Panaghoy 2
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
2 Sa galit ng Panginoon, tinakpan niya ng makapal na ulap ang Jerusalem.[a] Ibinagsak niya ang karangalan ng Israel, na parang itinapon mula sa langit papunta sa lupa. At dahil sa kanyang galit, pinabayaan niya ang kanyang templo sa Jerusalem. 2 Walang awa rin niyang sinira ang lahat ng tahanan sa Israel. Sa galit niyaʼy giniba niya ang mga pader na nakapalibot sa Jerusalem. Ibinagsak niya at inilagay sa kahihiyan ang kaharian pati na ang mga pinuno nito. 3 Sa tindi ng kanyang poot, inalis niya ang lahat ng kapangyarihan ng Israel. Hindi niya ito tinulungan nang salakayin ng mga kaaway. Para siyang apoy na tumutupok sa mga lahi ng Israel at sa lahat ng bagay sa paligid nito.
4 Iniumang niya ang kanyang pana sa mga mamamayan niyang naging parang mga kaaway niya. Pinatay ang lahat ng ipinagmamalaki nitong mga mamamayan. Ibinuhos na parang apoy ang kanyang matinding galit sa mga mamamayan ng Jerusalem. 5 Winasak ng Panginoon ang Israel na parang isang kaaway. Sinira niya ang lahat ng mga pader sa bayan at mga palasyo. Dinagdagan ang kanilang pagdadalamhati at pag-iyak. 6 Winasak niya ang templo na parang isang halamanan lang. Binura niya sa alaala ng mga taga-Jerusalem ang itinakdang mga pista at ang Araw ng Pamamahinga. Sa kanyang matinding galit, itinakwil niya ang hari at pari. 7 Itinakwil din ng Panginoon ang kanyang altar at templo. Ipinagiba sa kamay ng mga kaaway ang mga pader nito at nagsigawan ang mga ito sa templo ng Panginoon na parang nagdaraos ng pista.
8 Nagpasya ang Panginoon na ipagiba ang mga pader na nakapalibot sa lungsod ng Jerusalem. Plinanong mabuti ang paggiba at hindi pinigilan ang sarili na gawin iyon. Kaya nagiba nga ang mga pader na bumabakod doon. 9 Bumagsak sa lupa ang mga pintuang bayan ng Jerusalem. Sinira at binali ng Panginoon ang mga saraduhan nito. Binihag ang hari at mga pinuno at dinala sa malayong mga bansa. Hindi na rin itinuturo ang kautusan at wala na ring mensahe o pangitain ang Panginoon sa kanyang mga propeta. 10 Ang mga tagapamahala ng Jerusalem ay tahimik na nakaupo sa lupa, naglagay ng abo sa ulo at nagdamit ng sako para ipakita ang kanilang pagdadalamhati. At ang mga dalaga sa Jerusalem ay nakayuko sa lupa dahil sa hiya. 11 Namugto ang mga mata ko sa kaiiyak. Labis na nababagabag at parang sasabog na ang dibdib ko sa kapahamakang sinapit ng aking mga kalahi. Nawalan ng malay sa mga lansangan ang mga bata at mga sanggol. 12 Umiiyak silaʼt humihingi ng pagkain at maiinom sa kanilang mga ina. Nawalan sila ng malay tulad ng mga sugatang sundalo sa mga lansangan ng lungsod hanggang sa unti-unting mamatay sa kanlungan ng kanilang ina. 13 O Jerusalem,[b] ano pa bang masasabi ko sa iyo? Saan pa ba kita maihahambing? Kasinlalim ng dagat ang sugat mo. Paano kita maaaliw? Sino ang makapagpapagaling sa iyo? 14 Ang pangitaing nakita ng iyong mga propeta ay hindi totoo, walang kabuluhan at mapanlinlang. Ang mga kasalanan moʼy hindi nila inihayag sa iyo upang hindi kayo mabihag.
15 Ang lahat ng dumadaaʼy pumapalakpak, sumusutsot at nangungutya. Sinasabi nila, “Ito ba ang lungsod na sinasabing ‘Pinakamaganda at kagalakan ng buong mundo?’ ” 16 Kinukutya ka ng lahat ng kaaway mo. Sumusutsot at pinangangalit ang mga ngipin nila at sinabi, “Tuluyan na nating nawasak ang Jerusalem! Ito na ang araw na ating pinakahihintay. At ngayon ngaʼy nakita na natin ito!”
17 Ginawa ng Panginoon ang kanyang plano. Tinupad niya ang sinabi niya noon. Walang awa ka niyang giniba, O Jerusalem! Binigyan niya ng kagalakan ang mga kaaway mo at hinayaan silang ipagyabang ang kanilang kapangyarihan. 18 Mga taga-Jerusalem, tumawag kayo sa Panginoon. Umiyak kayo araw at gabi at paagusin ang inyong mga luha na parang ilog. Huwag kayong tumigil sa pag-iyak. 19 Bumangon kayo sa gabi at humingi ng tulong sa Panginoon. Ibuhos ninyo sa kanya ang laman ng inyong mga puso, na para kayong nagbubuhos ng tubig. Itaas ninyo ang inyong mga kamay sa pananalangin para sa inyong mga anak na nawawalan ng malay sa mga lansangan dahil sa gutom.
