Add parallel Print Page Options

11 (A)Sapagka't kung paanong ang mga langit ay mataas kay sa lupa,
Gayon kalaki ang kaniyang kagandahang-loob (B)sa kanila na nangatatakot sa kaniya.
12 Kung gaano ang layo ng silanganan sa kalunuran,
Gayon inilayo niya ang mga pagsalangsang natin sa atin.
13 (C)Kung paanong ang ama ay naaawa sa kaniyang mga anak,
Gayon naaawa ang Panginoon sa kanilang nangatatakot sa kaniya.

Read full chapter

Nguni't ngayon, Oh Panginoon, (A)ikaw ay aming Ama; kami ang malagkit na putik, (B)at ikaw ay magpapalyok sa amin; at kaming lahat ay (C)gawa ng iyong kamay.

Read full chapter

Nananabik ang Panginoon sa naliligaw niyang bayan.

11 (A)Nang bata pa ang Israel, aking minahal siya, at (B)tinawag kong aking anak mula (C)sa Egipto.

Lalo (D)silang tinawag ng mga propeta, ay lalo naman silang nagsihiwalay sa kanila: sila'y nangaghahain (E)sa mga Baal, at nangagsusunug ng mga kamangyan sa mga larawang inanyuan.

Gayon ma'y aking tinuruan ang Ephraim (F)na lumakad; (G)aking kinalong sila sa aking mga bisig; nguni't hindi nila kinilala na aking pinagaling sila.

Akin silang pinatnubayan (H)ng mga tali ng tao, ng mga panali ng pag-ibig; at ako'y naging sa kanila'y parang nagaalis ng paningkaw sa kanilang mga panga; at ako'y naglagay ng pagkain sa harap nila.

Read full chapter