Add parallel Print Page Options

Ang mga Selyo

At nakita ko nang buksan ng Kordero ang isa sa mga selyo. At narinig ko ang isa sa mga apat na buhay na nilalang na nagsasabi sa isang malakas na tinig na katulad ng kulog: Halika at tingnan mo.

At nakita ko at narito, ang isang puting kabayo. At ang nakaupo rito ay may isang pana. Binigyan siya ng isang putong. Humayo siya na nanlulupig at upang manlupig.

Nang buksan ng Kordero ang ikalawang selyo, narinig ko ang ikalawang buhay na nilalang na nagsasabi: Sinabi niya: Halika at tingnan mo. At isa pang kabayo ang lumabas, ito ay pula. At ibinigay sa kaniya na nakaupo dito na pawiin ang kapayapaan sa lupa upang magpatayan sa isa’t isa ang mga tao at binigyan siya ng isang malaking tabak.

Nang buksan ng Kordero ang ikatlong selyo, narinig ko ang ikatlong buhay na nilalang na nagsasabi: Halika at tingnan mo. At nakita ko, narito, ang isang itim na kabayo. Ang nakaupo rito ay may isang timbangan sa kaniyang kamay. At narinig ko ang isang tinig sa kalagitnaan ng apat na buhay na nilalang na nagsasabi: Gawin mo na ang halaga ng isang takal ng trigo ay isang denaryo at ang tatlong takal na sebada na isang denaryo. Huwag mong pinsalain ang langis at alak.

At nang binuksan niya ang ikaapat na selyo, narinig ko ang tinig ng ikaapat na buhay na nilalang na nagsasabi: Halika at tingnan mo. Nakita ko ang isang kabayong maputla. Ang pangalan ng nakaupo roon ay Kamatayan. At sumunod ang hades sa kaniya. Binigyan sila ng kapama­halaan na patayin ang higit sa ikaapat na bahagi ng lupa, ng tabak at ng gutom at ng kamatayan at sa pamamagitan ng mabangis na hayop ng lupa.

At nang binuksan niya ang ikalimang selyo, sa ilalim ng dambana, nakita ko ang mga kaluluwa ng mga taong napatay dahil sa Salita ng Diyos at dahil sa patotoong taglay nila. 10 Sila ay sumisigaw nang malakas na nagsasabi: O Panginoon, ikaw ang banal at totoo. Hanggang kailan mo hahatulan ang mga taong naninirahan sa lupa at ipaghihiganti ang aming dugo? 11 Binigyan ng maputing kasuotan ang bawat isa sa kanila. Sinabi sa kanila na magpahinga muna sila ng kaunting panahon hanggang ang bilang ng kapwa nila alipin at mga kapatid na papatayin nang katulad nila ay maganap.

12 At nang binuksan niya ang ika-anim na selyo, narito, isang malakas na lindol. Ang araw ay naging maitim na katulad ng magaspang na damit na mabalahibo. Ang buwan ay naging katulad ng dugo. 13 Ang mga bituin sa langit ay nahulog sa lupa katulad ng pagkahulog ng mga bubot na bunga ng punong igos kung inuuga ng isang napakalakas na hangin. 14 Ang kalangitan ay nawalang katulad ng balumbong nilulon. Ang bawat bundok at bawat pulo ay naalis sa kinalalagyan nila.

15 At ang mga hari sa lupa, mga dakilang tao, mga mayaman, mga pinunong-kapitan, mga makapangyarihan, ang bawat alipin at bawat malaya ay nagtago ng kanilang sarili sa mga yungib at sa mga bato sa kabundukan. 16 Sinabi nila sa mga bundok at mga bato: Bagsakan ninyo kami. Itago ninyo kami mula sa mukha ng nakaupo sa trono ng Diyos at mula sa poot ng Kordero. 17 Sapagkat dumating na ang dakilang araw ng kaniyang poot. Kaya, sino nga ang makakatagal?

Tinatakan ng Diyos ang Isangdaan at Apatnapu’t Apat na Libong Tao

Pagkatapos ng mga bagay na ito, nakita ko ang apat na anghel na nakatayo sa apat na sulok ng lupa. Pinipigil nila ang apat na hangin ng lupa upang walang hanging makaihip sa lupa o sa dagat o sa anumang punong-kahoy.

