Add parallel Print Page Options

A Confession of Israel’s Sins

106 Praise the Lord!
O give thanks to the Lord, for he is good;
    for his steadfast love endures for ever!
Who can utter the mighty doings of the Lord,
    or show forth all his praise?
Blessed are they who observe justice,
    who do righteousness at all times!

Remember me, O Lord, when thou showest favor to thy people;
    help me when thou deliverest them;
that I may see the prosperity of thy chosen ones,
    that I may rejoice in the gladness of thy nation,
    that I may glory with thy heritage.

Both we and our fathers have sinned;
    we have committed iniquity, we have done wickedly.
Our fathers, when they were in Egypt,
    did not consider thy wonderful works;
they did not remember the abundance of thy steadfast love,
    but rebelled against the Most High[a] at the Red Sea.
Yet he saved them for his name’s sake,
    that he might make known his mighty power.
He rebuked the Red Sea, and it became dry;
    and he led them through the deep as through a desert.
10 So he saved them from the hand of the foe,
    and delivered them from the power of the enemy.
11 And the waters covered their adversaries;
    not one of them was left.
12 Then they believed his words;
    they sang his praise.

13 But they soon forgot his works;
    they did not wait for his counsel.
14 But they had a wanton craving in the wilderness,
    and put God to the test in the desert;
15 he gave them what they asked,
    but sent a wasting disease among them.

16 When men in the camp were jealous of Moses
    and Aaron, the holy one of the Lord,
17 the earth opened and swallowed up Dathan,
    and covered the company of Abi′ram.
18 Fire also broke out in their company;
    the flame burned up the wicked.

19 They made a calf in Horeb
    and worshiped a molten image.
20 They exchanged the glory of God
    for the image of an ox that eats grass.
21 They forgot God, their Savior,
    who had done great things in Egypt,
22 wondrous works in the land of Ham,
    and terrible things by the Red Sea.
23 Therefore he said he would destroy them—
    had not Moses, his chosen one,
stood in the breach before him,
    to turn away his wrath from destroying them.

24 Then they despised the pleasant land,
    having no faith in his promise.
25 They murmured in their tents,
    and did not obey the voice of the Lord.
26 Therefore he raised his hand and swore to them
    that he would make them fall in the wilderness,
27 and would disperse[b] their descendants among the nations,
    scattering them over the lands.

28 Then they attached themselves to the Ba′al of Pe′or,
    and ate sacrifices offered to the dead;
29 they provoked the Lord to anger with their doings,
    and a plague broke out among them.
30 Then Phin′ehas stood up and interposed,
    and the plague was stayed.
31 And that has been reckoned to him as righteousness
    from generation to generation for ever.

32 They angered him at the waters of Mer′ibah,
    and it went ill with Moses on their account;
33 for they made his spirit bitter,
    and he spoke words that were rash.

34 They did not destroy the peoples,
    as the Lord commanded them,
35 but they mingled with the nations
    and learned to do as they did.
36 They served their idols,
    which became a snare to them.
37 They sacrificed their sons
    and their daughters to the demons;
38 they poured out innocent blood,
    the blood of their sons and daughters,
whom they sacrificed to the idols of Canaan;
    and the land was polluted with blood.
39 Thus they became unclean by their acts,
    and played the harlot in their doings.

40 Then the anger of the Lord was kindled against his people,
    and he abhorred his heritage;
41 he gave them into the hand of the nations,
    so that those who hated them ruled over them.
42 Their enemies oppressed them,
    and they were brought into subjection under their power.
43 Many times he delivered them,
    but they were rebellious in their purposes,
    and were brought low through their iniquity.
44 Nevertheless he regarded their distress,
    when he heard their cry.
45 He remembered for their sake his covenant,
    and relented according to the abundance of his steadfast love.
46 He caused them to be pitied
    by all those who held them captive.

47 Save us, O Lord our God,
    and gather us from among the nations,
that we may give thanks to thy holy name
    and glory in thy praise.

48 Blessed be the Lord, the God of Israel,
    from everlasting to everlasting!
And let all the people say, “Amen!”
    Praise the Lord!

Footnotes

  1. Psalm 106:7 Cn Compare 78.17, 56: Heb at the sea
  2. Psalm 106:27 Syr Compare Ezek 20.23: Heb cause to fall

Ang Kabutihan ng Dios sa Kanyang mga Mamamayan

106 Purihin nʼyo ang Panginoon!
    Magpasalamat kayo sa kanya dahil siyaʼy mabuti;
    ang kanyang pag-ibig ay walang hanggan.
Walang makapagsasabi at makapagpupuri nang lubos sa makapangyarihang gawa ng Panginoon.
Mapalad ang taong gumagawa nang tama at matuwid sa lahat ng panahon.

Panginoon, alalahanin nʼyo ako kapag tinulungan nʼyo na ang inyong mga mamamayan;
    iligtas nʼyo rin ako kapag iniligtas nʼyo na sila,
upang akoʼy maging bahagi rin ng kaunlaran ng inyong bansang hinirang,
    at makadama rin ng kanilang kagalakan,
    at maging kasama nila sa pagpupuri sa inyo.
Kami ay nagkasala sa inyo katulad ng aming mga ninuno;
    masama ang aming ginawa.
Nang silaʼy nasa Egipto, hindi nila pinansin ang kahanga-hangang mga ginawa ninyo.
    Nilimot nila ang mga kabutihang ipinakita nʼyo sa kanila,
    at silaʼy naghimagsik sa inyo doon sa Dagat na Pula.
Ngunit iniligtas nʼyo pa rin sila,
    upang kayo ay maparangalan
    at maipakita ang inyong kapangyarihan.

