Add parallel Print Page Options

Ang Balumbon na Aklat at ang Kordero

At nakakita ako ng isang balumbon sa kanang kamay ng nakaupo sa trono na may sulat sa loob at sa likod nito, tinatakan ito ng pitong selyo.

At nakita ko ang isangmalakas na anghel na nagpapahayag sa isang malakas na tinig: Sino ang karapat-dapat na magbukas sa selyo ng balumbon at magpa­luwag ng mga selyo nito. Walang sinuman sa langit, o sa lupa, o sa ilalim ng lupa ang makaka­pagbukas ng balumbon o makatingin man dito. Dahil hindi sila makakita ng sinumang karapat-dapat na magbukas at magbasa ng balumbon o maka­tingin man nito, ako ay tumangis ng labis. Sinabi ng isa sa mga matanda sa akin: Huwag kang tumangis. Narito, ang leon na mula sa lipi ni Juda at ang ugat ni David ay nagtagumpay upang buksan ang balumbon at luwagan ang pitong selyo nito.

At nakita, narito, isang Kordero ang nakatayong katulad niyaong pinatay sa gitna ng trono at sa kanilang apat na nilalang at sa gitna ng mga matanda. Siya ay may pitong sungay at pitong mga mata na ang mga ito ay ang pitong Espiritu ng Diyos na sinugo sa lahat ng lupa. At siya ay dumating at kinuha ang balumbon mula sa kanang kamay ng nakaupo sa trono.

Nang kunin niya ang balumbon, ang apat na buhay na nilalang at ang dalawampu’t apat na mga matanda ay may mga alpa at mga gintong mangkok na pinuno ng kamangyan na ito ang mga panalangin ng mga banal. At sila ay umawit ng bagong awit. Sinabi nila:

Ikaw ay karapat-dapat kumuha ng balumbon at magbukas ng selyo nito. Dahil pinatay ka nila at tinubos mo kami para sa Diyos ng iyong dugo, sa bawat lipi at wika, mga tao at bansa.

10 Ginawa mo kaming mga hari at mga saserdote para sa aming Diyos. At kami ay maghahari sa ibabaw ng lupa.

11 Nakita ko at narinig ang tinig ng maraming anghel na nakapalibot sa trono, ng mga buhay na nilalang, ng mga matanda at ng mga sampunlibo ng sampunlibo at mga libu-libo ng mga libu-libo. 12 Sinabi nila sa pamamagitan ng isang malakas na tinig:

Ang Korderong kanilang pinatay ay karapat-dapat na tumanggap ng kapangyarihan at kayamanan at karu­nungan at kalakasan at karangalan at kaluwalhatian at pagpapala.

13 Narinig ko ang tinig ng lahat ng nilalang na naroon sa langit, at sa lupa, at ilalim ng lupa, at silang nasa karagatan at ang lahat ng bagay na nasa kanila, nagsasabi:

Sa kaniya na nakaupo sa trono at sa Kordero, pagpapala at karangalan at kaluwalhatian at kapangyarihan magpa­kailan pa man.

14 At ang apat na buhay na nilalang ay nagsabi: Siya nawa. At ang dalawampu’t apat na mga matanda ay nagpatirapa at sinamba siyang nabubuhay magpakailan pa man.

The Scroll and the Lamb

Then I saw in the right hand of him who was seated on the throne (A)a scroll written within and on the back, (B)sealed with seven seals. And (C)I saw a mighty angel proclaiming with a loud voice, “Who is worthy to open the scroll and break its seals?” And no one in heaven or on earth or under the earth was able to open the scroll or to look into it, and I began to weep loudly because no one was found worthy to open the scroll or to look into it. And one of the elders said to me, “Weep no more; behold, (D)the Lion (E)of the tribe of Judah, (F)the Root of David, has conquered, so that he can open the scroll and its seven seals.”

And between the throne and the four living creatures and among the elders I saw (G)a Lamb standing, as though it had been slain, with seven horns and with (H)seven eyes, which are (I)the seven spirits of God sent out into all the earth. And he went and took the scroll from the right hand of him who was seated on the throne. And when he had taken the scroll, the four living creatures and the twenty-four elders (J)fell down before the Lamb, (K)each holding a harp, and (L)golden bowls full of incense, (M)which are the prayers of the saints. And they sang (N)a new song, saying,

“Worthy are you to take the scroll
    and to open its seals,
for (O)you were slain, and by your blood (P)you ransomed people for God
    from (Q)every tribe and language and people and nation,
10 and you have made them (R)a kingdom and priests to our God,
    and they shall reign on the earth.”

11 Then I looked, and I heard around the throne and the living creatures and the elders the voice of many angels, numbering (S)myriads of myriads and thousands of thousands, 12 saying with a loud voice,

(T)“Worthy is the Lamb who was slain,
to receive power and wealth and wisdom and might
and honor and glory and blessing!”

13 And I heard (U)every creature in heaven and on earth and under the earth and in the sea, and all that is in them, saying,

“To him who sits on the throne and to the Lamb
be blessing and honor and glory and might forever and ever!”

14 And the four living creatures (V)said, “Amen!” and the elders (W)fell down and worshiped.