At nakita ko ang isa pang anghel na pumapaitaas mula sa sinisilangan ng araw. Nasa kaniya ang tatak ng buhay na Diyos. Siya ay sumigaw ng isang malakas na tinig at nagsalita sa apat na mga anghel na binigyan ng kapangyarihan upang saktan ang lupa at ang dagat. Sinabi ng anghel sa kanila: Huwag ninyong saktan ang lupa o ang dagat o ang mga punong-kahoy hanggang hindi namin natatatakan sa noo ang mga alipin ng aming Diyos. Narinig ko ang bilang ng mga natatakan. Ang bilang ay isangdaan apatnapu’t apat na libo na tinatakan mula sa bawat lipi ng mga taga-Israel.

Labindalawang libo ang tinatakan nila mula sa lipi ni Juda. Labindalawang libo ang tinatakan nila mula sa lipi ni Ruben. Labindalawang libo ang tinatakan nila mula sa lipi ni Gad. Labindalawang libo ang tinatakan nila mula sa lipi ni Aser. Labindalawang libo ang tinatakan nila mula sa lipi ni Neftali. Labindalawang libo ang tinatakan nila mula sa lipi ni Manases. Labindalawang libo ang tinatakan nila mula sa lipi ni Simeon. Labindalawang libo ang tinatakan nila mula sa lipi ni Levi. Labindalawang libo ang tinatakan nila mula sa lipi ni Isacar. Labindalawang libo ang tinatakan nila mula sa lipi ni Zabulon. Labindalawang libo ang tinatakan nila mula sa lipi ni Jose. Labindalawang libo ang tinatakan nila mula sa lipi ni Benjamin.

Ang Maraming Taong Nakasuot ng Puting Damit

Pagkatapos kong makita ang mga bagay na ito, narito,ang napakaraming taong naroroon na walang sinumang makakabilang sa kanila. Sila ay mula sa bawat bansa, bawat lipi at bawat wika. Nakatayo sila sa harap ng trono at sa harap ng Kordero. Sila ay nakasuot ng maputing damit at may hawak na mga palaspas.

10 Sila ay sumisigaw ng isang malakas na tinig. Sinabi nila:

Ang kaligtasan ay sa kaniya na nakaupo sa trono at sa Kordero.

11 At ang lahat ng anghel at mga matanda at ang apat na kinapal na buhay ay nakatayo sa palibot ng trono. Sila ay nagpatirapa sa harap ng trono at sinamba ang Diyos. 12 Sinabi nila:

Siya nawa. Pagpapala at kaluwalhatian at karunungan at pasasalamat at karangalan at kapangyarihan at kalakasan sa ating Diyos magpakailan pa man. Siya nawa.

13 At isa sa mga matanda ang sumagot. Sinabi niya sa akin: Sino ang mga taong ito na nakasuot ng mapuputing damit? Saan sila nanggaling?

14 At sinabi ko sa kaniya: Ginoo, nalalaman mo iyan.

Sinabi niya sa akin: Sila ang mga nanggaling sa dakilang paghihirap. Hinugasan nila ang kanilang mga damit at pinaputi ang mga ito ng dugo ng kordero.

15 Dahil dito:

Sila ay nasa harapan ng trono ng Diyos. Pinaglilingkuran nila siya araw at gabi sa kaniyang banal na dako. Ang nakaupo sa trono ay mananahang kasama nila.

16 Kailan­man ay hindi na sila magugutom at kailanman ay hindi na sila mauuhaw. Hindi na sila maiinitan ng sikat ng araw ni wala ng matinding init ang tatama sa kanila. 17 Ito ay sapagkat ang Korderong nasa gitna ng trono ang siyang mangangalaga sa kanila. Aakayin niya sila sa buhay na bukal ng tubig. At papahirin ng Diyos ang bawat luha sa kanilang mga mata.

Ang Ikapitong Selyo at ang Ginintuang Sunugan ng Insenso

At nang buksan niya ang ikapitong selyo, tumahimik sa langit nang may kalahating oras.

At nakita ko ang pitong anghel na nakatayo sa harapan ng Diyos. Binigyan sila ng pitong trumpeta.

At isa pang anghel ang dumating at tumayo sa tabing dambana. Siya ay may taglay na gintong suuban ng kamangyan. Binigyan siya ng maraming kamangyan upang ihandog niya itong kasama ng mga panalangin ng lahat ng banal sa ginintuang dambana na nasa harapan ng trono. Ang usok ng kamangyan, kasama ang mga panalangin ng mga banal ay pumailanglang sa harapan ng Diyos mula sa kamay ng anghel. Kinuha ng anghel ang suuban ng kamangyan at pinuno ito ng apoy na mula sa dambana. Inihagis niya ito sa lupa. Nagkaroon ng ingay, kulog, kidlat at lindol.

Ang mga Trumpeta

Inihanda ng pitong anghel, na may pitong trumpeta, ang kanilang mga sarili upang hipan ang kanilang mga trumpeta.

