Font Size
Pahayag 3:18-20
Ang Salita ng Diyos
Pahayag 3:18-20
Ang Salita ng Diyos
18 Dahil dito, pinapayuhan kita na bumili ng ginto mula sa akin na dinalisay ng mga tao sa apoy upang yumaman ka. Bumili ka ng maputing damit upang ikaw ay mabihisan. Sa ganitong paraan ay hindi makikita ng mga tao ang kahihiyan ng iyong kahubaran. Pahiran mo ang iyong mga mata ng gamot para sa mata upang makakita ka.
19 Sinasaway ko at sinusupil ko ang aking mga minamahal. Kaya nga, magsumigasig ka at magsisi. 20 Narito, ako ay nakatayo sa pintuan at patuloy na kumakatok. Kapag marinig ng sinuman ang aking tinig at magbukas ng pinto, ako ay papasok sa kaniya. Ako ay maghahapunang kasama niya at siya ay kakaing kasama ko.
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International