Mga Awit 5:8-12
Ang Biblia (1978)
8 (A)Patnubayan mo ako, Oh Panginoon, sa iyong katuwiran dahil sa aking mga kaaway;
Patagin mo ang iyong daan sa harapan ko.
9 Sapagka't walang pagtatapat sa kanilang bibig;
Ang kanilang kalooban ay tunay na kasamaan;
Ang kanilang lalamunan ay bukas na (B)libingan;
Sila'y nanganunuya ng kanilang dila.
10 Bigyan mong sala sila, Oh Dios;
Ibuwal mo sila sa kanilang sariling mga payo:
Palayasin mo sila sa karamihan ng kanilang mga pagsalangsang;
Sapagka't sila'y nanganghimagsik laban sa iyo,
11 Nguni't iyong pagalakin ang lahat na nagsisipagkanlong sa iyo,
Pahiyawin mo nawa sila sa kagalakan magpakailan man, sapagka't iyong ipinagsasanggalang sila:
Mangagalak nawa rin sa iyo ang nagsisiibig ng iyong pangalan.
12 Sapagka't iyong pagpapalain ang matuwid;
Oh Panginoon, lilibirin mo siya ng paglingap (C)na gaya ng isang kalasag.
Mga Kawikaan 1:14-15
Ang Biblia (1978)
14 Ikaw ay makikipagsapalaran sa gitna namin;
Magkakaroon tayong lahat ng isang supot:
15 (A)Anak ko, huwag kang lumakad sa daan na kasama nila;
(B)Pigilin mo ang iyong paa sa kanilang landas:
Mateo 3:13-17
Ang Biblia (1978)
13 Nang magkagayo'y (A)naparoon si Jesus (B)mula sa Galilea at lumapit kay Juan sa ilog ng Jordan, upang siya'y bautismuhan niya.
14 Datapuwa't ibig siyang sansalain ni Juan, na nagsasabi, Kinakailangan ko na ako'y iyong bautismuhan, at ikaw ang naparirito sa akin?
15 Nguni't pagsagot ni Jesus ay sinabi sa kaniya, Payagan mo ngayon: sapagka't ganyan ang nararapat sa atin, ang pagganap ng buong katuwiran. Nang magkagayo'y pinayagan niya siya.
16 At nang mabautismuhan si Jesus, pagdaka'y umahon sa tubig: at narito, nangabuksan sa kaniya ang mga langit, at nakita niya ang (C)Espiritu ng Dios na bumababang tulad sa isang kalapati, at lumalapag sa kaniya;
17 (D)At narito, ang isang tinig na mula sa mga langit, na nagsasabi, Ito ang sinisinta kong (E)Anak, na siya kong lubos na kinalulugdan.
Read full chapter
Mga Gawa 3:11-26
Ang Biblia (1978)
11 At samantalang siya'y nakahawak kay Pedro at kay Juan, ay nagsitakbong samasama sa kanila ang buong bayan (A)sa tinatawag na portiko ni Salomon na lubhang nanggigilalas.
12 At nang makita ito ni Pedro, ay sumagot sa mga tao, Kayong mga lalaking taga Israel, bakit kayo'y nagsisipanggilalas sa taong ito? o bakit kami ang inyong tinititigan, na sa inyong akala ay dahil sa aming sariling kapangyarihan o kabanalan ay aming napalakad siya?
13 Ang Dios ni Abraham, at ni Isaac, at ni Jacob, (B)ang Dios ng ating mga magulang, ay (C)niluwalhati ang kaniyang Lingkod na si Jesus; na inyong ibinigay, at inyong tinanggihan sa harap ni Pilato, nang pasiyahan nito na siya'y pawalan.
14 Datapuwa't inyong pinakatanggihan (D)ang Banal at ang Matuwid na Ito, at (E)inyong hiningi na ipagkaloob sa inyo ang isang mamamatay-tao,
15 At inyong pinatay ang Lumikha ng buhay: na binuhay ng (F)Dios na maguli sa mga patay; (G)mga saksi kami ng mga bagay na ito.
16 At sa pamamagitan ng pananampalataya sa (H)kaniyang pangalan ay pinalakas ng kaniyang pangalan ang taong ito, na inyong nakikita at nakikilala: oo, (I)ang pananampalataya na sa pamamagitan niya'y nagkaloob sa kaniya nitong lubos na kagalingan sa harapan ninyong lahat.
17 At ngayon, mga kapatid, nalalaman ko na inyong ginawa yaon (J)sa di pagkaalam, gaya ng ginawa rin naman ng inyong mga pinuno.
18 Datapuwa't ginanap ang mga bagay na ipinagpaunang ibinalita (K)ng Dios sa pamamagitan ng bibig ng lahat ng mga propeta, na ang kaniyang Cristo ay magbabata.
19 Kaya nga mangagsisi kayo, (L)at mangagbalik-loob, upang mangapawi ang inyong mga kasalanan, upang kung magkagayon ay magsidating ang mga panahon ng kaginhawahang mula sa harapan ng Panginoon;
20 At upang kaniyang suguin ang Cristo na itinalaga (M)sa inyo, na si Jesus:
21 Na siya'y (N)kinakailangang tanggapin ng langit hanggang sa mga panahon ng pagsasauli sa dati ng lahat ng mga bagay, na sinalita ng Dios sa pamamagitan ng bibig ng kaniyang mga banal na propeta buhat pa nang una.
22 Tunay na sinabi ni Moises, (O)Ang Panginoong Dios ay magtitindig sa inyo ng isang propetang gaya ko mula sa gitna ng inyong mga kapatid; siya ang inyong pakinggan sa lahat ng mga bagay na sa inyo'y sasalitain niya.
23 At mangyayari, na ang bawa't kaluluwa na hindi makinig sa propetang yaon, ay pupuksaing lubos mula sa gitna ng bayan.
24 Oo at ang lahat ng mga propetang mula kay (P)Samuel at ang mga nagsisunod, sa dami ng mga nagsipagsalita, sila naman ay nagsipagsaysay rin tungkol sa mga araw na ito.
25 Kayo ang mga anak ng mga propeta, at ng tipang ginawa ng Dios sa inyong mga magulang, na sinasabi kay Abraham, (Q)At sa iyong binhi ay pagpapalain ang lahat ng mga angkan sa lupa.
26 Sa inyo una-una, nang maitindig na ng Dios ang kaniyang Lingkod, (R)ay sinugo niya upang kayo'y pagpalain, (S)sa pagtalikod ng bawa't isa sa inyo sa inyong mga katampalasanan.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978