20 Masdan nʼyo po kami Panginoon. Isipin nʼyo kung sino ang pinaparusahan nʼyo ng ganito. Dahil sa labis na pagkagutom, kinain ng mga ina ang mga anak nila na kanilang inaalagaan. Ang mga pari at ang mga propeta ay pinapatay sa inyong templo. 21 Nakahambalang sa mga lansangan ang mga bangkay ng mga bata at matatanda. Namamatay sa digmaan ang mga kabataang lalaki at babae. Sa inyong galit, walang habag nʼyo silang pinatay. 22 Niyaya nʼyo ang mga kaaway para kabi-kabilang salakayin ako, para kayong nagyayaya sa kanila sa handaan. Sa araw na iyon na ibinuhos nʼyo ang inyong galit, walang nakatakas o natirang buhay. Pinatay ng aking mga kaaway ang aking mga anak na isinilang at pinalaki.
耶利米哀歌 2
Chinese Contemporary Bible (Simplified)
耶和华惩罚耶路撒冷
2 主的怒气像乌云一样遮盖锡安城[a],
祂使以色列的荣美从天上坠下。
祂发怒的时候并不顾念自己的脚凳。
2 主毫不留情地毁灭雅各一切的住处,
祂在烈怒中夷平犹大的堡垒,
让以色列及其首领蒙羞。
3 祂发烈怒毁灭以色列全军。
敌人袭来时,祂收回大能的手。
祂像烈焰一样吞噬雅各。
4 祂抬起右手张弓搭箭,
宛若仇敌,
杀戮一切悦人眼目的人,
将祂的怒火撒向锡安城的帐篷。
5 主像敌人一样毁灭以色列,
吞噬她的宫殿,夷平她的堡垒,
使犹大人哀哭不止。
6 祂摧毁自己的居所,
如同摧毁花园;
祂摧毁自己规定的聚会之处,
使锡安的人民忘记安息日和节期。
祂在烈怒中弃绝所有的君王和祭司。
7 主撇弃自己的祭坛,
憎恶自己的圣所,
把耶路撒冷的殿墙交给敌人。
他们像过节一样,
在耶和华的殿中喧嚷吵闹。
8 耶和华决意拆毁锡安的城墙,
祂拉了准线,
定意毁灭,决不停止。
祂使城墙和壁垒一同悲哀哭泣。
9 锡安的城门陷入地中,
主摧毁、砍断她的门闩。
她的君王和首领流落异乡,
律法不复存在,
她的先知得不到从耶和华而来的异象。
10 锡安城的长老腰束麻布,
头蒙灰尘,坐在地上,
默然不语;
耶路撒冷的少女垂头至地。
11 我哭得眼睛失明,
心如刀割,肝胆欲碎,
因为人民惨遭毁灭,
儿童和婴孩昏倒在街头。
12 孩子们问母亲:
“哪里有饼和酒呢?”
他们像受伤的勇士,
昏倒在城中的街头,
在母亲怀中奄奄一息。
13 耶路撒冷啊,我该说什么呢?
谁能与你的苦难相比呢?
锡安啊,我用什么话语才能安慰你呢?
你的伤口深如海洋,
谁能医治你呢?
14 你的先知所见的异象虚假无用。
他们没有揭露你的罪恶,
以致你被掳。
他们给你的预言虚假谬误。
15 路人都拍掌嘲笑你。
他们向耶路撒冷城摇头,
嗤笑道:
“这就是那被誉为完美无瑕、
普世喜悦的城吗?”
16 敌人都幸灾乐祸地讥讽你,
他们咬牙切齿地说:
“我们吞灭了她!
这是我们期待已久的日子!
我们终于见到这一天了!”
17 耶和华实现了祂的计划,
成就了祂很久以前的应许。
祂毫不留情地毁灭了你,
使你的仇敌幸灾乐祸,
耀武扬威。
18 锡安的城墙啊,
你要从心里向主呼求!
你的眼泪要像江河一样昼夜涌流,
不歇不眠。
19 你要在夜间起来,
在主面前整夜呼求,
向祂倾心吐意;
你要为饿昏街头的孩童向主举手祷告。
20 “耶和华啊,求你看看,
你曾这样对付过谁呢?
母亲岂能吃自己的孩子?
祭司和先知岂能在主的圣所中被杀?
21 “老人和小孩陈尸街头,
少男少女都丧身刀下。
你在发怒的日子杀了他们,
毫不留情。
22 “你从四面八方召人攻击我,
如同召集人过节。
耶和华发怒的日子,
无人得以逃脱,无人得以幸免。
敌人杀光了我养育的孩子。”
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Chinese Contemporary Bible Copyright © 1979, 2005, 2007, 2011 by Biblica® Used by permission. All rights reserved worldwide.