Font Size
Pahayag 22:4-6
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Pahayag 22:4-6
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
4 Makikita nila ang kanyang mukha, at isusulat sa mga noo nila ang kanyang pangalan. 5 Wala nang gabi roon, kaya hindi na kailangan ang mga ilawan o ang liwanag ng araw, dahil ang Panginoong Dios ang magiging ilaw nila. At maghahari sila magpakailanman.
Ang Pagbabalik ni Jesus
6 At sinabi sa akin ng anghel, “Ang mga salitang ito ay totoo at maaasahan. Ang Panginoong Dios, na nagpapahayag sa kanyang mga propeta,[a] ang siyang nagsugo ng anghel niya upang ipakita sa mga lingkod niya ang mga bagay na malapit nang mangyari.”
Read full chapterFootnotes
- 22:6 Ang Panginoong Dios … propeta: sa literal, Ang Panginoong Dios ng mga espiritu ng mga propeta.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®