Add parallel Print Page Options

Mga kidlat at mga kulog at mga tinig ang lumalabas mula sa trono. Pitong ilawan ng apoy ang nagniningas sa harap ng trono. Sila ay ang pitong Espiritu ng Diyos. Sa harap ng trono ay isang lawa ng salamin na katulad ng kristal.

Sa gitna ng trono at sa palibot ng trono ay may apat na buhay na nilalang, puno ng mga mata sa harapan at sa likuran.

Ang unang buhay na nilalang ay katulad sa isang leon. Ang ikalawang buhay na nilalang ay katulad ng isang guya. Ang ikatlong buhay na nilalang ay mayroong mukhang katulad ng isang tao. Ang ikaapat na buhay na nilalang ay lumilipad katulad ng isang agila.

Read full chapter