Mga Awit 147
Ang Biblia (1978)
Pagpupuri dahil sa muling pagkakatayo ng Jerusalem at kasaganaan.
147 Purihin ninyo ang Panginoon; Sapagka't (A)mabuting umawit ng mga pagpuri sa ating Dios;
(B)Sapagka't maligaya, at ang pagpuri (C)ay nakalulugod.
2 (D)Itinatayo ng Panginoon ang Jerusalem;
Kaniyang pinipisan ang mga (E)natapon na Israel.
3 (F)Kaniyang pinagagaling ang mga may bagbag na puso,
At tinatalian niya ang kanilang mga sugat.
4 (G)Kaniyang sinasaysay ang bilang ng mga bituin;
Siya ang nagbibigay sa kanila ng lahat nilang pangalan.
5 Dakila ang ating Panginoon, at makapangyarihan sa kapangyarihan;
Ang kaniyang unawa ay walang hanggan,
6 (H)Inaalalayan ng Panginoon ang maamo:
Kaniyang inilulugmok sa lupa ang masama.
7 Magsiawit kayo sa Panginoon ng pagpapasalamat;
Magsiawit kayo sa alpa ng mga pagpuri sa ating Dios:
8 (I)Na nagtatakip sa mga langit ng mga alapaap.
Na siyang naghahanda ng ulan sa lupa,
na nagpapatubo ng damo sa mga bundok.
9 (J)Siya'y nagbibigay sa hayop ng kaniyang pagkain.
At sa mga inakay na uwak na nagsisidaing.
10 (K)Siya'y hindi nalulugod sa lakas ng kabayo:
Siya'y hindi nasasayahan sa mga paa ng tao.
11 Ang Panginoon ay naliligaya sa kanila na nangatatakot sa kaniya,
Sa nagsisiasa sa kaniyang kagandahang-loob.
12 Purihin mo ang Panginoon, Oh Jerusalem;
Purihin mo ang iyong Dios, Oh Sion.
13 Sapagka't kaniyang pinatibay ang mga halang ng iyong mga pintuang-bayan;
Kaniyang pinagpala ang iyong mga anak sa loob mo.
14 (L)Siya'y gumagawa ng kapayapaan sa iyong mga hangganan;
(M)Kaniyang binubusog ka ng pinakamainam na trigo.
15 Kaniyang sinusugo ang kaniyang utos sa lupa;
Ang kaniyang salita ay tumatakbong maliksi.
16 (N)Siya'y nagbibigay ng nieve na parang balahibo ng tupa;
Siya'y nagkakalat ng eskarcha na parang abo.
17 Kaniyang inihahagis na parang putol na maliit ang kaniyang hielo:
Sinong makatatagal sa harap ng lamig niyaon?
18 (O)Kaniyang pinahahatdan ng salita, at tinutunaw:
Kaniyang pinahihihip ang kaniyang hangin, at ang tubig ay pinaagos.
19 (P)Kaniyang ipinabatid ang kaniyang salita sa Jacob,
(Q)Ang kaniyang mga palatuntunan at mga kahatulan sa Israel.
20 (R)Siya'y hindi gumawa ng gayon sa alin mang bansa:
At tungkol sa kaniyang mga kahatulan, hindi nila nalaman.
Purihin ninyo ang Panginoon.
Psalm 147
New King James Version
Praise to God for His Word and Providence
147 Praise[a] the Lord!
For (A)it is good to sing praises to our God;
(B)For it is pleasant, and (C)praise is beautiful.
2 The Lord (D)builds up Jerusalem;
(E)He gathers together the outcasts of Israel.
3 (F)He heals the brokenhearted
And binds up their [b]wounds.
4 (G)He counts the number of the stars;
He calls them all by name.
5 (H)Great is our Lord, and (I)mighty in power;
(J)His understanding is infinite.
6 (K)The Lord lifts up the humble;
He casts the wicked down to the ground.
7 Sing to the Lord with thanksgiving;
Sing praises on the harp to our God,
8 (L)Who covers the heavens with clouds,
Who prepares rain for the earth,
Who makes grass to grow on the mountains.
9 (M)He gives to the beast its food,
And (N)to the young ravens that cry.
10 (O)He does not delight in the strength of the horse;
He takes no pleasure in the legs of a man.
11 The Lord takes pleasure in those who fear Him,
In those who hope in His mercy.
12 Praise the Lord, O Jerusalem!
Praise your God, O Zion!
13 For He has strengthened the bars of your gates;
He has blessed your children within you.
14 (P)He makes peace in your borders,
And (Q)fills you with [c]the finest wheat.
15 (R)He sends out His command to the earth;
His word runs very swiftly.
16 (S)He gives snow like wool;
He scatters the frost like ashes;
17 He casts out His hail like [d]morsels;
Who can stand before His cold?
18 (T)He sends out His word and melts them;
He causes His wind to blow, and the waters flow.
19 (U)He declares His word to Jacob,
(V)His statutes and His judgments to Israel.
20 (W)He has not dealt thus with any nation;
And as for His judgments, they have not known them.
[e]Praise the Lord!
Footnotes
- Psalm 147:1 Heb. Hallelujah
- Psalm 147:3 Lit. sorrows
- Psalm 147:14 Lit. fat of wheat
- Psalm 147:17 fragments of food
- Psalm 147:20 Heb. Hallelujah
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Scripture taken from the New King James Version®. Copyright © 1982 by Thomas Nelson. Used by permission. All rights reserved.