Hinipan ng unang anghel ang kaniyang trumpeta. Bumagsak ang graniso at apoy na may kahalong dugo. Inihagis ito sa lupa. Ika-tatlong bahagi ng mga punong-kahoy ang nasunog at lahat ng sariwang damo ay nasunog.

Hinipan ng pangalawang anghel ang kaniyang trumpeta. At isang katulad ng malaking bundok na nagliliyab, ito ay itinapon sa dagat. At ang ika-tatlong bahagi ng dagat ay naging dugo. At ang ika-tatlong bahagi ng mga buhay na nilalang na nasa dagat ang namatayat ang ika-tatlong bahagi ng mga sasakyang dagat ay nawasak.

10 Hinipan ng pangatlong anghel ang kaniyang trumpeta. Isang malaking bituin ang bumagsak mula sa langit na nagniningas na katulad ng isang ilawan. At ito ay bumagsak sa ikatlong bahagi sa mga ilog at sa mga bukal ng tubig. 11 Ang pangalan ng bituin ay Kapaitan. Ang ika-tatlong bahagi ng tubig ay pumait. Maraming tao ang namatay dahil pumait ang tubig.

12 Hinipan ng pang-apat na anghel ang kaniyang trumpeta. Napinsala ang ika-tatlong bahagi ng araw at ang ika-tatlong bahagi ng buwan at ang ika-tatlong bahagi ng mga bituin upang magdilim ang ika-tatlong bahagi nito at ang ika-tatlong bahagi ng isang araw ay hindi magliliwanag at gayundin ng sa gabi.

13 At nakita ko at narinig ang isang anghel na lumilipad sa gitna ng langit na nagsasabi sa malakas na tinig: Sa aba, sa aba, sa aba sa kanila na naninirahan sa lupa dahil sa nananatili pang tunog ng trumpeta ng tatlong anghel na kanila pang hihipan.

Hinipan ng panglimang anghel ang kaniyang trumpeta. At nakita ko ang isang bituin na nahulog sa lupa buhat sa langit. Ibinigay sa kaniya ang susi ng walang hanggang kala­liman. At binuksan niya ang walang hanggang kalaliman. Pumailanlang ang usok na lumabas mula sa kalalim-lalimang hukay katulad ng usok na nagmumula sa isang napakalaking pugon. Ang araw at ang hangin ay dumilim dahil sa usok. Buhat sa usok ay lumabas ang mga balang sa ibabaw ng lupa. Binigyan sila ng kapamahalaang katulad ng kapamahalaang taglay ng mga alakdan sa lupa. At sinabi sa kanila na huwag nilang pipinsalain ang mga damo sa lupa o anumang bagay na luntian at ang mga punong-kahoy. Ang pipinsalain lamangnila ay ang mga taong walang tatak ng Diyos sa kanilang noo. Hindi sila binigyan ng pahintulot na patayin ang mga tao. Pahihirapan lamang nila sila sa loob ng limang buwan. Ang pagpapahirap na ito ay katulad ng sakit na nararanasan ngtaong kinagat ng alakdan. Sa mga araw na iyon, hahanapin ng mga tao ang kamatayan ngunit hindi nila matatagpuan. Magpapakamatay sila ngunit lalayuan sila ng kamatayan.

Ang anyo ng mga balang ay katulad ng mga kabayong inihanda para sa labanan. Sa kanilang mga ulo ay mayroong gantimpalang putong katulad ng ginto. Ang kanilang mga mukha ay katulad ng mga mukha ng tao. May mga buhok silang katulad ng buhok ng babae. Ang kanilang mga ngipin ay katulad ng ngipin ng leon. May mga baluti sila sa dibdib na katulad ng mga baluting bakal. Ang ugong ng kanilang mga pakpak ay katulad ng ugong ng mga karuwahe ng mga kabayong dumadaluhong sa labanan. 10 May mga buntot sila at tibo na katulad ng mga alakdan. May kapamahalaan silang saktan ang tao sa loob ng limang buwan. 11 Mayroon silang hari na namumuno sa kanila. Siya ay ang anghel sa walang hanggang kalaliman. Ang kaniyang pangalan sa wikang Hebreo ay Abadon.[a] Sa wikang Griyego ito ay Apolyon.

12 Natapos na ang unang kaabahan. Pagkatapos ng mga bagay na ito, dalawa pang kaabahan ang darating.

13 Hinipan ng pang-anim na anghel ang kaniyang trumpeta. Narinig ko ang isang tinig mula sa apat na sungay ng gintong dambana na nasa harapan ng Diyos. 14 Sinabi niya sa pang-anim na anghel na may trumpeta: Pakawalan mo ang apat na anghel na iginapos sa malaking ilog ng Eufrates. 15 At pinaka­walan niya ang apat na anghel na inihanda para sa oras, araw, buwan at taon upang pumatay sa ikatlong bahagi ng mga tao. 16 Ang bilang ng hukbong nangangabayo ay dalawang daang milyon. Narinig ko ang bilang nila.