Inutusan ng Panginoon ang Dagat na Pula na matuyo, at itoʼy natuyo;
    pinangunahan niya ang kanyang mga mamamayan na makatawid na parang lumalakad lamang sa disyerto.
10 Iniligtas niya sila sa kanilang mga kaaway.
11 Tinabunan niya ng tubig ang kanilang mga kaaway,
    at walang sinumang nakaligtas sa kanila.
12 Kaya naniwala sila sa kanyang mga pangako,
    at umawit sila ng mga papuri sa kanya.
13 Ngunit muli nilang kinalimutan ang kanyang mga ginawa,
    at hindi na nila hinintay ang kanyang mga payo.
14 Doon sa ilang, sinubok nila ang Dios dahil sa labis nilang pananabik sa pagkain.
15 Kaya ibinigay niya sa kanila ang kanilang hinihiling,
    ngunit binigyan din sila ng karamdaman na nagpahina sa kanila.

16 Sa kanilang kampo, nainggit sila kay Moises at kay Aaron na itinalagang maglingkod sa Panginoon.
17 Kaya bumuka ang lupa sa kinaroroonan ni Datan at ni Abiram at ng kanilang sambahayan at silaʼy nilamon.
18 At may apoy pang naging kasunod na tumupok sa kanilang masasamang tagasunod.

19 Doon sa Horeb ay gumawa ang mga taga-Israel ng gintong baka
    at sinamba nila ang dios-diosang ito.
    Itoʼy ginawa nilang dios at kanilang sinamba.
20 Ang kanilang dakilang Dios ay pinalitan nila ng imahen ng toro na kumakain ng damo.
21-22 Kinalimutan nila ang Dios na nagligtas sa kanila at gumawa ng mga kamangha-manghang bagay at himala roon sa Egipto na lupain ng mga lahi ni Ham, at doon sa Dagat na Pula.
23 Nilipol na sana ng Dios ang kanyang mga mamamayan kung hindi namagitan si Moises na kanyang lingkod.
    Pinakiusapan ni Moises ang Panginoon na pigilan niya ang kanyang galit upang hindi sila malipol.
24 Tinanggihan nila ang magandang lupain dahil hindi sila naniwala sa pangako ng Dios sa kanila.
25 Nagsipagreklamo sila sa loob ng kanilang mga tolda at hindi sumunod sa Panginoon.
26 Kaya sumumpa ang Panginoon na papatayin niya sila doon sa ilang,
27 at ikakalat ang kanilang mga angkan sa ibang mga bansa at nang doon na sila mamatay.

28 Inihandog nila ang kanilang mga sarili sa dios-diosang si Baal doon sa bundok ng Peor,
    at kumain sila ng mga handog na inialay sa mga patay.
29 Ginalit nila ang Panginoon dahil sa kanilang masasamang gawa,
    kaya dumating sa kanila ang salot.
30 Ngunit namagitan si Finehas,
    kaya tumigil ang salot.
31 Ang ginawang iyon ni Finehas ay ibinilang na matuwid,
    at itoʼy hindi makakalimutan ng mga tao magpakailanman.

32 Doon sa Bukal sa Meriba, ginalit ng mga taga-Israel ang Panginoon,
    kaya sumama ang loob ni Moises sa kanilang ginawa.
33 Dahil nasaktan ang damdamin ni Moises, nakapagsalita siya ng mga salitang hindi na niya napag-isipan.

34 Hindi pinatay ng mga taga-Israel ang mga taga-Canaan taliwas sa utos ng Panginoon.
35 Sa halip, nakisama pa sila sa kanila at sumunod sa kanilang mga kaugalian.
36 Sinamba rin nila ang kanilang mga dios-diosan, at ito ang nagtulak sa kanila sa kapahamakan.
37 Inihandog nila ang kanilang mga anak sa mga demonyo
38 na mga dios-diosan ng Canaan.
    Dahil sa pagpatay nila sa walang malay nilang mga anak, dinungisan nila ang lupain ng Canaan
39 pati ang kanilang mga sarili.
    Dahil sa kanilang ginawang iyon, nagtaksil sila sa Dios katulad ng babaeng nakikiapid.
40 Kaya nagalit ang Panginoon sa kanyang mga mamamayan,
    at silaʼy kanyang kinasuklaman.
41 Ipinaubaya niya sila sa mga bansang kanilang kaaway,
    at sinakop sila ng mga bansang iyon.
42 Inapi sila at inalipin ng kanilang mga kaaway.
43 Maraming beses silang iniligtas ng Dios,
    ngunit sinasadya nilang maghimagsik sa kanya,
    kaya ibinagsak sila dahil sa kanilang kasalanan.
44 Ngunit kapag silaʼy tumatawag sa Dios, tinutulungan pa rin niya sila sa kanilang mga kahirapan.
45 Inaalaala ng Dios ang kanyang kasunduan sa kanila,
    at dahil sa kanyang malaking pag-ibig sa kanila,
    napawi ang kanyang galit.
46 Niloob niya na silaʼy kaawaan ng mga bumihag sa kanila.

47 Panginoon naming Dios iligtas nʼyo kami,
    at muling tipunin sa aming lupain mula sa mga bansa,
    upang makapagpasalamat kami at makapagbigay-puri sa inyong kabanalan.

48 Purihin ang Panginoon, ang Dios ng Israel, magpakailanman.
    At ang lahat ay magsabing,
    “Amen!”

    Purihin ang Panginoon!