Add parallel Print Page Options

Tinatakan ng Diyos ang Isangdaan at Apatnapu’t Apat na Libong Tao

Pagkatapos ng mga bagay na ito, nakita ko ang apat na anghel na nakatayo sa apat na sulok ng lupa. Pinipigil nila ang apat na hangin ng lupa upang walang hanging makaihip sa lupa o sa dagat o sa anumang punong-kahoy.

At nakita ko ang isa pang anghel na pumapaitaas mula sa sinisilangan ng araw. Nasa kaniya ang tatak ng buhay na Diyos. Siya ay sumigaw ng isang malakas na tinig at nagsalita sa apat na mga anghel na binigyan ng kapangyarihan upang saktan ang lupa at ang dagat. Sinabi ng anghel sa kanila: Huwag ninyong saktan ang lupa o ang dagat o ang mga punong-kahoy hanggang hindi namin natatatakan sa noo ang mga alipin ng aming Diyos. Narinig ko ang bilang ng mga natatakan. Ang bilang ay isangdaan apatnapu’t apat na libo na tinatakan mula sa bawat lipi ng mga taga-Israel.

Labindalawang libo ang tinatakan nila mula sa lipi ni Juda. Labindalawang libo ang tinatakan nila mula sa lipi ni Ruben. Labindalawang libo ang tinatakan nila mula sa lipi ni Gad. Labindalawang libo ang tinatakan nila mula sa lipi ni Aser. Labindalawang libo ang tinatakan nila mula sa lipi ni Neftali. Labindalawang libo ang tinatakan nila mula sa lipi ni Manases. Labindalawang libo ang tinatakan nila mula sa lipi ni Simeon. Labindalawang libo ang tinatakan nila mula sa lipi ni Levi. Labindalawang libo ang tinatakan nila mula sa lipi ni Isacar. Labindalawang libo ang tinatakan nila mula sa lipi ni Zabulon. Labindalawang libo ang tinatakan nila mula sa lipi ni Jose. Labindalawang libo ang tinatakan nila mula sa lipi ni Benjamin.

Read full chapter