17 Sa ganito ko nakita ang mga kabayo at ang mga sakay nila sa isang pangitain. Sila ay may suot na mga baluti sa dibdib na mapulang katulad ng apoy, matingkad na bughaw at dilaw na katulad ng asupre. Ang ulo ng mga kabayo ay katulad ng mga ulo ng mga leon. Apoy at usok at nagniningas na asupre ang lumalabas sa kanilang mga bibig. 18 Sa pamama­gitan ng tatlong ito, ang apoy, ang usok at ang nagniningas na asupre, ay pinatay nila ang ikatlong bahagi ng mga tao. Ang mga bagay na ito ay lumalabas mula sa kanilang mga bibig. 19 Ito ay sapagkat ang kanilang mga kapamahalaan ay nasa mga bibig at mga buntot katulad ng mga ahas na may mga ulong makakapanakit.

20 May mga nalalabing mga tao na hindi napatay ng mga salot na ito. Ngunit hindi nila pinagsisihan ang gawa ng kanilang mga kamay. At hindi sila nagsisi upang hindi sila sasamba sa mga demonyo at mga diyos-diyosang ginto, pilak, tanso, bato at kahoy. Hindi sila makakakita, ni makakarinig, ni makakalakad man. 21 Hindi sila nagsisisi sa kanilang mga pagpatay, sa kanilang mga panggagaway, sa kanilang mga pakikiapid at sa kanilang pagnanakaw.

Ang Anghel at ang Maliit na Balumbon na Aklat

10 Nakita ko ang isa pang malakas na anghel na bumababang mula sa langit na nadaramtan ng ulap na may bahag-hari sa kaniyang ulo. Ang kaniyang mukha ay katulad ng araw at ang kaniyang mga paa ay katulad ng mga paa ng haligi ng apoy.

Mayroon siyang isang bukas na munting aklat sa kaniyang kamay. Ang kaniyang kanang paa ay nakatuntong sa dagat at ang kaniyang kaliwang paa ay sa lupa. Sumigaw siya nang malakas na tinig na katulad ng leong umaatungal. At nang sumigaw siya, ang pitong kulog ay nagsalita sa pamamagitan ng kani-kanilang mga tinig. Nang magsalita ang mga kulog sa pamamagitan ng kani-kanilang mga tinig, susulat na sana ako. At narinig ko ang isang tinig mula sa langit. Sinabi nito sa akin: Selyuhan ang sinabi ng pitong kulog. Huwag mong isulat ang kanilang mga salita.

Ang anghel na nakita kong nakatayo sa dagat at sa lupa ay nagtaas ng kaniyang kamay sa langit. Siya ay sumumpa sa pamamagitan niya na nabubuhay sa magpakailan pa man, na lumalang ng langit at ng mga bagay na naroon, ang lupa at ang mga bagay rito, ang dagat at ang mga bagay rito at sinabi ng anghel: Hindi na maaaring ipagpaliban pa. Subalit sa mga araw na hihipan na ng ikapitong anghel ang kaniyang trumpeta, matatapos na ang hiwaga ng Diyos katulad nang pagpapahayag ng ebangelyo sa kaniyang mga alipin na mga propeta.

At ang tinig na aking narinig mula sa langit ay muling nagsasabi sa akin: Yumaon ka. Kunin mo ang bukas na munting aklat sa kamay ng anghel na nakatuntong sa ibabaw ng dagat at sa ibabaw ng lupa.

At ako ay pumunta sa anghel at sinabi ko sa kaniya: Ibigay mo sa akin ang munting balumbon. At sinabi niya sa akin: Kunin mo at kainin mong lahat ito. Paaasimin nito ang iyong tiyan. Ngunit sa iyong bibig, matamis itong katulad ng pulot. 10 At kinuha ko ang munting aklat mula sa kamay ng anghel. Kinain kong lahat ito. Sa aking bibig ay matamis itong katulad ng pulot. Nang kainin ko ito, naging mapait ang tiyan ko. 11 At sinabi niya sa akin: Dapat na ihayag mong muli ang patungkol sa mga tao, sa mga bansa, sa mga wika at sa mga hari.

