Add parallel Print Page Options

Ang kaluwalhatian ng Panginoon at ang karangalan ng tao. Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Gittith. Awit ni David.

Oh Panginoon, aming Panginoon,
(A)Pagkarilag ng iyong pangalan sa buong lupa!
(B)Na siyang naglagay ng inyong kaluwalhatian sa mga langit.
(C)Mula sa bibig ng mga sanggol at ng mga sumususo ay iyong itinatag ang kalakasan,
Dahil sa iyong mga kaaway,
Upang iyong patahimikin ang kaaway at ang manghihiganti.
(D)Pagka binubulay ko ang iyong mga langit, ang gawa ng iyong mga daliri,
Ang buwan at ang mga bituin na iyong inayos;
(E)Ano ang tao upang iyong alalahanin siya?
At ang anak ng tao, upang iyong dalawin siya?
Sapagka't iyong ginawa siyang kaunting mababa lamang kay sa Dios,
At pinaputungan mo siya ng kaluwalhatian at karangalan.
(F)Iyong pinapagtataglay siya ng kapangyarihan sa mga gawa ng iyong mga kamay;
(G)Iyong inilagay ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng kaniyang mga paa:
Lahat na tupa at baka,
Oo, at ang mga hayop sa parang;
Ang mga ibon sa himpapawid, at ang mga isda sa dagat,
Anomang nagdaraan sa mga kalaliman ng mga dagat.
(H)Oh Panginoon, aming Panginoon,
Pagkarilag ng iyong pangalan sa buong lupa!

24 (A)Oh Panginoon, pagka sarisari ng iyong mga gawa!
Sa karunungan ay ginawa mo silang lahat:
Ang lupa ay puno ng iyong kayamanan.
25 Nandoon ang dagat, na malaki at maluwang,
Na ginagalawan ng di mabilang na mga bagay,
Ng mga munti at ng mga malaking hayop din naman.
26 Doo'y nagsisiyaon ang mga sasakyan:
Nandoon (B)ang buwaya na iyong nilikha upang maglibang doon.
27 (C)Lahat ng ito ay nangaghihintay sa iyo,
Upang iyong mabigyan sila ng kanilang pagkain sa ukol na kapanahunan.
28 Ang iyong ibinibigay sa kanila ay pinipisan nila;
Iyong ibinubukas ang iyong kamay, sila'y nangabubusog ng kabutihan.

Read full chapter