Add parallel Print Page Options

Dalawampu’t apat na luklukan ang nakapalibot sa tronong iyon. Sa mga luklukang iyon, nakita ko ang dala­wampu’t apat na mga matanda na nakaupo roon. Sila ay nakasuot ng mapuputing damit at sa kanilang mga ulo ay may gintong putong. Mga kidlat at mga kulog at mga tinig ang lumalabas mula sa trono. Pitong ilawan ng apoy ang nagniningas sa harap ng trono. Sila ay ang pitong Espiritu ng Diyos. Sa harap ng trono ay isang lawa ng salamin na katulad ng kristal.

Sa gitna ng trono at sa palibot ng trono ay may apat na buhay na nilalang, puno ng mga mata sa harapan at sa likuran.

Read full chapter