Ang Dalawang Tagapagpatotoo

11 At binigyan ako ng isang tambo na katulad ng isang panukat at sinabi ng anghel: Tumindig ka at sukatin mo ang banal na dako ng Diyos at ang dambana at ang mga sumasamba roon.

Huwag mo nang isali ang patyo na nasa labas ng templo. Huwag mo na itong sukatin sapagkat ibinigay na ito ng Diyos sa mga Gentil. Yuyurakan nila ang banal na lungsod sa loob nang apatnapu’t dalawang buwan. Bibigyan ko ng kapangyarihan ang dalawang tagapagpatotoo ko. Sila ay maghahayag sa loob ng isang libo at dalawangdaan at animnapung araw. Magsusuot sila ng magaspang na damit. Sila ang dalawang punong olibo at ang dalawang lalagyan ng ilawan. Nakatayo ang mga ito sa harapan ng Diyos ng lupa. Kung sinuman ang ibig manakit sa kanila, ang apoy ay lalabas mula sa kanilang mga bibig at tutupukin ang kanilang mga kaaway. Ang sinumang ibig manakit sa kanila ay dapat patayin sa ganitong paraan. May kapamahalaan ang mga lalaking ito na isara ang langit upang hindi umulan sa mga araw ng kanilang paghahayag. May kapamahalaan sila sa tubig upang gawin itong dugo. May kapamahalaan silang saktan ang lupa ng lahat ng mga salot kailanman nila ibig.

Pagkatapos ng kanilang patotoo, ang mabangis na hayop na umahong palabas ng walang hanggang kalaliman ay makiki­pagdigma laban sa kanila. Sila ay lulupigin at papatayin nila. Malalagay sa lansangan ng kabilang lungsod ang kanilang mga katawan. Sodoma at Egipto ang espirituwal na pangalan ng dakilang lungsod. Doon ipinako ang ating Panginoon. At ang ilang taong nagmula sa mga lipi at mga wika at mga bansa ay titingin sa kanilang mga katawan sa loob nang tatlo at kalahating araw. Hindi nila papayagang ilibing sa mga libingan ang mga katawan nila. 10 Dahil sa kanila, magagalak ang mga taong nakatira sa lupa. Magdiriwang sila at magpapadala ng mga kaloob sa isa’t isa dahil patay na ang dalawang propeta na ito na nagpapahirap sa mga naninirahan sa lupa.

11 Pagkatapos ng tatlo at kalahating araw, pumasok sa kanila ang espiritu ng buhay na mula sa Diyos. Tumindig sila sa kanilang mga paa. Labis na sindak ang bumalot sa lahat ng mga nakakita sa kanila. 12 Nakarinig sila ng isang napakalakas na tinig mula sa langit na nagsasabi sa kanila: Umakyat kayo rito. At umakyat sila sa langit sa alapaap at nakita sila ng kanilang mga kaaway.

13 Sa oras na iyon, nagkaroon ng isang napakalakas na lindol. Bumagsak ang ika-sampung bahagi ng lungsod. Pitong libong tao ang pinatay ng lindol. Ang mga natira ay natakot at nagbigay papuri sa Diyos ng kalangitan.

14 Natapos na ang ikalawang kaabahan. Narito, darating na agad ang pangatlong kaabahan.

Ang Pangpitong Trumpeta

15 Hinipan ng pangpitong anghel ang kaniyang trumpeta. May malakas na mga tinig sa langit na nagsasabi:

Ang mga paghahari ng sanlibutan ay naging mga paghahari ng ating Panginoon at ng kaniyang Cristo. At maghahari siya sa mga magpakailan pa man.

16 Ang dalawampu’t apat na nga matanda ay nagpatirapa at sinamba ang Diyos. Sila ang mga nakaupo sa kanilang mga luklukan sa harapan ng Diyos. 17 Sinabi nila:

Panginoong Diyos na makapangyarihan sa lahat, nagpa­pasalamat kami sa inyo. Ikaw ang kasalukuyan, ang nakaraan at ang darating. Tinanggap mo ang dakilang kapangyarihan at ikaw ay naghari.

18 Nagalit ang mga bansa. Ang poot mo ay dumating na. Dumating na ang panahon na hahatulan mo na ang mga patay. At gagan­timpalaan mo na ang mga alipin mo na mga propeta at ang mga banal at sila na natakot sa iyong pangalan at ang mga hindi dakila at ang mga dakila. At pipinsalain mo na ang mga tao na namiminsala sa lupa.

19 Nabuksan ang templo ng Diyos sa langit. Nakita ng mga tao ang kaban ng tipan sa kaniyang templo. Nagkaroon ng mga kidlat at mga tinig at mga kulog at lindol at malakas na ulan ng graniso.

