Add parallel Print Page Options

Ang kapanganiban ng pagibig na marumi.

Anak ko, pakinggan mo ang aking karunungan;
Ikiling mo ang iyong pakinig sa aking unawa:
Upang makapagingat ka ng kabaitan,
At upang ang iyong mga labi ay (A)makapagingat ng kaalaman.
(B)Sapagka't ang mga labi ng masamang babae ay tumutulo ng pulot,
At ang kaniyang bibig ay madulas kay sa langis:
Nguni't ang kaniyang huling wakas ay (C)mapait kay sa ahenho,
Matalas na parang tabak na may talim sa magkabila.
(D)Ang kaniyang mga paa ay nagsisibaba sa kamatayan;
Ang kaniyang mga hakbang ay nagsisihawak sa Sheol;
Na anopa't hindi niya nasusumpungan ang kapanatagan ng landas ng buhay;
Ang kaniyang mga lakad ay hindi panatag, at hindi niya nalalaman.
Ngayon nga, mga anak ko, dinggin ninyo ako,
At huwag kayong magsihiwalay sa mga salita ng aking bibig.
Ilayo mo ang iyong lakad sa kaniya,
At huwag kang lumapit sa pintuan ng kaniyang bahay:
Baka mo ibigay ang iyong karangalan sa iba,
At ang iyong mga taon sa mga mabagsik:
10 Baka ang mga di kilalang babae ay mapuno ng iyong kalakasan;
At ang iyong mga pinagpagalan ay mapasa bahay ng kaapid;
11 At ikaw ay manangis sa iyong huling wakas,
Pagka ang iyong laman at ang iyong katawan ay natunaw,
12 At iyong sabihin,
Bakit ko kinayamutan ang turo,
At (E)hinamak ng aking puso ang saway:
13 Ni hindi ko man sinunod ang tinig ng aking mga tagapagturo,
O ikiling ko man ang aking pakinig sa kanila na mga nagturo sa akin!
14 Ako'y malapit sa lahat ng kasamaan
Sa gitna ng kapisanan at ng kapulungan.
15 Uminom ka ng tubig sa iyong sariling tipunan ng tubig,
At sa nagsisiagos na tubig sa iyong sariling balon.
16 Mananabog ba ang iyong mga bukal sa kaluwangan,
At mga agos ng tubig sa mga lansangan?
17 Maging iyong magisa,
At huwag sa di kilala na kasama mo.
18 Pagpalain ang iyong bukal;
At magalak ka sa (F)asawa ng iyong kabataan.
19 (G)Gaya ng maibiging usa at ng masayang usang babae,
Bigyan kang katiwasayan ng kaniyang dibdib sa buong panahon;
At laging malugod ka sa kaniyang pagibig.
20 Sapagka't bakit ka malulugod, anak ko, sa ibang babae,
At yayakap sa sinapupunan ng di kilala?
21 Sapagka't ang mga lakad ng tao ay nasa (H)harap ng mga mata ng Panginoon,
At kaniyang pinapatag ang lahat niyang mga landas.
22 Ang sarili niyang mga kasamaan ay (I)kukuha sa masama.
At siya'y matatalian ng mga panali ng kaniyang kasalanan.
23 (J)Siya'y mamamatay sa kakulangan ng turo;
At sa kadahilanan ng kaniyang pagkaulol ay maliligaw siya.

Babala laban sa pagmamataas, katamaran, kalikutan, at pakikiapid.

