79 O god, the heathen are come into thine inheritance; thy holy temple have they defiled; they have laid Jerusalem on heaps.

The dead bodies of thy servants have they given to be meat unto the fowls of the heaven, the flesh of thy saints unto the beasts of the earth.

Their blood have they shed like water round about Jerusalem; and there was none to bury them.

We are become a reproach to our neighbours, a scorn and derision to them that are round about us.

How long, Lord? wilt thou be angry for ever? shall thy jealousy burn like fire?

Pour out thy wrath upon the heathen that have not known thee, and upon the kingdoms that have not called upon thy name.

For they have devoured Jacob, and laid waste his dwelling place.

O remember not against us former iniquities: let thy tender mercies speedily prevent us: for we are brought very low.

Help us, O God of our salvation, for the glory of thy name: and deliver us, and purge away our sins, for thy name's sake.

10 Wherefore should the heathen say, Where is their God? let him be known among the heathen in our sight by the revenging of the blood of thy servants which is shed.

11 Let the sighing of the prisoner come before thee; according to the greatness of thy power preserve thou those that are appointed to die;

12 And render unto our neighbours sevenfold into their bosom their reproach, wherewith they have reproached thee, O Lord.

13 So we thy people and sheep of thy pasture will give thee thanks for ever: we will shew forth thy praise to all generations.

79 Oh Dios, ang mga bansa ay dumating sa iyong mana; ang iyong banal na templo ay kanilang nilapastangan; kanilang pinapaging bunton ang Jerusalem.

Ang mga bangkay ng iyong mga lingkod ay ibinigay nila na pagkain sa mga ibon sa himpapawid, ang laman ng iyong mga banal ay sa mga hayop sa lupa.

Ang kanilang dugo ay ibinubo nila na parang tubig sa palibot ng Jerusalem; at walang naglibing sa kanila.

Kami ay naging kadustaan sa aming kalapit, kasabihan at kakutyaan nilang nangasa palibot namin.

Hanggang kailan, Oh Panginoon, magagalit ka magpakailan man? Magaalab ba ang iyong paninibugho na parang apoy?

Ibugso mo ang iyong pagiinit sa mga bansa na hindi nangakakakilala sa iyo, at sa mga kaharian na hindi nagsisitawag sa iyong pangalan.

Sapagka't kanilang nilamon ang Jacob, at inilagay na sira ang kaniyang tahanan.

Huwag mong alalahanin laban sa amin ang kasamaan ng aming mga magulang: magmadali ang iyong mga malumanay na kaawaan na tulungan kami: sapagka't kami ay totoong hinamak.

Iyong tulungan kami, Oh Dios ng aming kaligtasan, dahil sa kaluwalhatian ng iyong pangalan: at iyong iligtas kami, at linisin mo ang aming mga kasalanan, dahil sa iyong pangalan.

10 Bakit sasabihin ng mga bansa, Saan nandoon ang kanilang Dios? Ang kagantihan sa dugo na nabubo sa iyong mga lingkod maalaman nawa ng mga bansa sa aming paningin.

11 Dumating nawa sa harap mo ang buntong-hininga ng bihag; ayon sa kadakilaan ng iyong kapangyarihan ay palagiin mo yaong nangatakda sa kamatayan:

12 At ibalik mo sa aming mga kalapit-bansa sa makapito sa kanilang sinapupunan, ang kanilang pagduwahagi na kanilang idinuwahagi sa iyo, Oh Panginoon.

13 Sa gayo'y kaming iyong bayan at mga tupa sa pastulan mo mangagpapasalamat sa iyo magpakailan man: aming ipakikilala ang iyong kapurihan sa lahat ng mga lahi.