Add parallel Print Page Options

16 To mortals belong the plans of the heart,
    but from Yahweh comes the answer of the tongue.
All the ways of a man are pure in his own eyes,
    but Yahweh weighs the spirit.[a]
Commit your work to Yahweh,
    and your plans will be established.
All Yahweh has made is for his[b] purpose,
    and even the wicked for the day of trouble.
An abomination of Yahweh are all who are arrogant of heart;[c]
    rest assured,[d] he will not go unpunished.
By loyalty and faithfulness, iniquity will be covered over,[e]
    and by fear of Yahweh one turns[f] from evil.
When the ways of a man are pleasing to Yahweh,
    even his enemies he will cause to make peace with him.
Better is little with righteousness
    than great income with no justice.
The mind[g] of a person will plan his ways,
    and Yahweh will direct his steps.
10 A decision is upon the lips of a king;
    in judgment his mouth will not sin.
11 A balance and scales of justice belong to Yahweh;
    all the weights of the bag are his work.
12 An abomination to kings is doing evil,
    for by righteousness the throne will be established.
13 The delight of kings are the lips of righteousness,
    and he who speaks what is upright he will love.
14 The wrath of a king is a messenger of death,
    but one who is wise will appease[h] it.
15 In the light of the face of the king there is life,
    and his favor is like a cloud of spring rain.
16 Getting wisdom: how much[i] better than gold!
    And getting understanding: it is chosen over[j] silver.
17 The highway of the upright, it turns from evil,
    he who guards himself[k] keeps his way.
18 Before destruction comes pride,
    and before a fall, a haughty spirit.[l]
19 Better a lowly spirit with the poor
    than dividing the spoil with the proud.
20 He who is attentive to a matter will find goodness,
    and he who trusts in Yahweh, his own happiness.
21 The wise of heart[m] is called perceptive,
    but he who is pleasant of lips will increase persuasiveness.
22 A fountain of life is wisdom for its owner,[n]
    but the instruction[o] of fools is folly.
23 The heart[p] of the wise will make his mouth judicious,
    and upon his lips, it[q] will add persuasiveness.
24 Pleasant sayings are a honeycomb,
    sweetness to the soul and healing to the bones.
25 There is a way that seems upright to[r] a man,
    but its end is the way of death.
26 The life[s] of a worker works for him,
    for his hunger[t] urges him.
27 A man of wickedness concocts evil,
    and his lips are like a scorching fire.
28 A person of perversity will spread dissent,
    and he who whispers separates a close friend.
29 A person of violence will entice his neighbor
    and cause him to walk on a way that is not good.
30 He who winks his eyes does so in order to plan perverse things;
    he who purses his lips will bring evil to pass.
31 A crown of glory is gray hair;
    by a righteous life it is gained.
32 He who is slow to anger[u] is better than him who is mighty,
    and he who controls his spirit than him who captures a city.
33 The lot will be cast into the lap,
    but all of its decisions are from Yahweh.

Footnotes

  1. Proverbs 16:2 Or “breath”
  2. Proverbs 16:4 Or “its”
  3. Proverbs 16:5 Or “mind”
  4. Proverbs 16:5 Literally “hand to hand”
  5. Proverbs 16:6 Or “atoned for”
  6. Proverbs 16:6 Literally “turning”
  7. Proverbs 16:9 Literally “heart”
  8. Proverbs 16:14 Or “atone, cover over”
  9. Proverbs 16:16 Literally “what”
  10. Proverbs 16:16 Literally “from”
  11. Proverbs 16:17 Or “soul,” or “inner self”
  12. Proverbs 16:18 Hebrew “a haughty of spirit”
  13. Proverbs 16:21 Or “mind”
  14. Proverbs 16:22 Or “master”
  15. Proverbs 16:22 Or “punishment”
  16. Proverbs 16:23 Or “mind”
  17. Proverbs 16:23 Or “he”
  18. Proverbs 16:25 Literally “to the face of”
  19. Proverbs 16:26 Or “soul,” or “inner self”
  20. Proverbs 16:26 Literally “mouth”
  21. Proverbs 16:32 Literally “nostrils”

16 Ang mga paghahanda ng puso ay ukol sa tao: nguni't ang sagot ng dila ay mula sa Panginoon.

Ang lahat ng mga lakad ng tao ay malinis sa harap ng kaniyang sariling mga mata: nguni't tinitimbang ng Panginoon ang mga diwa.

Iukol mo sa Panginoon ang iyong mga gawa, at ang iyong mga panukala ay matatatag.