Ang Babae at ang Dragon

12 At lumabas ang isang dakilang tanda sa langit. Isang babaeng nararamtan ng araw. Ang buwan ay nasa ilalim ng kaniyang mga paa. Sa kaniyang ulo ay may isang putong na may labindalawang bituin.

At siya ay nagda­langtao. Sumisigaw siya sa sakit ng panganganak dahil manga­nganak na siya. At lumabas ang isa pang tanda sa langit. At narito, isang dakilang pulang dragon. Ito ay may pitong ulo at sampung sungay. May pitong koronang panghari sa kaniyang ulo. Hinihila ng kaniyang buntot ang ikatlong bahagi ng mga bituin sa langit. Inihagis niya ang mga ito sa lupa. Nakatayo ang dragon sa harapan ng babae na manganganak na, upang kapag siya ay nakapanganak na, kakainin niya ang anak. Nagsilang siya ng isang batang lalaki. Siya ang magpapastol sa mga bansa sa pamamagitan ng isang pamalong bakal. Inagaw ang kaniyang anak patungo sa Diyos at sa kaniyang trono. Tumakas ang babae papuntang ilang. Naghanda ang Diyos ng dako para sa kaniya upang alagaan siya ng mga tao roon sa loob ng isang libo dalawangdaan at animnapung araw.

Nagdigmaan sa langit. Nakipagdigma si Miguel at ang kaniyang mga anghel laban sa dragon. Lumaban sa kanila ang dragon at ang mga anghel niya. Ngunit hindi sila nagta­gumpay, ni wala nang lugar sa langit para sa kanila. Itinapon palabas ang isang napakalaking dragon. Siya iyong ahas na mula pa noong unang panahon na ang tawag ay Diyablo at Satanas. Siya yaong nandaraya sa buong sanlibutan. Itinapon siya sa lupa at itinapon ding kasama niya ang kaniyang mga anghel.

10 Narinig ko ang isang malakas na tinig na nagsasalita sa langit. Sinabi nito:

Dumating na ngayon ang kaligtasan at ang kapangyarihan at ang paghahari ng Diyos. Ang kapamahalaan ng kani­yang Mesiyas ay dumating sapagkat naihulog na nila ang sumasakdal sa ating mga kapatid. Siya iyong sumasakdal sa kanila sa harapan ng Diyos gabi at araw.

11 Sila ay nilupig nila sa pamamagitan ng dugo ng Kordero at sa pamamagitan ng salita ng kanilang mga patotoo. Hindi nila minahal ang kanilang buhay hanggang sa kamatayan. 12 Dahil dito, magalak kayong mga langit at kayong mga nananahan sa langit. Kaabahan sa inyo na nananahan sa lupa at sa dagat sapagkat ang diyablo ay bumaba na sa inyo. Siya ay may matinding poot dahil alam niyang maikli na ang kaniyang panahon.

13 Nang makita ng dragon na inihagis siya ng Diyos salupa, inusig niya ang babae na nagsilang ng batang lalaki. 14 Binigyan ang babae ng dalawang pakpak ng malaking agila upang lumipad siya sa ilang. Doon ay aalagaan siya sa loob ng panahon, ng mga panahon at kalahating panahon mula sa harap ng ahas. 15 Pagkatapos, nagpadala ang ahas ng isang napaka­laking ilog mula sa kaniyang bibig upang makuha ang babae. Ipinadala niya ito upang tangayin ang babae. 16 Ngunit tinu­lungan ng lupa ang babae ibinuka ng lupa ang kaniyang bibig, hinigop ang ilog na ipinadala ng dragon mula sa kaniyang bibig. 17 Nagalit ang dragon sa babae. Yumaon siya upang makipagdigma sa mga naiwang anak na mula sa kaniya. Sila iyong mga tumutupad sa mga utos ng Diyos at taglay ang patotoo ni Jesucristo.

Ang Mabangis na Hayop Mula sa Dagat

13 At ako ay tumayo sa buhanginan sa tabing dagat. Nakita kong umaahon ang isang mabangis na hayop mula sa dagat. Ito ay may pitong ulo at sampung sungay at sa bawat sungay ay may sampung pangharing korona at sa kaniyang korona ay may mapamusong na pangalan.

Ang mabangis na hayop na aking nakita ay katulad sa isang leopardo. Ang mga paa nito ay katulad ng mga paa ng oso. Ang bibig nito ay katulad ng mga bibig ng leon. Ibinigay ng dragon ang kaniyang kapangyarihan at isang luklukan at dakilang kapamahalaan sa mabangis na hayop. At nakita ko na ang isa sa mga ulo ay nasugatan na maaring ikamatay. Ang sugat na ikamamatay ay gumaling. At ang lahat ng mga tao ay nanggi­lalas sa mabangis na hayop at sumunod dito. Sinamba nila ang dragon na nagbigay ng kapamahalaan sa mabangis na hayop. Sinamba nila ang mabangis na hayop. Sinabi nila: Sino ang katulad ng mabangis na hayop? Sino ang maaaring makipaglaban dito?

