa Diyos.

12 Kaya nga, ang bawat isa sa atin ay magbibigay sulit sa Diyos patungkol sa ating sarili.

13 Kaya nga, huwag na tayong humatol sa isa’t isa. Subalit sa halip, ito ang dapat na pagpasiyahan nating gawin: Huwag tayong maglagay ng batong katitisuran o anumang bagay na magiging sanhi ng pagbagsak ng isang kapatid. 14 Alam ko at nakakatiyak ako sa Panginoong Jesus na walang bagay na likas na marumi. Kung kinikilala ng isang tao na ang isang bagay ay marumi, para sa kaniya iyon nga ay marumi. 15 Ngunit kung ang iyong kinakain ay nakakapagbigay ng kapighatian sa iyong kapatid, hindi ka na namumuhay sa pag-ibig. Huwag mong sirain sa pamamagitan ng iyong kinakain ang iyong kapatid na dahil sa kaniya ay namatay si Cristo. 16 Kaya nga, huwag mong hayaan na ang mabubuti mong gawa ay masamain. 17 Ito ay sapagkat ang paghahari ng Diyos ay hindi sa pagkain o sa pag-inom. Subalit ito ay sa katuwiran sa kapayapaan at kagalakan sa Banal na Espiritu. 18 Ito ay sapagkat siya na naglilingkod kay Cristo sa ganitong paraan ay nagbibigay-lugod sa Diyos at katanggap-tanggap sa mga tao.

19 Kaya nga, sikapin nating abutin ang mga bagay ng kapayapaan at mga bagay na makakapagpatibay sa isa’t isa. 20 Huwag mong sirain ang gawain ng Diyos sa pamamagitan ng pagkain. Tunay na ang lahat ng bagay ay malinis. Subalit, para sa ibang tao, masama na siya ay kumakain kung ito ay magiging katitisuran. 21 Higit na mabuti ang hindi kumain ng laman, o uminom ng alak, o gumawa ng anumang bagay na makakatisod, o makakapagdulot ng pagdaramdam o maka­­ka­­pagpahina sa iyong kapatid.

22 Ang pananampalatayang nasa iyo ay iyong panatilihin sa iyo, sa harap ng Diyos. Pinagpala ang taong walang kahatulan sa sarili dahil sa mga kinikilala niyang katanggap-tanggap. 23 Ang nag-aalinlangan kapag kumain ayhinatulan na dahil hindi siya kumakain na may pananampalataya. Ang lahat ng bagay na hindi sa pananampalataya ay kasalanan.

15 Tayong malalakas ay dapat magbata ng mga kahinaan ng mga mahihina, at hindi upang bigyan ng kaluguran ang ating mga sarili. Ito ay sapagkat ang bawat isa sa atinay dapat magbigay-lugod sa ikatitibay ng kaniyang kapwa. Sapagkat maging si Cristo ay hindi nagbigay-lugod sa kani­yang sarili. Subalit ayon sa nasusulat:

Ang pag-aalipusta nila na umaalipusta sa iyo ay napunta sa akin.

Ito ay sapagkat ang anumang bagay na isinulat noong una pa ay isinulat para sa ikatututo natin upang magkaroon tayo ng pag-asa sa pamamagitan ng pagtitiis at pagpapalakas-loob na mula sa kasulatan.

Ang Diyos ang nagbigay sa inyo ng pagtitiis at pagpapalakas-loob upang magkaroon kayo ng iisang kaisipan sa isa’t isa ayon kay Cristo Jesus. Gagawin niya ito upang sa nagkakaisang kaisipan at nagkakaisang bibig ay luwalhatiin ninyo ang Diyos na Ama ng ating Panginoong Jesucristo.

Kaya nga, upang maluwalhati ang Diyos, tanggapin ninyo ang bawat isa ayon sa paraan ng pagtanggap sa atin ni Cristo. Ngunit sinasabi: SiJesucristo ay naging tagapaglingkod ng mga nasa pagtutuli para sa katotohanan ng Diyos, upang tiyakin ang mga pangako ng Diyos na ibinigay niya sa mga ninuno. At upang ang mga Gentil ay lumuwalhati sa Diyos dahil sa kaniyang kahabagan. Ayon sa nasusulat:

Dahil dito ihahayag kita sa mga Gentil at ako ay aawit ng papuri sa iyong pangalan.

10 Muli ay sinabi ng kautusan:

Kayong mga Gentil, magalak kayong kasama ng kaniyang mga tao.

11 At muli:

Kayong lahat ng mga Gentil, purihin ninyo ang Panginoon. Kayong lahat ng mga tao, purihin ninyo siya.

12 Muli ay sinabi ni Isaias:

Magkakaroon ng ugat ni Jesse. Siya ang titindig upang maghari sa mga Gentil. Sa kaniya aasa ang mga Gentil.