Ginawa ng Panginoon ang bawa't bagay na ukol sa kaniyang sariling wakas: Oo, pati ng masama na ukol sa kaarawan ng kasamaan.

Bawa't palalo sa puso ay kasuklamsuklam sa Panginoon: bagaman maghawakan sa kamay ay walang pagsalang parurusahan.

Sa pamamagitan ng kaawaan at katotohanan ay nalilinis ang kasamaan: at sa pamamagitan ng pagkatakot sa Panginoon ay humihiwalay ang mga tao sa kasamaan.

Pagka ang mga lakad ng tao ay nakapagpapalugod sa Panginoon, kaniyang tinitiwasay sa kaniya pati ng kaniyang mga kaaway.

Maigi ang kaunti na may katuwiran kay sa malalaking pakinabang na walang kaganapan.

Ang puso ng tao ay kumakatha ng kaniyang lakad: nguni't ang Panginoon ang nagtutuwid ng kaniyang mga hakbang.

10 Banal na hatol ay nasa mga labi ng hari: at kaniyang bibig ay hindi sasalangsang sa kahatulan.

11 Ang ganap na timbangan at panimbang ay sa Panginoon: lahat ng timbang na supot ay kaniyang gawa.

12 Kasuklamsuklam sa mga hari na gumawa ng kasamaan: sapagka't ang luklukan ay natatatag sa pamamagitan ng katuwiran.

13 Mga matuwid na labi ay kaluguran ng mga hari; at kanilang iniibig ang nagsasalita ng matuwid.

14 Ang poot ng hari ay gaya ng mga sugo ng kamatayan: nguni't papayapain ng pantas.

15 Nasa liwanag ng mukha ng hari ang buhay; at ang kaniyang lingap ay parang alapaap ng huling ulan.

16 Pagkaigi nga na magtamo ng karunungan kay sa ginto! Oo, magtamo ng kaunawaan ay maigi kay sa pumili ng pilak.

17 Ang maluwang na lansangan ng matuwid ay humiwalay sa kasamaan: siyang nagiingat ng kaniyang lakad ay nagiingat ng kaniyang kaluluwa.

18 Ang kapalaluan ay nagpapauna sa kapahamakan, at ang mapagmataas na diwa ay sa pagkabuwal.

19 Maigi ang magkaroon ng mapagpakumbabang loob na kasama ng dukha, kay sa bumahagi ng samsam na kasama ng palalo.

20 Siyang nagiingat sa salita ay makakasumpong ng mabuti: at ang nananalig sa Panginoon ay mapalad.

21 Ang pantas sa puso ay tatawaging mabait: at ang katamisan sa mga labi ay nagdaragdag ng katututuhan.

22 Ang kaunawaan ay bukal ng buhay sa nagtatamo: nguni't ang saway ng mga mangmang ay siyang kanilang kamangmangan.

23 Ang puso ng pantas ay nagtuturo sa kaniyang bibig, at nagdaragdag ng katututuhan sa kaniyang mga labi.

24 Mga maligayang salita ay parang pulot-pukyutan, matamis sa kaluluwa at kagalingan sa mga buto.

25 May daan na tila matuwid sa tao, nguni't ang dulo niyaon ay mga daan ng kamatayan.

26 Ang gana ng pagkain ng manggagawang tao ay nakagagaling sa kaniya; sapagka't kinasasabikan ng kaniyang bibig.

27 Ang walang kabuluhang tao ay kumakatha ng kahirapan: at sa kaniyang mga labi ay may masilakbong apoy.

28 Ang magdarayang tao ay nagkakalat ng pagtatalo: at ang mapaghatid-dumapit ay naghihiwalay ng magkakaibigang matalik.

29 Ang taong marahas ay dumadaya sa kaniyang kapuwa, at pinapatnubayan niya siya sa daang hindi mabuti.

30 Ikinikindat ang kaniyang mga mata, upang kumatha ng mga magdarayang bagay: siyang nangangagat labi ay nagpapangyari sa kasamaan.

31 Ang ulong may uban ay putong ng kaluwalhatian, masusumpungan sa daan ng katuwiran.

32 Siyang makupad sa pagkagalit ay maigi kay sa makapangyarihan; at siyang nagpupuno sa kaniyang diwa ay maigi kay sa sumasakop ng isang bayan.

33 Ginagawa ang pagsasapalaran sa kandungan; nguni't ang buong pasiya niyaon ay sa Panginoon.