Mga Kawikaan 22:17-19
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Tatlumpung mga Kawikaan
17 Pakinggan mo at pag-aralang mabuti ang aking mga ituturo. 18 Ito'y magdudulot sa iyo ng kaligayahan kung isasaulo mo. 19 Sinasabi ko ito sa iyo sapagkat nais kong si Yahweh ang iyong panaligan.
Read full chapter
Mga Kawikaan 6:21
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
21 Sa puso mo ay iukit, at itanim mo sa isip.
Mga Kawikaan 4:7
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
7 Unahin mo sa lahat, pagtuklas ng karunungan,
ito'y pilitin mong matamo kahit gaano kamahal.
Mga Kawikaan 8:33-34
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
33 Upang maging matalino, ang turo ko ay dinggin mo,
huwag mong pababayaan ni lalayuan ito.
34 Mapalad ang taong sa akin ay nakikinig,
sa akin ay nag-aabang at palaging nakatitig.
Mga Kawikaan 4:1-4
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ang Payo ng mga Magulang
4 Dinggin ninyo, mga anak, ang turo ng inyong ama,
sasainyo ang unawa kung laging diringgin siya.
2 Pagkat tiyak na mabuti itong aking sinasabi,
kaya't aking mga katuruan huwag mong isantabi.
3 Noong ako ay bata pa, nasa kupkop pa ni ama,
batambata, walang malay, tanging anak nga ni ina,
4 itinuro niya sa akin at kanyang sinabi,
“Sa aking mga aral buong puso kang manangan,
sundin mo ang aking utos at ikaw ay mabubuhay.