13 Sa inyong pagsampalataya, mapupuno kayo ng kagalakan at kapayapaan. Gagawin ito sa inyo ng Diyos ng pag-asa upang sumagana kayo sa pag-asa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu.

Si Pablo ang Tagapaglingkod sa mga Gentil

14 Mga kapatid, ako sa aking sarili ay nakakatiyak na kayo rin ay puno ng kabutihan at ng lahat ng kaalaman. At maari na kayong magbigay ng payo sa isa’t isa.

15 Mga kapatid, patungkol sa ilang mga bagay, ako ay sumulat sa inyo na may katapangan bilang paala-ala sa inyo dahil sa biyaya na ibinigay sa akin ng Diyos. 16 Biniyayaan ako ng Diyos na maging natatanging tagapaglingkod ni Jesucristo sa mga Gentil upang paglingkuran ko nang may kabanalan ang ebanghelyo ng Diyos. Ito ay upang angpaghain ng mga Gentil, na pinabanal ng Banal na Espiritu, ay maging katanggap-tanggap.

17 Dahil dito mayroon akong dahilan upang ipagmalaki, sa pamamagitan ni Jesucristo, ang mga bagayna patungkol sa Diyos. 18 Hindi ako maglakas-loob na magsalita ng mga bagay na hindi ginawa ni Cristo sa pamamagitan ko upang ang mga Gentil ay sumunod sa pamamagitan ng salita at gawa. 19 Ito rin ay upang sumunod ang mga Gentil sa pamamagitan ng kapangyarihan ng mga himala, ng mga tanda at ng mga kamangha-manghang gawa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu ng Diyos. Kaya nga, sa ganang akin, mula sa Jerusalem hanggang sa palibot ng Iliricum ay naipangaral ko na nang lubos ang ebanghelyo ni Cristo. 20 Kaya nga, lubos kong minimithi na maipangaral ang ebanghelyo, hindi sa mga dakong kilala na si Cristo, upang hindi ako makapagtayo sa saligang itinayo ng iba. 21 Subalit ayon sa nasusulat:

Sa kanila na hindi pa naisasaysay ang mga patungkol sa kaniya, sila ay makakakita. Sila na hindi pa nakarinig, sila ay makakaunawa.

22 Dahil sa mga bagay na ito, ako ay madalas mahadlangan sa pagpunta sa inyo.

Ang Balak na Pagdalaw ni Pablo sa Roma

23 Sa ngayon wala na akong kalalagyan sa mga lalawigang ito. Maraming taon na rin akong nananabik na pumunta sa inyo.

24 Kapag ako ay makapunta sa Espanya, pupunta ako sa inyo sapagkat inaasahan kong makita kayo sa aking paglalakbay at matulungan ninyo ako sa patuloy kong paglalakbay. Ito ay pagkatapos na magkaroon ako ng kasiyahan sa ating pagsasama-sama. 25 Sa ngayon, ako ay papunta sa Jerusalem upang maglingkod sa mga banal. 26 Ito ay sapagkat isang kaluguran samga taga-Macedonia at sa mga taga-Acaya ang makapagbigay ng kaloob sa pagsasama-sama ng mga mahihirap sa mga banal na nasa Jerusalem. 27 Nalugod sila sa paggawa nito at ito ay ibinilang nilang pagkakautang nila sa kanila sapagkat ang mga Gentil ay naging kabahagi ng mga Judio sa kanilang espirituwal na pagpapala. Kaya naman ang mga Gentil ay dapat na maglingkod sa mga Judio sa mga bagay na ukol sa katawan. 28 Kaya nga, tatapusin ko ang tungkuling ito at titiyakin kong matanggap nila ang bungang ito. Pagkatapos, dadaan ako sa inyo pagpunta ko sa Espanya. 29 Natitiyak kong sa pagpunta ko sa inyo, pupunta ako sa kapuspusan ng biyaya ng ebanghelyo ni Cristo.

30 Mga kapatid, namamanhik ako sa inyo sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesucristo at sa pamamagitan ng pag-ibig mula sa Espiritu. Ipinamamanhik kongsamahan ninyo akong magsikap sa pananalangin sa Diyos para sa akin. 31 Ipanalangin ninyo na ako ay maligtas mula sa mga sumu­suway sa Diyos na nasa Judea. At nang ang aking paglilingkod sa Jerusalem ay maging katanggap-tanggap sa mga banal na naroroon. 32 Ipanalangin ninyo na ako ay maka­punta sa inyo na may kagalakan sa pamamagitan ng kalooban ng Diyos at makapagpahingang kasama ninyo. 33 Ang Diyos ng kapa­yapaan ang siyang sumainyong lahat. Siya nawa.

Sariling Pagbati

16 Ipinagtatagubilin ko sa inyo si Febe, na ating kapatid, na isang tagapaglingkod ng iglesiya na nasa Cencrea.

Hinihiling ko na tanggapin ninyo siya sa Panginoon gaya ng nararapat sa mga banal. Hinihiling ko na tulungan ninyo siya sa anumang bagay na kakailanganin niya sapagkat siya ay naging malaking tulong sa maraming tao at gayundin sa akin.

