Add parallel Print Page Options

30 Sila ay mga mapanirang puri, namumuhi sa Diyos, walang galang, mapagmataas, maya­bang, mapaglikha ng masasamang mga bagay at masuwayin sa mga magulang. 31 Sila ay mga walang pang-unawa, sumisira sa usapan, walang likas na paggiliw, hindi nagpapatawad at mga walang habag. 32 Alam nila ang matuwid na kautusan ng Diyos, na ang mga gumagawa ng ganitong mga bagay ay nararapat sa kamatayan. Hindi lang sa kanila na gumagawa ng mga ito, kundi sa kanila rin na sumasang-ayon pa sa mga gumagawa ng mga ito.

Read full chapter