Anak ko, (K)kung ikaw ay naging mananagot sa iyong kapuwa,
Kung iyong ikinamay ang iyong kamay sa di kilala,
Ikaw ay nasilo ng mga salita ng iyong bibig,
Ikaw ay nahuli ng mga salita ng iyong bibig.
Gawin mo ito ngayon, anak ko, at lumigtas ka,
Yamang ikaw ay nahulog sa kamay ng iyong kapuwa:
Yumaon ka, magpakababa ka, at mangayupapa ka sa iyong kapuwa.
(L)Huwag mong bigyan ng tulog ang iyong mga mata.
O magpaidlip man sa iyong mga talukap-mata.
Lumigtas ka na parang usa sa kamay ng mangangaso,
At (M)parang ibon sa kamay ng mamimitag.
(N)Pumaroon ka sa langgam, ikaw na tamad;
Masdan mo ang kaniyang mga lakad at magpakapantas ka:
Na bagaman walang pangulo,
Tagapamahala, o pinuno,
(O)Naghahanda ng kaniyang pagkain sa taginit,
At pinipisan ang kaniyang pagkain sa pagaani.
Hanggang kailan matutulog ka, Oh (P)tamad?
Kailan ka babangon sa iyong pagkakatulog?
10 Kaunti pang pagkakatulog, kaunti pang pagkaidlip,
Kaunti pang paghahalukipkip ng mga kamay upang matulog:
11 Sa gayo'y ang iyong karalitaan ay (Q)darating na parang magnanakaw,
At ang iyong kasalatan na parang lalaking may sandata.
12 Taong walang kabuluhan, taong masama,
Ay siya na lumalakad na may masamang bibig;
13 (R)Na kumikindat ng kaniyang mga mata, na nagsasalita ng kaniyang mga paa,
Na nagsasalita ng kaniyang mga daliri;
14 Pagdaraya ay nasa kaniyang puso, (S)siya'y laging kumakatha ng kasamaan;
Siya'y naghahasik ng pagtatalo.
15 Kaya't darating na bigla ang kaniyang kasakunaan;
Sa kabiglaanan (T)ay mababasag siya, at (U)walang kagamutan.
16 May anim na bagay na ipinagtatanim ng Panginoon;
Oo, pito na mga kasuklamsuklam sa kaniya:
17 (V)Mga palalong mata, (W)sinungaling na dila,
(X)At mga kamay na nagbububo ng walang salang dugo;
18 (Y)Puso na kumakatha ng mga masamang akala,
(Z)Mga paa na matulin sa pagtakbo sa kasamaan;
19 (AA)Sinungaling na saksi na nagsasalita ng kabulaanan,
At ang (AB)naghahasik ng pagtatalo sa gitna ng magkakapatid.

Ang kamangmangan ng pakikitungo sa nais ng masamang babae.

20 Anak ko, (AC)ingatan mo ang utos ng iyong ama,
At huwag mong kalimutan ang kautusan ng iyong ina:
21 (AD)Ikintal mong lagi sa iyong puso,
Itali mo sa iyong (AE)leeg.
22 Pagka ikaw ay lumalakad, papatnubay sa iyo;
Pagka ikaw ay natutulog, babantay sa iyo;
At pagka ikaw ay gumigising, makikipagusap sa iyo.
23 (AF)Sapagka't ang utos ay tanglaw; at ang kautusan ay liwanag;
At ang mga saway na turo ay daan ng buhay:
24 (AG)Upang ingatan ka sa masamang babae,
Sa tabil ng dila ng di kilala.
25 (AH)Huwag mong pitahin ang kaniyang kagandahan sa iyong puso;
At huwag ka mang hulihin niya ng kaniyang mga talukap-mata.
26 Sapagka't (AI)dahil sa isang masamang babae ay walang naiiwan sa lalake kundi isang putol na tinapay:
At (AJ)hinuhuli (AK)ng mangangalunya ang mahalagang buhay.
27 Makakukuha ba ng apoy ang tao sa kaniyang sinapupunan,
At hindi masusunog ang kaniyang mga suot?
28 O makalalakad ba ang sinoman sa mga mainit na baga,
At ang kaniyang mga paa ay hindi mapapaso?
29 Gayon ang sumisiping sa asawa ng kaniyang kapuwa;
Sinomang humipo ay hindi maaaring di parusahan.
30 Hindi hinahamak ng mga tao ang magnanakaw kung siya'y nagnanakaw,
Upang busugin siya pagka siya'y gutom:
31 Nguni't kung siya'y masumpungan, (AL)isasauli niyang makapito;
Kaniyang ibibigay ang lahat na laman ng kaniyang bahay.
32 Siyang nagkakamit ng pangangalunya sa isang babae ay (AM)walang bait:
Ang gumagawa niyaon ay nagpapahamak sa kaniyang sariling kaluluwa.
33 Mga sugat at kasiraang puri ang tatamuhin niya;
At ang kaniyang kapintasan ay hindi mapapawi.
34 Sapagka't ang paninibugho ay pagiinit ng tao;
At hindi siya magpapatawad sa kaarawan ng panghihiganti.
35 Hindi niya pakukundanganan ang anomang tubos;
Ni magpapahinga man siyang tuwa, bagaman ikaw ay magbigay ng maraming suhol.