Binigyan siya ng isang bibig na nagsasalita ng dakilang salita at mga pamumusong. Binigyan siya ng kapamahalaan upang magpatuloy sa loob ng apatnapu’t dalawang buwan. At binuksan niya ang kaniyang bibig na namumusong laban sa Diyos at laban sa kaniyang pangalan at sa tabernakulo at sa mga nananahan sa langit. Binigyan ito ng kapamahalaan upang makipagdigma laban sa mga banal at upang lupigin sila. Binigyan niya ito ng kapamahalaan sa bawat lipi at wika at bansa. Ang lahat ng mga nakatira sa lupa ay sasamba sa kaniya, sila na ang kanilang mga pangalan ay hindi nakasulat sa aklat ng buhay ng Kordero. Ito ang Korderong pinatay mula ng itatag ang sanlibutan.

Ang may pandinig ay makinig: 10 Ang sinumang magpapa­bihag ay dadalhin siya sa pagkabihag. Ang sinumang pumatay sa tabak ay sa tabak din sila papatayin. Ito ay nanganga­hulugan na ang mga banal ay dapat magkaroon ng pagtitiis at pananampalataya.

Ang Mabangis na Hayop Mula sa Lupa

11 At nakita ko ang isa pang mabangis na hayop na umahon mula sa lupa. Ito ay may dalawang sungay katulad ng isang kordero at kung magsalita ay katulad ng isang dragon.

12 Ginagamit nito ang lahat ng kapamahalaan ng mabangis na hayop na naunang lumabas sa kaniya. Pinasasamba nito ang lupa at ang mga tao na nananahan rito sa unang mabangis na hayop na ang nakakamatay na sugat ay gumaling. 13 Ang ikalawang mabangis na hayop ay gumawa nga ng mga dakilang tanda. Pinababa nito ang apoy na mula sa langit sa lupa at sa harapan ng mga tao. 14 Inililigaw nito ang mga nananahan sa lupa. Ginawa niya ito sa pamamagitan ng mga tanda na ipinagawa sa kaniya sa harapan ng unang mabangis na hayop. Sinabi nito sa mga tao na nakatira sa lupa, na gumawa sila ng isang larawan ng unang mabangis na hayop na nasugatan ng tabak at nabuhay ito. 15 Binigyan ito ng kapangyarihan ang ikalawang mabangis na hayop upang bigyan niya ng hininga ang larawan ng mabangis na hayop. Ang larawan ng mabangis na hayop ay magsasalita at ipapapatay niya sa mga tao ang mga hindi sumasamba sa larawan ng mabangis na hayop. 16 Ang mga dakila at mga hindi dakilang tao, ang mayayaman at mahihirap, ang mga malaya at ang mga alipin ay ipapa­tatakan niya sa kanilang kanang kamay o sa kanilang noo. 17 Ang may tatak lamang ng mabangis na hayop ang makakabili o ang makakapagbili. Dapat ay taglay nila ang tatak o ang pangalan o ang bilang ng pangalawang mabangis na hayop.

18 Ito ang kaalaman: Ang may pang-unawa ay dapat bilangin ang bilang ng mabangis na hayop. Ang dahilan, ito ang bilang ng isang tao. Ang bilang ay anim na raan at animnapu’t anim.

Ang Kordero at ang Isangdaan at Apatnapu’t Apat na Libong Tao

14 At nakita ko, narito, ang Korderong nakatayo sa bundok ng Zion. Siya ay may kasamang isangdaan at apatnapu’t apat na libong mga tao na nakatayo. May nakasulat na pangalan ng kaniyang ama sa kanilang mga noo.

Ako ay nakarinig ng isang tunog na mula sa langit na katulad ng tunog ng maraming tubig. Ito ay katulad ng isang napakalakas na kulog. Narinig ko ang tunog ng maraming manunugtog ng kudyapi na tumutugtog ng kanilang kudyapi. Sila ay umawit ng isang bagong awit sa harapan ng trono at sa harapan ng apat na buhay na nilalang at ng mga matanda. Walang sinumang matututo ng awit na iyon. Ang matututo lamang nito ay ang isangdaan at apatnapu’t apat na libong mga tao na tinubos ni Jesus sa lupa. Hindi dinungisan ng mga ito ang kanilang mga sarili sa mga babae. Sila ay mga birhen. Sila yaong mga sumu­sunod sa Kordero saan man siya pumaroon. Sila yaong mga tinubos ng Kordero bilang mga unang bunga para sa Diyos at para sa Kordero. Walang pandaraya sa kanilang mga bibig sapagkat wala silang anumang dungis sa harapan ng trono ng Diyos.

