Add parallel Print Page Options

“Ang lahat ng may pandinig ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya!”

Ang Mensahe para sa Iglesya sa Filadelfia

“Isulat(A) mo sa anghel ng iglesya sa Filadelfia:

“Ito ang sinasabi ng banal at mapagkakatiwalaan, ang may hawak ng susi ni David. Walang makakapagsara ng anumang binubuksan niya, at walang makakapagbukas ng anumang sinasarhan niya. Alam ko ang mga ginagawa mo. Alam kong kaunti lamang ang iyong kakayahan ngunit sinunod mo ang aking salita, at naging tapat ka sa akin. Kaya't binuksan ko para sa iyo ang isang pinto na hindi maisasara ninuman.

Read full chapter