Add parallel Print Page Options

12 Akala mo'y mga toro, ang nakapaligid na kalaban,
    mababangis na hayop na galing pa sa Bashan.
13 Bibig nila'y nakabuka, parang mga leong gutom,
    umuungal at sa aki'y nakahandang lumamon.

14 Parang natapong tubig, nawalan ako ng lakas,
    ang mga buto ko'y parang nagkalinsad-linsad;
pinagharian ang dibdib ko ng matinding takot,
    parang kandila ang puso ko, natutunaw, nauubos!
15 Itong aking lalamuna'y tuyong abo ang kagaya,
    ang dila ko'y dumidikit sa aking ngalangala,
sa alabok, iniwan mo ako na halos patay na.

16 Isang pangkat ng salarin, sa aki'y nakapaligid,
    para akong nasa gitna ng mga asong ganid;
    mga kamay at paa ko'y kanilang pinupunit.
17 Kitang-kita ang lahat ng aking mga buto,
    tinitingnan at nilalait ng mga kaaway ko.

Read full chapter

“Tunay(A) ngang inalis niya ang ating mga kahinaan,
    pinagaling niya ang ating mga karamdaman.
Subalit inakala nating iyo'y parusa ng Diyos sa kanya.
Ngunit(B) dahil sa ating mga kasalanan kaya siya nasugatan;
    siya ay binugbog dahil sa ating kasamaan.
Tayo ay gumaling dahil sa pahirap na dinanas niya
    at sa mga hampas na kanyang tinanggap.
Tayong(C) lahat ay tulad ng mga tupang naliligaw;
    nagkanya-kanya tayo ng lakad.
Ngunit ipinataw ni Yahweh sa kanya
    ang kaparusahang tayo ang dapat tumanggap.

“Siya(D) (E) ay binugbog at pinahirapan,
    ngunit hindi kumibo kahit isang salita;
tulad ay tupang nakatakdang patayin,
parang korderong hindi tumututol kahit na gupitan,
    at hindi umiimik kahit kaunti man.

Read full chapter