Batiin ninyo sina Priscila at Aquila. Sila ay mga kamang­gagawa ko kay Cristo Jesus. Inilagay nila sa panganib ang kanilang leeg dahil saaking buhay. Hindi lang ako ang nagpapasalamat sa kanila kundi ang lahat din ng mga iglesiya ng mga Gentil.

Batiin din ninyo ang iglesiya na nasa kanilang tahanan. Batiin niyo si Epeneto na aking minamahal. Siya ang unang bunga para kay Cristo sa Acaya. Batiin ninyo si Maria na nagpagal ng labis para sa atin.

Batiin ninyo sina Andronico at Junias. Sila ay mga kamag-anak ko at kasama kong bilanggo, na kinikilala ng mga apostol. Bago ako, sila ay na kay Cristo na. Batiin ninyo si Ampliato na minamahal ko sa Panginoon. Batiin ninyo si Urbano na ating kamanggagawa kay Cristo. Batiin ninyo si Estacio na minamahal ko.

10 Batiin ninyo si Apeles, na isang katanggap-tanggap na manggagawa kay Cristo. Batiin ninyo ang mga nasa samba­hayan ni Aristobulo. 11 Batiin ninyo si Herodion na aking kamag-anak. Batiin ninyo ang mga nasa sambahayan ni Narciso na mga nasa Panginoon.

12 Batiin ninyo sina Trifena at Trifosa na mga nagpagal sa Panginoon. Batiin ninyo si Persida, ang minamahal na lubos nagpagal sa Panginoon. 13 Batiin ninyo si Rufo, ang hinirang ng Panginoon, at sa kaniyang inana itinuring ko na ring ina.

14 Batiin ninyo sila Sincrito, Flegonte, Hermes, Patrobas, Hermas at sa mga kapatid na kasama nila. 15 Batiin ninyo sila Filologo, Julia, Nereo at ang kapatid niyang babae at gayundin kay Olimpas. Batiin ninyo ang lahat ng mga banal na kasama nila.

16 Magbatian kayo sa isa’t isa ng banal na halik. Ang mga iglesiya ni Cristo ay bumabati sa inyo.

17 Ipinamamanhik ko sa inyo mga kapatid na mag-ingat kayo sa kanila na nagiging sanhi ng pagkakabaha-bahagi at ng katitisuran na taliwas sa turo na inyongnatutunan. Layuan ninyo sila. 18 Ito ay sapagkat ang mga gayon ay hindi naglilingkod sa ating Panginoong Jesucristo kundi sa mga sarili nilang tiyan. Sa pamamagitan ng mabuting salita at papuri ay dinadaya nila ang mga puso ng mgawalang kapintasan. 19 Ang balita patungkol sa inyong pagsunod ay umabot salahat ng dako. Ako nga ay nagagalak patungkol sa inyo ngunit ninanais kong maging matalino kayo patungkol sa mabubuti at maging mga walang kamalayan patungkol sa masama.

20 Hindi na magtatagal ang Diyos ng kapayapaan ang dudurog kay Satanas sa ilalim ng inyong mga paa.

Ang biyaya ng ating Panginoong Jesucristo ang siyang sumainyo.

21 Si Timoteo, na aking kamanggagawa, at ang aking mga kamag-anak na sina Lucio, Jason at Sosipatro ay bumabati sa inyo.

22 Akong si Tercio na sumulat ng sulat na ito ay bumabati sa inyo sa Panginoon.

23 Si Gayo na tumanggap sa akin at sa buong iglesiya ay bumabati sa inyo.

Si Erasto na tagapamahala ng lungsod ay bumabati sa inyo gayundin si Quarto na ating kapatid.

24 Ang biyaya ng ating Panginoong Jesucristo ang sumainyong lahat. Siya nawa.

25 Sa Diyos na makakapagpatatag sa inyo ayon sa aking ebanghelyo at paghahayag kay Jesucristo. Ito ay ayon sa hiwaga na itinago noong una pang panahon. 26 Subalit ngayon ang hiwaga ay inihayag na. Ito ay ipinakilala sa pamamagitan ng mga kasulatan ng mga propeta ayon sa utos ng walang hanggang Diyos. Ito ay para sa pagsunod sa pananampalataya ng lahat ng mga bansa. 27 Sa iisang matalinong Diyos, ang kaluwalhatian ang siyang sumakaniya magpakailanman sa pamamagitan ni Jesucristo. Siya nawa!

14 Pagpalain ninyo sila na umuusig sa inyo. Pagpalain ninyo sila at huwag silang sumpain. 15 Makigalak kayo sa kanila na nagagalak at makiiyak sa kanila na umiiyak.