Add parallel Print Page Options

Ang may pandinig ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesiya.

Ang Sulat Para sa Iglesiya sa Filadelfia

Sumulat ka sa anghel ng iglesiya sa Filadelfia:

Ako ang Banal at Totoo. Ako ang may hawak ng susi ni David na nagbubukas at walang makakapagsara nito, nagsasara ako at walang makakapagbukas nito.

Nala­laman ko ang iyong mga gawa, narito, inilagay ko sa harap mo ang isang pintuang bukas at walang makaka­pagsara nito sapagkat kaunti ang iyong lakas at tinupad mo ang aking salita at hindi mo ipinagkaila ang aking pangalan.

Read full chapter