Add parallel Print Page Options

16 A person is responsible to prepare his heart,
    but how the tongue speaks is from Adonai.

All a man’s ways are pure in his own view,
    but Adonai weighs the spirit.

If you entrust all you do to Adonai,
    your plans will achieve success.

Adonai made everything for its purpose,
    even the wicked for the day of disaster.

Adonai detests all those with proud hearts;
    be assured that they will not go unpunished.

Grace and truth atone for iniquity,
    and people turn from evil through fear of Adonai.

When a man’s ways please Adonai,
    he makes even the man’s enemies be at peace with him.

Better a little with righteousness
    than a huge income with injustice.

A person may plan his path,
    but Adonai directs his steps.

10 Divine inspiration is on the lips of the king,
    so his mouth must be faithful when he judges.
11 The balance and scales of justice have their origin in Adonai;
    all the weights in the bag are his doing.
12 It is an abomination for a king to do evil,
    for the throne is made secure by righteousness.
13 The king should delight in righteous lips,
    and he should love someone who speaks what is right.
14 The king’s anger is a herald of death,
    and one who is wise will appease it.
15 When the king’s face brightens, it means life;
    his favor is like the clouds that bring spring rain.

16 How much better than gold it is to gain wisdom!
    Yes, rather than money, choose to gain understanding.

17 Avoiding evil is the highway of the upright;
    he who watches his step preserves his life.

18 Pride goes before destruction,
    and arrogance before failure.

19 Better to be humble among the poor
    than share the spoil with the proud.

20 He who has skill in a matter will succeed;
    he who trusts in Adonai will be happy.

21 A wise-hearted person is said to have discernment,
    and sweetness of speech adds to learning.

22 Common sense is a fountain of life to one who has it,
    whereas fools are punished by their own folly.

23 The wise man’s heart teaches his mouth,
    and to his lips it adds learning.
24 Pleasant words are like a honeycomb,
    sweet to the taste and healing for the body.

25 There can be a way which seems right to a person,
    but at its end are the ways of death.

26 A working man’s appetite acts on his behalf,
    because his hunger presses him on.

27 A worthless person digs up evil [gossip] —
    it is like scorching fire on his lips.
28 A deceitful person stirs up strife,
    and a slanderer can separate even close friends.

29 A violent man lures his neighbor astray
    and leads him into evil ways.
30 One who winks knowingly is planning deceit;
    one who pinches his lips together has already done wrong.

31 White hair is a crown of honor
    obtained by righteous living.

32 He who controls his temper is better than a war hero,
    he who rules his spirit better than he who captures a city.

33 One can cast lots into one’s lap,
    but the decision comes from Adonai.

16 Nasa tao ang pagpaplano, ngunit ang Panginoon ang nagpapasya kung magaganap ito o hindi.
Inaakala natin na tama ang lahat ng ating ginagawa, ngunit ang Panginoon lang ang makakapaghusga kung ano talaga ang ating motibo.
Ipagkatiwala mo sa Panginoon ang lahat ng iyong gagawin, at magtatagumpay ka.
Ang lahat ay nilikha ng Panginoon na mayroong layunin, kahit na nga ang masasama, itinalaga sila para sa kapahamakan.
Kinasusuklaman ng Panginoon ang mayayabang at tiyak na silaʼy parurusahan.
Kung minamahal natin ang Panginoon nang may katapatan, patatawarin niya ang ating mga kasalanan. Kung may takot tayo sa kanya nang may paggalang, makalalayo tayo sa kasamaan.
Kapag kinalulugdan ng Panginoon ang ating pamumuhay, kahit na ang ating kaaway ay gagawin niyang ating kaibigan.
Mas mabuti ang kaunting halaga na pinaghirapan, kaysa sa malaking kayamanang galing sa masamang paraan.
Ang tao ang nagpaplano, ngunit nasa Panginoon ang kaganapan nito.
10 Ang haring pinapatnubayan ng Panginoon, palaging tama ang paghatol.
11 Ayaw ng Panginoon ang dayaan sa kalakalan.
12 Sa mga hari ay kasuklam-suklam ang paggawa ng kasamaan, dahil magpapatuloy lamang ang kanilang pamamahala kung sila ay makatuwiran.
13 Nalulugod ang mga hari sa mga taong hindi nagsisinungaling; minamahal nila ang mga taong nagsasabi ng katotohanan.
14 Kapag ang hari ay nagalit maaaring may masawi, kaya sinisikap ng taong marunong na malugod ang hari.
15 Hindi pinapatay ng hari ang taong sa kanya ay kalugod-lugod; pinakikitaan niya ito ng kabutihan gaya ng ulan sa panahon ng tagsibol.
16 Higit na mabuti ang magkaroon ng karunungan at pang-unawa, kaysa sa magkaroon ng pilak at ginto.
17 Ang namumuhay nang matuwid ay lumalayo sa kasamaan, at ang nag-iingat ng kanyang sarili ay nalalayo sa kapahamakan.
18 Ang kayabangan ay humahantong sa kapahamakan, at ang nagmamataas ay ibabagsak.
19 Higit na mabuti ang mamuhay nang may pagpapakumbaba kasama ang mahihirap kaysa sa mamuhay kasama ng mayayabang at makibahagi sa kanilang pinagnakawan.
20 Ang taong nakikinig kapag tinuturuan ay uunlad, at ang taong nagtitiwala sa Panginoon ay mapalad.
21 Ang marunong ay kinikilalang may pang-unawa, at kung siyaʼy magaling magsalita marami ang matututo sa kanya.
22 Kapag may karunungan ka, buhay moʼy bubuti at hahaba; ngunit kung hangal ka, parurusahan ka dahil sa iyong kahangalan.
23 Ang taong marunong ay nag-iingat sa kanyang mga sinasabi, kaya natututo ang iba sa kanya.
24 Ang matatamis na salita ay parang pulot-pukyutan, nakakapagpasaya at nakakapagpasigla ng katawan.
25 Maaaring iniisip mo na nasa tamang daan ka, ngunit ang dulo pala nito ay kamatayan.
26 Ang kagutuman ang nagtutulak sa tao na magtrabaho.
27 Ang taong masama ay nag-iisip ng kasamaan, at ang bawat sabihin niya ay parang apoy na nakakapaso.
28 Ang taong nanlilibak ng kapwa ay nagsisimula ng away, at ang matalik na magkaibigan ay kanyang pinaghihiwalay.
29 Ang taong nabubuhay sa karahasan ay nanghihikayat ng kanyang kapwa sa kasamaan.
30 Mag-ingat sa taong ngingiti-ngiti at kikindat-kindat dahil maaaring masama ang kanyang binabalak.
31 Ang katandaan ay tanda ng karangalan[a] na matatanggap ng taong namumuhay sa katuwiran.
32 Higit na mabuti ang taong mapagpasensya kaysa sa taong makapangyarihan. Higit na mabuti ang taong nakakapagpigil sa sarili kaysa sa taong nakakasakop ng isang lungsod.
33 Nagpapalabunutan ang mga tao upang malaman kung ano ang kanilang gagawin, ngunit nasa Panginoon ang kapasyahan.

Footnotes

  1. 16:31 Ang katandaan … karangalan: sa literal, Ang mga uban ay korona ng karangalan.