Ang Tatlong Anghel

At nakita ko ang isa pang anghel na lumilipad sa kalagitnaan ng langit. Taglay nito ang walang hanggang ebanghelyo na ipapahayag sa mga nananahan sa lupa. Kabilang dito ang bawat bansa at lipi at wika at mamamayan.

Sinabi niya sa isang malakas na tinig: Matakot kayo sa Diyos sapagkat dumating na ang oras ng kaniyang paghuhukom. Magbigay kayo ng papuri sa kaniya. Sambahin ninyo siya na gumawa ng langit at lupa at dagat at bukal ng mga tubig.

May isa pang anghel ang sumunod sa kaniya na nagsabi: Bumagsak na ang Babilonya! Bumagsak na ang dakilang lungsod ng Babilonya! Siya ay bumagsak dahil sa alak ng poot ng kaniyang pakikiapid na ipinainom niya sa lahat ng mga bansa.

Sumunod sa kanila ang pangatlong anghel. Sinabi niya sa isang malakas na tinig: Ito ang mangyayari sa sinumang sasamba sa mabangis na hayop at sa kaniyang larawan. Ito ay mangyayari sa sinumang tumanggap ng tatak sa kaniyang noo o sa kaniyang kamay. 10 Siya ay iinom ng alak ng poot ng Diyos, na ibinuhos niya na walang halo sa saro ng kaniyang poot. Pahihirapan siya sa apoy at nagniningas na asupre sa harapan ng mga banal na anghel at sa harapan ng Kordero. 11 Ang usok ng kanilang paghihirap ay puma­ilanlang mag­pakailan pa man. Ang mga sumamba sa mabangis na hayop at kaniyang larawan ay walang kapahingahan araw at gabi. Gayundin ang mga tumanggap ng tatak ng pangalan nito ay walang kapahingahan. 12 Narito ang pagtitiis ng mga banal na tumutupad sa mga utos ng Diyos at nananampalataya kay Jesus.

13 At ako ay nakarinig ng isang tinig mula sa langit. Sinabi nito sa akin: Isulat mo ito. Pinagpala ang mga mama­matay sa Panginoon mula ngayon.

Sinabi ng Espiritu: Oo, sila ay dapat na mamahinga mula sa kanilang mga pagpapagal. Susundan sila ng kanilang mga gawa.

Ang Ani sa Lupa

14 At nakita ko at narito, ang isang puting ulap at sa ibabaw ng ulap ay may isang nakaupo na katulad ng Anak ng Tao. Siya ay may gintong putong sa kaniyang ulo. Sa kaniyang kamay ay may hawak na isang matalas na karit.

15 At may isa pang anghel na lumabas mula sa banal na dako. Siya ay sumigaw sa isang malakas na tinig sa nakaupo sa ulap na nagsasabi: Gamitin mo ang iyong karit at ipanggapas mo na. Ang dahilan ay dumating na ang oras upang ikaw ay gumapas. Ang aanihin sa lupa ay handa na. 16 At inilagay ng nakaupo sa ibabaw ng ulap ang kaniyang karit sa lupa at ginapas ang anihin sa lupa.

17 At isa pang anghel ang lumabas mula sa banal na dako na nasa langit. Siya rin ay may taglay na isang matalas na karit. 18 At may isa pang anghel ang lumabas mula sa dambana. Siya ay may kapamahalaan sa apoy. Tinawag niya sa isang malakas na tinig ang may taglay ng matalas na karit. Sinabi niya: Gamitin mo na ang matalas mong karit. Tipunin mo ang mga buwig ng ubas sa lupa sapagkat hinog na ang mga ubas sa lupa. 19 Inilabas ng anghel ang karit at tinipon ang ubas sa lupa. Inihagis niya ang mga ubas ng lupa sa pisaang-ubas ng poot ng dakilang Diyos. 20 Niyurakan nila ang mga ubas sa pisaang-ubas na nasa labas ng lungsod. Lumabas ang dugo mula sa pisaang-ubas. Ito ay kasinglayo ng bokado ng mga kabayo sa layong tatlong daang kilometro.

Footnotes

  1. Pahayag 9:11 Ang ibig sabihin ng Abadon at Apolyon ay nananahulugang ang maninira.